"Tss.. Boyfriend mo ba 'to? Bakit ka nangyayakap?" Rinig kong sabi ni Aria.
Titig na titig si Aria kay Pia. Lukot na lukot halos ang mukha ni Aria dahil sa tanong na iyon.
"Oh, kain na!" Sabi ni Carlo.
Ngumiti si Pia saka nag simulang kumain. Nag simula na rin mag daldal si Carlo na panay ang kwento ng kung ano ano sa aming dalawa.
"Tss.. Hindi naman masiyadong maganda." Rinig kong pasiring ni Aria na noon ay naka krus ang dalawang braso habang naka titig kay Pia.
Natawa ako dahil sa sinabi nito.
"Oh, see? Natatawa nga si Lance! Ibig sabihin ay nakakatawa talaga ang mga jokes ko! Diba, Lance?" Tanong ni Carlo na ikinatigil ko.
Ano bang sinasabi niya? Teka, May sinasabi ba siya?
Kunwari ay natawa ako.
"Oo naman! Bentang benta sa akin ang mga jokes mo." Sabi ko. Napa ngiti si Carlo saka muling nag simula ng bagong topic.
Pasimple kong nilingon si Aria na noon ay naka kunot parin ang noo habang naka titig Pia.
"So, bakit ka nga niya niyakap?" Tanong nito saka humarap sa akin.
Natigilan ako.
Nababaliw na ba 'tong babaeng 'to? Tinatanong niya ako as if naman masasagot ko siya, eh may kasama kami dito! Tss.. Ang gandang multo kaso ay kulang sa talino.
"Hindi ka dapat nagpapayakap ng ganon lalo na dahil wala naman kayong relasyon!" Sabi nito saka nag laho sa paningin ko.
Teka, nasisiraan na ba ng ulo 'tong multong 'to? Bakit naman siya ganiyan mag salita? Parang ginusto ko naman yung yakap na 'yon! Hindi ko 'yon ginusto! Tsk!
At tsaka bakit ba niya ko inuutusan?! Demanding din ang kaluluwang 'yon! Kung nabububay lang siguro siya ay magkakasundo silang tatlo ni Mommy at Leigh. Parehong madaldal at demanding!
"Bakit nga ba nabasag yung mga vase mo? Alam mo bang ang creepy 'non at takot na takot si-"
Agad kong tinapakan mula sa ilalim ang paa ni Carlo. Gulat na gulat itong tumingjn sa akin pero nanatiling nasa pagkain ang tingin ko at halos palihim na sulyap lang ang ginawa ko.
Ayan na naman siya, sa sobrang kadaldalan niya ay pati ang nakaka hiyang nangyaring iyon ay kinwento pa. Badtrip talaga 'tong abnormal na 'to!
"Takot na takot ako!" Sabi nito. Naka hinga ako ng maluwag. "Takot kasi ako sa mga ghost." Napipilitan ang ngiting sabi nito.
"Ganon ba? Kaya pala nagmamadali agad kayong umalis." Sabi ni Pia. Hindi ako sumagot pero inangat ko ang tingin sa kaniya. "Kilalang kilala ka na pala talaga ni Lance, kasi nung mabasag yung mga vase, tinakbo ka agad niya." Naka ngiting dagdag nito pero ang tingin ay kay Lance na natigilan rin.
Crap!
"Ha?" Saka ito tumawa. "Oo! Oo naman! Ganiyan lang 'yan si Lance pero alam kong mahal ako niyan at nag aalala siya sa akin!" Proud pang sabi ng ugok.
Ul*l ka! Sinasamantala ang pagkakataon.
"Diba, Lance?" Ngiting aso nitong tanong sa akin.
Pilit ang ngiting tiningnan ko ito.
"Oo naman." Tipid kong sagot saka mabilis na inubos ang laman ng plato ko.
Kainis talaga 'tong si Carlo! Napaka abnormal! Tsk.
'Nasan na naman ba yung demanding na multong 'yon? Alis ng alis! Hindi muna pumirmi dito sa tabi ko para mapag planuhan namin kung paano mag sisimulang hanapin yung pamilya niya.
BINABASA MO ANG
FADED ✔
Ficção GeralFord Sibling's Series no. 1 'Love is always sweet' that's how Lance Asher, a twenty-three-year-old writer defines Love. It is proven because of the everlasting love of his parents for each other. He can easily write a great love story. In just a sna...