29 : Guilty

14 0 0
                                    

Chapter 29: GUILTY

Nathan's POV

Linggo ngayon kaya naisipan kong lumabas muna at pumunta sa mall. Gusto ko kasing regaluhan si Venus. Narinig ko kasi yung balita na may bagong album daw sya na irerelease next month.

Ano kayang magandang iregalo sa kanya? Tumingin tingin ako sa mga store na nadadaanan ko hanggang sa makarating ako sa isang tindahan ng mga stuff toys.

Girls do love this thing.

At napako ang atensyon ko doon sa pusang stuff toy. Mahilig si Venus sa pusa. Agad ko yung hinawakan at tinignang mabuti.

Napangiti ako habang iniisip ang magiging reaksyon nya.

Dinala ko yun sa counter at ipinabalot na.

Habang naghihintay, tumingin tingin muna ako sa palagid para sana maghanap pa ng ibang ireregalo incase na hindi naman sya matuwa. At hindi ko inaasahan ang nakita kong dumaan. Higit pa sya sa isang regalo. Nagbalik na sya. Nandito na ulet sya. Susundan ko sana sya pero biglang nagsalita yung sales lady.

"Sir, lalagyan pa po ba ng card?" Tanong nya.

Madali kong hinugot yung wallet ko sa bulsa at ibinigay ang buong five hundred tapos madaling kinuha yung regalo at tumakbo na palabas. Narinig ko pang sumigaw yung babae pero hindi ko na pinansin. Kailangan ko syang makita. Sigurado akong siya yun, si Athena yun.

Paikot-ikot na ko sa mall pero hindi ko na ulet sya nakita.

Pumunta ako sa garden ng mall para magbakasakaling nandun din sya.

Pero nabigo ako. Umupo nalang ako sa bench dun habang inaalala yung taong nakita ko kanina. Baka siguro namalikmata lang ako. O kaya naman kamukha nya lang yun. Bumuntong hininga ako. Mahirap ang umasa.

"Nate?" Napatayo ako at humarap sa likod ko ng marinig ko ang boses na yun.

"Athena." Sabi ko at walang anu-anong niyakap sya.

Pakiramdam ko parang kagaya pa din ng dati. Yung walang nagbago. Yung wala pang gulo na nagyare. Yung normal pa ang lahat.

"I missed you Nate." Sabi nya at humiwalay sa yakap ko.

Ewan pero hindi ko sya pinakawalan.

"Stay still. Kasi mas sobrang namiss kita." Sabi ko. Mahinhin lang syang tumawa at yumakap naman din pabalik.

Ipinikit ko ang mga mata ko. Ngayon ko nalang ulet toh naramdaman. Ang muling pagtibok ng puso ko. Hindi man kagaya nung dati, pero alam kong pareho lang din toh.

Bumitiw na ko sa yakap ko sa kanya at ganun din sya.

"Gaanon ba ko katagal nawala? Kaya ganyan nalang ang higpit ng yakap mo sakin?" Sabi nya at marahan akong hinampas.

"Tara, kailangan nating icelebrate ang pag dating ko." Sabi nya at hinatak ako sa kung saan hanggang sa makarating kami sa isang restaurant. Dito kami madalas kumaing tatlo nila Stephen noon nung okay pa kami.

"Kamusta ka na?" Tanong ko matapos naming umorder ng pagkain.

"I'm good. I guess." - Athena

"Bigla ka nalang nawala ng hindi man lang nagpapaalam." - me

"It'll be harder for me kung magpapaalam pa ko." - Athena

"Usapan natin na hindi mo iiwan si Stephen at sasabihin mo lang na alam mo na ang lahat. Kaya nagulat nalang ako nung pumunta sya sa bahay nung gabing yun at pinag sasasapak ako." - me

"Sorry. I know that I lied to you. Nasira ko pa tuloy ang friendship nyo. Pero yun lang ang alam kong paraan eh." - Athena

"Kahit na. Mahal na mahal ka ni Stephen at alam nating mas pipiliin ka nya." - me

I CHOOSE  TO LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon