Epilogue

70 4 3
                                    

Aria's POV

Kunot noo kong inilibot ang paningin ng makitang nasa loob ako ng isang building. Kakaunti na ang tao at hindi pamilyar sa akin ang lugar na iyon.

Ikinagulat ko ng hindi ko mahawakan ang button ng elevator na nandoon. Nakaramdam ako ng kaba lalo na ng mula sa labas ay tumagos ako sa loob niyon at nakitang may may isang babae at lalaki ang naka sakay doon.

Hindi ko rin halos namalayan ng bigla akong mahatak ng energy ng lalaking nakita ko sa elevator. Nakarating kami sa bahay niyon ng hindi namamalayan ang presensya ko.

Anong nangyayari?

Bakit nakaka lutang ako?

Sinubukan kong hawakan ang stuff toy na nakita ngunit maging iyon ay hindi ko maramdaman. Kunot noo kong tinitigan iyon saka nalungkot ng ma-realize na Hindi ako nakikita ng mga taong nakikita ko. Nilalagpasan lang nila ako at ako naman ay tumatagos lang sa kanila.

"Nakikita mo ako.." Sabi ko ng minsan at mapag isa sa isang silid ang lalaki na may pangalang Lance. Alam kong nakikita niya ako pero pinipilit lang na ignorahin. Alam kong binabalewala nito ang presensya ko gaya ng ibang taong nakaka salamuha niya.

"Sa tingin mo ba ay dapat kong ipagpasalamat ang ginawa mong 'yon? Natakot ako! At mas lalong natakot ang mga naka kita 'non dahil hindi ka nila nakikita!" Pigil ang sigaw na sabi nito. Hindi ko rin inaasahan na magagawa kong basagin ang vase ng bulaklak na iyon.

Ng gabing iyon ay naguluhan ako sa mga nakita ko sa bahay na 'yon. Parang may something. May naramdaman akong kakaiba lalo na sa babaeng kasama niya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko at ang pag basag ng vase na iyon ang naging dahilan ko para hindi niya mahalikan si Lance. At nag tagumpay naman ako.

"Tulungan mo ko.." Sabi ko na ikinatigil niya. "Lance.." Malungkot kong sabi. Hindi ko na maintindihan ang gagawin ko. Naguguluhan ako dahil sa mga nangyayari sa akin.

"A-anong itutulong ko? I mean.. P-pano kita tutulungan?"

"Hanapin natin ang pamilya ko." Sabi ko.

Umiwas ito ng tingin saka napa buntong hininga.

"Pano ko gagawin 'yon eh wala kang maalala? Wala kang ideya kung paano ka nagka ganiyan. Ang alam mo lang ay ang pangalan mong.. Aria."

Yun lang talaga ang natatandaan ko at maski ako ay hindi rin sigurado sa binanggit kong pangalan. Blangko ang memorya ko. Wala akong matandaan kahit konti.

"Tutulungan na kitang hanapin yung mga naiwan mong pamilya kung iyon ang ikatatahimik mo."

Nabuhayan ako ng loob sa sinabi nito. Sa tingin ko ay tanggap ko na ang katotohanan na patay na ako at ang bagay na maitutulong niya sa akin ang huling hiling ko na lang. Gusto kong malaman at makita ang pamilyang naiwan ko o kung may pamilya ba akong naiwan.

"May pumipigil sa atin na malaman ang pagkatao ng kasama mo.."

Nalungkot ako ng sabihin iyon ng matanda matapos gawin ang delikadong orasyon kasama si Lance. Gustuhin ko mang ipakita ang lungkot na iyon ay hindi ko magawa dahil alam kong wala ng solusyon pa sa problema kong ito.

Tama na siguro na sinubukan ni Lance. Hindi maari na isakripisyo niya ang buhay niya para doon. Para lang sa akin.

"Hindi pa dumarating ang kinakatakutan mong panahon kaya wag mo munang isipin 'yon. I-enjoy mo lang ang oras. Hindi na maibabalik ang oras kapag natapos na." Sabi ni Lance. Mababakas dito ang pagiging totoo sa mga binitawang salita.

Masaya ako na kahit sa maikling panahon ay nakilala ko siya. Masaya ako na may isang taong tumulong sa akin. Kung bibigyan man ako ng pagkakataon na mag tira ng alaala. Marahil ay alaala kasama si Lance ang ititira ko.

FADED ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon