Chapter 5: Weird

129 4 2
                                    

Impit na sigaw ang lumabas sa bibig ko ng pag mulat ng mata ay mukha ng kapatid kong si Lyanna na naka titig sa akin habang hawak ang sarili nitong unan at naka sabit ang puting headphones sa leeg niya.

"Lyanna! Anong ginagawa mo?!" Tanong ko saka bumangon. Tinitigan ko ito at napa hilamos ng mabungaran ang blangko nitong mukha na naka titig sa akin.

"Bakit?" Tanong ko ulit ng hindi ito sumagot sa akin.

Nagkibit balikat ito saka humihikab na tinungo ang pinto saka lumabas.

Napa buntong hininga ako at sinulyapan ang kama. Mahimbing parin na natutulog doon si Leigh.

Sinulyapan ko ang orasan.

Alas diyes na ng umaga. Tirik na tirik na ang araw. Tumatagos na rin sa puting kurtina ng bintana ko ang sinag ng araw mula sa labas pero parang hindi tinatablan ng kahit anong liwanag ang mahimbing at payapang pag tulog ng kapatid ko.

Napa sabunot ako sa sariling buhok ng maalala ang dahilan kung bakit tinanghali kami ng gising.

Malamang dahil pare-pareho kaming napuyat.

Bwiset na katatakutan iyan! Pati ako ay nadamay sa niyerbosang si Leigh. Mula kasi ng sabihin ni Lyanna na hindi siya ang nag bukas ng pinto ay hindi na natahimik ang malawak na imahinasyon ng kapatid ko. Hindi ito agad dinalaw ng antok at gustuhin ko man na matulog na dahil antok na antok na ako, sabayan pa ng pagod dahil sa trabaho, ay hindi ko magawang iwanan ang mga ito ng gising pa.

Ang ending tuloy ay pare-pareho kaming hindi na dinalaw ng antok sa huli at inubos na lang ang palabas sa TV at paminsan minsan ay nililibang ang sarili sa pagkukwentuhan. Alas tres ng madaling araw na kami halos naka tulog.

Napa kamot ako sa ulo saka iiling iling na nag tungo sa banyo at naligo.

Hindi ko tuloy maiwasan mapa isip kung may pakay ba sa akin ang multo ng babaeng iyon. Aminin ko man o hindi kasi ay kakaiba talaga ang nararamdaman ko dito. Hindi lang basta takot, kilabot at tindig ng balahibo kundi ang pagnanais kong makilala ito hindi bilang kaluluwa.

May parte sa akin na gusto na siyang kausapin at tanungin ang gusto nitong mangyari pero may parte din sa akin na gustong manahimik na lang sa isang tabi at mamuhay ng binabalewala ang kaluluwang nakikita ko.

Paglabas ng banyo ay nadatnan ko ang maayos na kama ko. Naka tiklop ang mga kumot at naka ayos ang mga unan.

Iyon ang maganda kay Leigh. Ubod man ng kadaldalan ay maayos ito sa gamit, organize kumbaga. Maarte sa paligid at allergy sa alikabok at mabahong kumot.

Matapos tuyuin ang sariling buhok ay bumaba ako, nadatnan ko sa sala si Mommy na tutok na tutok sa TV habang si Daddy ay naroon sa kusina at seryosong nag luluto.

"Good morning.." Bati ko saka humalik sa pisngi ni Mommy.

"Good morning. Asan ang dalawa mong kapatid? Tanghali na kayo nagsi-gising. Ano na naman ang pinagkapuyatan niyong tatlo?" Tanong ni Mommy na nasa pinapanood naka tutok ang mata.

"Nanuod kami ng movies." Dahilan ko saka tumungo sa kusina. "Good morning, Dad." Bati ko kay Daddy na noon ay kunot noong nag hihiwa ng sibuyas. Para bang may galit ito sa sibuyas dahil sa klase ng pagkunot nito ng noo. Tila ba hindi rin ito tinatablan ng pag iyak na dulot ng sibuyas.

Tumingin ito sa akin. "Morning.."

Tahimik akong nag timpla ng kape saka naka ngiwing sinulyapan si Leigh na kakababa lang at ngiting ngiting yumakap kay Daddy at nag presintang tumulong sa pag luluto.

Uunat unat akong lumabas at tumungo sa puting upuan na nandoon. Humigop pa muna ako sa kape at sinulyapan ang motor kong naka parada.

Madumi na.

FADED ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon