"Kuya!" Sigaw ng kapatid kong si Leigh.
Pagtanggal ko ng suot kong helmet ay nakita ko itong ngiting ngiting kumakaway sa akin.
Muli kong sinulyapan ang salamin ng motor ko para makita ang babae pero wala na ito doon.
Imbes na maka hinga ng maluwag ay nakaramdam ako ng kakaibang kilabot. Talagang nanindig ang balahibo ko sa ideyang kanina lang ay sobrang lapit nito sa akin.
Ang weird ng babaeng iyon.
"What's up?" Tanong ko dito saka ito kinurot sa pisngi.
"Good!" Sagot nito saka inagaw sa akin ang helmet at sinabayan ako pag pasok sa loob ng bahay.
"Nandiyan na sila?" Tanong ko.
Umiling ito. "Papunta pa lang." Sagot nito saka inipit ang iilang hibla ng buhok sa tainga nito. Maganda at matangkad ang kapatid kong si Leigh, kaka eighteen lang nito at makikita mo na talagang isa ng ganap na dalaga. Ganun pa man ay parang nahihirapan akong tanggapin na magkakaroon ito ng manliligaw anytime.
"Eh yung mga magulang natin?" Tanong ko.
"Mom's taking a bath, Dad is cooking." Sagot nito.
Napailing ako.
Mula pa talaga noon ay hindi ko na nakikita si Mommy sa kusina. Kapag hinahanap mo siya ay wag na wag mong susubukan hanapin siya sa Kusina dahil paniguradong wala siya doon.
"Lyanna! Kuya's here!" Anunsiyo ni Leigh sa bunso kong kapatid na prenteng naka upo sa labas ng bahay habang may hawak na libro at naka pasak na headset sa tainga.
Lumingon ito at ibinaba ang headset na suot. Malamang sa malamang ay wala itong music dahil nagbabasa ito ng libro.
Fifteen years old na ito. Kumpara kay Leigh at sa akin, tahimik si Lyanna. Bilang na bilang ang salitang binibitawan. Malalim mag isip. Mahinhin at tanging pagbabasa ng libro ang inaatupag. Hindi talaga siya pala salita pero hindi ka rin naman niya iisnabin kapag kinakausap mo siya.
Marami ang mas nagagandahan kay Lyanna. Paano kasi ay talagang combination ito ng maganda at gwapo naming mga magulang. Sa aming tatlo ay ito lamang ang nakakuha ng asul na mga mata ni Erpats, mas maputi ito kaysa kay Leigh.
Ngumiti ito ng tipid saka tumayo at nilapitan ako.
"How's your day?" Sabay sabay na tanong namin. Sandali pa kaming nagkatitigan saka natawa.
Alam na alam na namin ang ganitong klaseng pagtatanong ni Lyanna. Tuwing may uuwi galing sa ibang lugar ay ganito ito mag tanong. Paulit ulit lang at hindi nagbabago.
Muli itong ngumiti saka humalik sa pisngi ko.
Ginulo ko ang buhok nito.
"Ang bango mo ah?" Sabi ko.
Naupo muna kami sa labas. Kumunot ang noo nito.
"Eh ako kuya? Mabango ako?" Tanong naman ni Leigh.
"Oo, pero mas mabango si Lyanna." Sagot ko. Ngumiwi ito. "Biro lang!" Tatawa tawang sabi ko.
"Favorite mo talaga yang si Lyanna eh, 'no?" Sabi ni Leigh saka inagaw ang chips na kinakain ni Lyanna.
"Hoy! Hindi, ah! Wala akong paborito sa inyo dahil mas gusto ko si Cotton!" Singhal ko. "Nasan' na nga ba 'yon?" Tukoy ko sa alaga kong aso. Cotton ang pinangalan ko doon dahil sa puting puti at malambot nitong balahibo.
"Oh, My babies!" Sabay sabay kaming napalingon ng marinig ang sigaw ni Ermats. Halatang bagong ligo ito dahil sa maalingasaw na amoy ng lotion nito at ang naka balunbon pang tuwalya sa buhok nito. Hindi katulad ni Leigh at Lyanna, hindi gumagamit si Ermats ng blower, pinatutuyo nito ang buhok gamit ang balunbon ng tuwalya o di kaya ay nilulugay lang nito ang buhok at hinahayaang matuyo.
BINABASA MO ANG
FADED ✔
Genel KurguFord Sibling's Series no. 1 'Love is always sweet' that's how Lance Asher, a twenty-three-year-old writer defines Love. It is proven because of the everlasting love of his parents for each other. He can easily write a great love story. In just a sna...