Chapter 21: MY TRUE STORY
Venus' POV
It was a Sunday morning. Ngayon na talaga yung real practice namin ni Stephen.
Ngayon din ang araw ng pagpapaliwanag ko ng lahat.
Alam kong pati kayo eh naguguluhan. Pero mamaya, malalaman nyo na ang totoo.
I was in the car nung mag vibrate yung phone ko.
~Do you have some time tonight?~
It was from Nathan.
I dialed his number.
"Hello Nathan?"
(Oh, bat' pa ka tumawag?)
"About dun sa text mo. I'm sorry. I have some staffs to do."
(Ah ganun ba. Sige, next time nalang. Ingat ka ha!)
"Nae!"
Then I hang up the phone.
"Kuya dun po tayo sa bahay ni Stephen." Sabi ko sa Driver.
Sinalubong ako ni Stephen nung makarating ako dun.
Dumiretso ako sa practice room nya at sya kumuha naman ng makakain.
This is it.
Habang hinihintay sya, tumugtog muna ako ng piano.
Mommy bigyan mo ko ng lakas ng loob na sabihin ang lahat.
Sa totoo lang, mahirap toh para sakin. Para ko na ring sinabi ang deepest secret ko. Pero kung talagang gusto ko ng magbago at magsimula ulet, maybe ito yung first step, ang matanggap ko ang lahat lahat.
Pumasok si Stephen.
"Kanina ka pa hindi nagsasalita ah." - me
"Wala naman akong dapat sabihin." - him.
"Galit ka ba sakin?" - me
"Nagsinungaling ka sakin. Pinaniwala mo ko sa mali. Tinatanong mo ba talaga kung galit ako sayo?" - him
"Kaya nga ako nandito ngayon para mag paliwanag." - me
"Want to know the truth? Naiinis ako sa sarili ko kasi naloko ako. Naiinis ako sa mga taong nakapaligid sakin dahil ang tingin nilang lahat sakin, nagmukhang tanga. At lalong naiinis ako sayo dahil ginawa mo sakin toh. Venus malaki ang naging parte mo sa buhay ko. Ikaw ang lahat kung bakit ako nandito. Kaya napakahirap saking tanggapin na niloko at nagsinungaling ka sakin! Pakiramdam ko tuloy ibang tao ka na." - him
"Ako parin naman to Stephen ii. Walang magbabago. Ipapakilala ko lang sayo ang isa pang ako." - me
"Pano ka nakakasiguro na walang magbabago? Ngayong alam ko na na mas sikat ka pa sakin, paano ako makikisama ngayon? Venus pareho tayong may pangalan. Maaaring hindi pa alam ng iba kung sino ka talaga pero darating ang panahon na malalaman din yun ng lahat!" - him
"That's why I want you to know first. Pakinggan mo muna ko at sasabihin ko ang lahat lahat sayo." - me
Umupo si Stephen sa sahig at sumandal sa salamin.
"Makikinig ako. Pero sana lang hindi nanaman to isa sa mga pagpapa ikot mo. I'm willing to give you a second chance kaya sana lang maging tapat ka sakin." - him
"I will. I promise." - me.
"Start from the start." - him.
Kumuha muna ko ng juice bago tuluyang nag salita.
BINABASA MO ANG
I CHOOSE TO LOVE YOU
Teen FictionIs it your destiny who choose to whom you will end up with or is you who choose to whom you will be in love with?