Chapter 8: Distraction

112 4 2
                                    

"Good morning, bossing!" Malakas na sigaw ni Carlo na naka hawak sa pinto ng elevator para hindi ito tuluyang mag sara. "Grabe ka! Nakita mo na akong tumatakbo palapit dito pero hindi mo talaga ako aantayin!"

Ngumisi ako.

"Hindi mo ba ako na-miss?" Tanong nito na nakapasok pa ang mga kamay sa magkabilang bulsa.

"Bading ka!" Singhal ko.

Tumawa ito. "Gwapo natin ah?"

Nagkibit balikat ako. "Always.."

"Tsk! Yabang!" Hindi ko ito sinagot. Sa halip ay natigilan ng tumagos mula sa pinto ng tumataas na elevator ang babaeng multo. Naka ngiti ito sa akin na para bang buong buo na ang magandang umaga niya at walang makaka sira niyon.

"San tayo mamaya?" Tanong ni Carlo.

Nangunot ang noo ko.

"Anong meron?"

"Birthday ni Pia!" Sabi nito na ikinagulat ko.

"Talaga?"

"Oo! Nag chat sa akin kahapon. Imbitado daw tayo."

"Ikaw lang naman ang in-invite." Sabi ko saka nagpati-unang lumabas sa elevator.

"Bakit? In-accept mo na ba ang friend request niya sayo sa facebook? Binigay mo ba ang number mo sa kaniya? Diba hindi?" Ungot ni Carlo saka naupo sa office chair niya.

Oo nga pala. Hindi nga pala ako agad agad nag bibigay ng cellphone number o di kaya ay tumatanggap ng mga requests sa mga social media accounts ko. Sa katunayan ay si Carlo at mga boss ng Wilstone lang ang nasa contact lists ko.

Tumayo ako saka nag tungo sa pantry.

Natigilan ako ng makita doon si Pia. Nag titimpla din ito ng kape.

"Oh, good morning.. Lance." Mahinhin na bati nito.

"Morning." Bati ko saka nag simulang mag timpla.

"Invited ka mamaya sa.. bahay namin." Sabi nito. "Sorry, wala kasi akong contact mo kaya kay Carlo ko na lang sinabi. Are you free tonight? Okay lang kung-"

"Sure." Putol ko sa sasabihin nito. "Happy Birthday, Pia." Bati ko saka ngumiti.

Nakita ko kung paano ito magulat saka mamula sa narinig. Ang weird makita ng ganong klaseng ekspresyon.

"Thank you.." Nahihiyang sabi nito na inipit pa ang buhok sa tainga.

Ngumiti ako dito at naglakad palayo. Natigilan ako ng makita ang multo ng babae na mula sa labas ng pantry ay seryosong naka tingin sa amin ni Pia.

Nakaramdam ako ng takot sa klase ng tingin na 'yon.

What are you staring at?!

Iniwas ko ang tingin dito saka ito nilagpasan at nag tungo sa office chair ko.

Sinimulan kong buksan ang computer at tinitigan ang dalawang folder kung saan naroon ang gawa kong storya. Ang isa ay kalahati na halos ang naisusulat ko, sa kabila naman ay blangko.

Sa pag susulat kasi ay hindi maiiwasang kahit nasa kalagitnaan ka ay bigla kang makaka isip ng panibagong plot ng storya. Minsan ay maari mo siyang maisingit sa kwentong binubuo mo o di kaya ay panibagong storya. Madalas ay ganoon ako. Bigla bigla ay nakaka isip ako ng bagong plot kung kaya ay palagi kong hinahanda ang blangkong draft para doon.

Mahirap kalaban ang writer's block lalo na at hindi ka marunong kung paano iyon i-handle. Mahabang pasensiya at tahimik na paligid ang kakailanganin mo bago ka bumalik sa wisyo. Sa katunayan ay kape ang panlaban ko sa writer's block. Pakiramdam ko kasi ay buhay na buhay ang dugo ko sa tuwing umiinom ako ng kape. Madali para sa akin ang mag sulat at mag focus sa tuwing may kape akong hinihigop.

FADED ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon