Chapter 18: Creepy things

69 4 2
                                    

Hindi na kami halos mapakali ni Carlo matapos kong ikwento sa kaniya ang panaginip ko. Pareho kaming halos hindi makapaniwala at hindi malaman kung matatakot ba para sa safety namin o itutuloy pa ang pag tulong kay Aria.

Si Aria na hindi ko na ulit nakita pa mula ng gabing mapanaginipan ko ito. Nasaan na kaya siya?

"Boss.."

Agad kong nilingon si Carlo.

"Anong balak? Tutuloy pa ba tayo?" Tanong nito. Bakas ang kakaibang pagkabalisa nito.

Mamayang gabi ang alis namin ni Carlo at  sa totoo lang ay naka handa na ako. Gustong gusto ko ng malaman ang buong pagkatao ni Aria at matulungan itong makapag pahinga na sa kabilang buhay. Hindi na siya dapat nalalagi at nakiki halubilo sa mundo ng mga buhay.

Nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na lungkot sa ideyang maaring hindi ko na makita si Aria sa mga susunod na araw. Parang sumakit ang puso ko sa katotohanang patay na ito at ang patay ay hindi na dapat nakaka halubilo ng mga buhay.

"Tuloy tayo.."

Mula sa likod ni Carlo ay nakita roon si Aria. Naka titig din ito sa akin at hindi ko mapangalanan ang emosiyon na nakikita ko sa mga mata nito. Tulala at halos hindi maipinta ang sariling mukha.

Aria..

"Boss.. Nakaka takot naman 'yang mga tingin mo.." Sabi nito. Bumalik ang tingin ko kay Carlo. "Nandito.. ba.. siya?"

Tumango ako.

"Behind you.." Nakagat nito ang pang ibabang labi sa takot.

"Lance naman eh. Tinatakot mo ko!"

"She won't hurt you. Don't worry." Sabi ko.

Umayos ng upo si Carlo. Natatawa ako sa klase ng pag iingat nitong gumalaw.

"Saan ka galing?" Tanong ko.

Tumingin ito sa akin.

"Sinubukan kong alalahanin ang mga tao sa memorya ko kaso ay.. wala talaga akong maalala.." Sabi nito.

"Gusto kong tulungan ka, Lance. Alam kong nagugulo ko na ang buhay mo at alam kong kapag naalala ko na kung anong pangalan ko ay madali mo na lang na mahahanap ang pamilya ko.." Dagdag nito. "Sa tingin ko kasi ay pamilya ko ang dahilan kaya hindi ako makatawid at makarating sa pupuntahan ko. Hindi ko makita yung liwanag dahil hindi ko alam kung-"

"Wag kang mag alala.. Ginagawa namin ang lahat para matulungan ka. Nandito sa Carlo-"

"Carlo?"

"Oo. Tutulong siya sayo.."

Nilingon ako ni Carlo. Bakas ang takot sa mukha nito dahil sa pag banggit ko ng pangalan niya.

"Ano 'yon? Bakit?" Kabadong tanong nito. Naglilikot ang mga mata at nakikiramdam.

"Salamat Carlo.." Si Aria na ang tingin kay Carlo habang naka ngiti.

Gumapang ang kakaibang emosiyon sa akin ng makitang ngumiti si Aria sa ibang lalaki. Damn. Parang biglang gusto kong ibalibag si Carlo at hilahin paharap sa akin ang napaka kulit ng multong ito na basta na lang ngumingiti sa lalaking hindi naman niya nakaka usap.

"Salamat daw.." Sa halip ay pag uulit ko sa sinabi ni Aria. Muli akong nilingon nito.

"Ha?"

"Sabi ni Aria.. Thank you daw."

Nilibot ni Carlo ang paningin sa paligid saka niyakap ang sarili.

Parang baliw!

"I told you she's behind you.."

FADED ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon