Chapter 8: CONFUSED
Nathan's POV
Papasok na ko ngayon sa school, medyo madami ng tao, at madami na ring bulong-bulongan ang naririnig ko tungkol kay Stephen. Ano nanaman bang meron sa kanya? Di ko nalang sila pinansin at dumiretso na ako sa paglalakad. Nagvibrate yung phone ko kaya napahinto ako para tignan kung sino yung nagtext. It was an MMS from an unknown number.
"Ano kaya to?" I open the message. And I am shock when I saw Venus and... and Stephen while holding her arms. It looks like Stephen was busted. He looks like wasted by Venus. I felt that something is going to happen. Knowing na kasama dito si Stephen, kinakabahan ako para kay Venus. Nung makarating ako sa room saktong lumabas si Venus, mukhang nagkaroon sila ng away ni Stephen. Nilagpasan nya lang ako. Pumasok na ko at tinignan ko lang si Stephen. Sinipa nya yung upuan at tumayo
"That's a school violation." I said
"Wala akong pake." Tapos sinipa nya ulet yung isa pang upuan.
"Tigilan mo nga yan." I said.
"Wag ka ngang makielam. Ay oo nga pala," He fake a laugh.
"Dyan ka nga pala magaling noh! Sa mangielam." He added.
"Yun nanaman? Palagi ka nalang ba titingin sa nakaraan? Magmature ka naman Stephen!" Sigaw ko sa kanya.
"Alam mo kung anong nakakainis? Kasi hindi mo naman alam ang pakiramdam ng mawalan tapos ang lakas ng loob mong sabihin sakin yan!" After nun lumabas na sya. Tama nga naman sya, ano nga naman bang karapatan kong magsalita.
Nakita kong may mga istudyanteng nagtatakbuhan kaya lumabas ako para tignan kung anong nangyayari.
I saw Venus surrounded by them, lalapitan ko na sana sya pero biglang nagsalita si Stephen. Nawalan na ko ng lakas ng loob na lumapit kaya eto ako ngayon, tinitignan sila sa malayo. The moment na umalis si Venus dahil sa sobrang kahihiyan, nagsi-alisan na din yung mga students, pero naiwan si Stephen na nakatayo dun sa gitna. Nilapitan ko sya. Nagtitigan lang kaming dalawa, mga 30 seconds siguro yun bago may mag salita samin at ako yun.
"Layuan mo si Venus, hindi mo ba nakikitang nahihirapan sya ng dahil sayo? Ha!" I insist.
"Wag kang makielam, aayusin ko to. Labas ka dito kaya wag mo kong tuturuan kung ano ang dapat kong gawin." He said. I saw him clench his fist.
"Ganyan ka ba talaga ka selfish? Sarili mo lang ang iniisip mo. Hindi mo alam nakakaperwisyo ka na ng iba! Basta maligaya ka sa ginagawa mo hindi mo na nakikita kung may ibang nahihirapan ng dahil sayo." Natigilan sya sa sinabi ko. Tinignan nya lang ako ng masama at tuluyan ng umalis.
The bell rings kaya bumalik na din ako sa classroom. Tulala lang si Venus, at si Stephen naman, ayun hindi pumasok. Nag bell na nung lunch time kaya niyaya ko syang maglunch, tatanggi pa nga sana sya pero hinatak ko na sya. Sa totoo lang nalulungkot akong nakikitang malungkot ang Anghel ko. Gusto ko syang pasayahin. Lalo na birthday pa naman ng mama nya . Kaso mahirap, kasi patay na daw ito kaya nahihirapan siguro syang magging masaya ngayon.
May mga naririnig nanaman akong bulong bulungan about kay Venus, hindi ko alam pero pati ako nasasaktan.
"Wag mo nalang silang pansinin." I said to her, after nun nagsimula na kaming kumain. Nagkwento lang ako ng nagkwento habang sya tango lang ng tango.
Natapos kaming kumain, nag-yaya na syang bumalik ng room.
Naglalakad na kami nung bigla syang magsalita. Nagpaalam sya na may pupuntahan pa daw sya kaya mauna na daw ako. Nagtatatakbo sya, hindi ko alam ang dahilan pero sinundan ko sya. Nakasalubong ko si Ivy, yes nandito na ulet si Ivy. Napansin kong familiar yung daang tinatahak namin. Napahinto ako, natatakot ako sa pwede kong makita. Aware ako na hindi naman si Stephen ang pupuntahan nya sa rooftop, alam nyo kung bakit? Kasi takot si Stephen sa heights. Tinigil ko na ang pag sunod ko sa kanya kasi alam kong ikakalungkot ko lang yun. Pagdating ko sa room saktong nagbell pero wala pa din si Venus at si Stephen. Pumasok na din si Sir Mike.
"Asan si Miss Kang at Mr. Buenafe?" Tanong nya.
"Naku Sir, baka nagdate! May LQ ata!" Sabat ni Carlo. Nagtawanan naman yung mga classmate namin, pero bakit parang ako hindi ako natutuwa. Maya-maya pa bumukas yung back door.
"You are 8 minutes late Miss Kang." - Sir Mike.
Magsasalita na sana si Venus pero nabaling yung atensyon namin sa taong sunod na pumasok.
"Sorry Sir I'm late." Tapos direderetso ng umupo si Stephen sa upuan nya. Sumunod na din si Venus. Sa totoo lang parang gusto ko ng maniwala sa sinabi ni Carlo kanina. I was looking to both of them. Stephen give Venus a piece of paper. Hanggan sa nakita kong nagngitian silang dalawa. Biglang kumirot yung puso ko. Nakita kong tumingin sakin si Venus, nginitian ko sya at ganun din sya sakin. Natapos ang araw ko ng may pagdududa ako sa sarili ko.
Naguguluhan ako, ano ba tong nararamdaman ko? Hindi ko to gusto but I can't help it. Right now, I'm still CONFUSED
BINABASA MO ANG
I CHOOSE TO LOVE YOU
Teen FictionIs it your destiny who choose to whom you will end up with or is you who choose to whom you will be in love with?