Chapter 32: Home

53 4 2
                                    

Tahimik kami habang nasa biyahe. Nananatiling nasa bintana ng sasakyan ang tingin ko, pinagmamasdan ang bawat nadadaanan, habang ang dalawa kong kapatid ay nakasandal sa isa't isa at natutulog. Si Mommy naman ay tahimik din habang nagbabasa ng libro at si Daddy naman ay nagma-maneho.

Tahimik kong sinimulan ang pag titipa sa keyboard ko ng maramdaman ang malamig na presensiya sa gilid ko.

Napabuntong hininga ako dahil alam kong ang multo ng babaeng iyon ang naroon sa gilid ko at paniguradong pagmamasdan na naman ako.

"Bakit ka tumigil?"

Napa lunok ako ng sariling laway saka muling nag tipa sa keyboard.

"Bakit ka gumalaw?"

Natigilan ako sa tanong nito.

Pinagti-tripan yata ako ng multong 'to!

"Bakit ka tumigil?"

Hindi ko inaalis ang tingin sa keyboard ng kunin ko ang tumbler ko saka uminom ng tubig mula doon. Malamig ang pakiramdam ko pero sa hindi malamang dahilan ay para akong natutuyuan ng lalamunan dahil sa multong nasa gilid ko at sinusubukan akong kausapin.

"Bakit ka umiinom?"

Halos maibuga ko ang tubig dahil sa tanong na iyon.

Hindi ko napigilan mapa ngiti ng maalala ang kakulitan ni Aria. Iyon ang unang beses na ginulo ako nito mula ng makita ko siya. Kakaiba ang karisma niya noon. Nakaka hatak ng energy. Hindi ko matanggihan. Na-distract ako ng sobra.

Siguro nga ay planado ang pag tatagpo naming dalawa. Ako talaga ang makaka tulong sa kanya para maka balik sa katawan niya. Hindi ko pa nagawang tumulong sa mga ligaw na kaluluwang nakikita ko. Tanggap ko na ang special gift na ito pero hindi ko kailanman naisip na tutulong ako sa mga kaluluwa. Hindi ko kailanman naisip ang bagay na iyon.

"Nasaan ang thank you ko?"

Naimulat ko ang mga mata ng marinig iyon at nakita itong naka tayo sa dulo ng kama ko at diretsong naka tingin sa akin.

Naipikit ko ang mga mata saka napa buntong hininga at bumangon. Mataman ko itong tinitigan.

"Sa tingin mo ba ay dapat kong ipagpasalamat ang ginawa mong 'yon? Natakot ako! At mas lalong natakot ang mga naka kita 'non dahil hindi ka nila nakikita!" Sabi ko saka muling naalala kung paanong nabasag ang mga vase na hindi man lang nito hinahawakan.

"Hindi ko na kasalanan 'yon kung ganon. Niligtas kita at kailangan mong magpasalamat sa akin." Sabi nito na nananatiling naka tayo at naka tingin sa akin habang ako naman ay naka upo at hindi mapakali sa kama ko dahil kinakausap ko na ang napaka kulit na multong na encounter ko sa buong buhay ko.

"Teka, sa paanong paraan mo naman ako iniligtas?" Tanong ko dito.

Pakiramdam ko ay nawala ang pagod at antok ko dahil sa multong ito. Kakaiba! Siya pa ang may ganang sabihin na iniligtas niya ako samantalang pakiramdam ko kanina ay mamamatay ako dahil sa takot.

"Sabihin na nating.." Pinutol nito ang sasabihin saka nag laho at ng bumalik ay nakalapit na ang mukha sa akin.

Napa lunok ako ng matitigan ang mga mata nito.

Ang ganda ng mga mata niya.

Saka bumaba ang tingin ko sa labi niyang bahagyang naka buka.

"Iniwas kita sa halik ng babaeng 'yon." Dagdag nito saka lumayo sa akin at naglakad lakad sa harap ko.

Hindi agad ako naka galaw dahil sa narinig. Hindi ko tuloy malaman kung saan ako nagulat. Sa sinabi niyang iniwas niya ako sa halik ni Pia o dahil sa sobrang lapit niya sa akin kanina?

FADED ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon