5 : My Hero

32 0 0
                                    

Chapter 5: MY HERO

Venus' POV

"Stephen pa-autograph!" Sabi nung mga girl kong classmate pagkalabas na pagkalabas ni Ma'am.

"Oh sure!" Feeling gwapo namang sagot ni Kuya!

Aigooo... nakakarindi naman sila! Makaalis na nga lang ng room. Blocked ang doorways sa mga fans ng Stephen na yun!

Nakasalubong ko si Nathan.

"San ka pupunta?" Tanong nya sakin.

"Sa rooftop, magpapahangin lang. Nakakarindi kasi sa loob eh."

"Sa tingin ko hindi ka dapat pumunta dun."

"Ha? Bakit naman? Nakapunta na kaya ako dun dati. Gusto mo sumama?" Tanong ko sa kanya.

Pero imbis na sagutin nya ko, tinignan lang nya ko. Hahahaha, ang cute!

"Arraseo! Arraseo! Di na po pupunta." Sabi ko then nag-pout para cute!

Tapos nun, umalis na sya, may aasikasuhin pa daw sya eh. Wag kayong maingay sa kanya ah. Saglit lang ako dun. Promise! Sorry Nathan, medyo matigas talaga ulo ko eh! Bati tayo!

Naglalakad na ko sa hallway, when suddenly...

"WHAT THE!!!!!!!!" WHO THE HELL DO THIS!!!" I said habang nagsisink in pa sa utak ko na merong nagsaboy sakin ng tubig.

"Oowww... kawawa naman si Koreana!!" Carlo said while laughing.

"YOU GAY!!!" Nakita kong lahat ng tao nakatingin at pinagtatawanan ako. Mommy help me! Sa sobrang kahihiyan napatakbo nalang ako sa rooftop.

Sa sobrang sama ng loob ko,

"ARGHHHHHHHH!!!!!!" And before I knew it, there's a fluid running on my chicks.

Kyle's POV

"ARGHHHHHHHH!!!!!!" The hell! Sino ba yon? Istorbo naman oh!!

Bakit ba ang daming pumupunta dito? Di ba nila alam na teritoryo ko toh!!

Tumayo ako para tignan kung sino yung hinayupak na yun, but the next thing I heard was a cry. Hindi ako nagpakita, hindi ko pa din kilala kung sino yung babae. Hinintay ko na magsalita ulet sya pero wala. Lumapit ako sa kanya, nakaupo lang sya habang nakayuko at patuloy padin syang umiiyak.

"Alam mo bang nakakapangit sa babae ang umiiyak?" I said.

"Who are you? LEAVE ME ALONE!!" Sigaw nya sakin habang tinatago nya yung mukha nya. Binuhat ko sya para dalhin sa bench. Akala ko manlalaban sya but instead, hinigpitan nya yung hawak nya sakin.

"You're Venus right?" I asked pero tumango lang sya, then started to cry loud. Sa totoo lang, I don't know how to handle things like this but I want to comfort her. I want to do something.

"♪When I look inyo your eyes.

It's like watching the night sky.

Or a beautiful sunrise.

There's so much they hold.

And just like them old stars.

I see that you've come so far.

How old is your soul?♪" Nararamdaman kong tumatahan sya.

"♪I won't give up on us, even if the skies get rough.

I'm giving you all my love. I'm still looking up.♪" Then our eyes met. She gave me a smile, as well as I.

"Kinakantahan din ako dati ng Mom ko pag umiiyak ako nung bata ako. Malay mo efective din sya sayo. Mukang oo naman." I said.

"Thank you." she said.

Venus' POV

"Ano bang nangyari sayo? Ba't basang basa ka? Sino may gawa sayo nyan?" Tanong nya sakin.

Sa totoo lang natutuwa ako sa kanya. Kapareho ng Mom nya yung Mommy ko. Kinakantahan din kasi ako ng Mommy ko pag malungkot o kaya umiiyak ako. Kaya ngayon, pakiramdam ko eh kasama ko ang Mommy ko.

"Wala, wala ka din namang magagawa." Baka kasi pagdiskitahan pa sya ni Carlo, ayoko ng idamay sya. Sapat na yung pinagaan nya yung loob ko.

"Tsss... ako pa ba? Dali na, sino nga?" Pagpupumilit nya.

"Eto na nga! Sila Carlo, classmate ko. Binuhusan nila ko ng tubig cause I mess up with them." Sabi ko.

"Sus!! Si Carlo lang pala akala ko naman kung sinong big man yan eh!" Pagmamayabang nya.

"Tss.. baka kaya mo? Mga siga kaya yung mga yun. At saka Vice President ng Student Council si Carlo, baka kung ano pa gawin sayo nun. Pabayaan mo nalang sila." I suggested.

"Tiwala lang!" Then ginulo nya yung buhok ko. We both laugh.

"Basta maghintay ka nalang." He said.

"Thank you talaga ha! Pinagaan mo yung loob ko." I said then give him a sweet smile.

"Makakapasok ka pa kaya eh basang basa ka?" Tanong nya sakin.

"Hindi na siguro. Wala akong extra uniform sa locker ko eh. Kaso baka magkarecord ako." I said.

"No it's okay, akong bahala sayo. Dito nalang tayo, tinatamad na din akong pumasok eh." He said.

"Ano ka batas ng school? Lahat ng gusto mo pwede mong gawin! Hahaha." Para kasi syang timang na tinataas taas yung kilay nya.

"Basta wag kang mag-alala, sagot kita. Ay teka, may itatanong pala ko sayo. Nung first time mong umakyat dito, may narinig kasi akong kumakantang babae, gusto ko lang sanang itanong kung ikaw ba yun?" He asked.

Oo ako yun. Pero sorry, hindi mo na kailangang malaman yun.

"No, hindi naman ako marunong kumanta eh." Halatang nadisappoint sya sa narinig nyang sagot.

"Pwedeng magtanong?" sabi ko.

"Oh sure."

"Can I ask for your name? Para malaman ko naman ang pangalan ng Hero ko." I said.

"Gaya nga ng sinabi ko sayo dati, it's not for you to know." Bakit kaya? Pero di ko na sya pinilit na sabihin sakin yung pangalan nya, mukang hindi din naman sya magpapapilit.

Nagkwentuhan lang kami dun hanggang sa mag bell na ng uwian.

"Nagbell na ah." paalala ko sa kanya.

"Oo nga eh. Nakakabitin." He said then we both laugh.

"Sige ha, una na ko." Tapos tumayo na ko.

"Punta ka dito every break ha." Sabi nya.

"Naman! Usapan na natin yun eh." Sabi ko naman then naglakad na.

"Wait." He added.

"Wae(Why)??"

"Can I ask you a favor?"

"I'll try." I said.

"Pwede bang pag nasa school ground tayo, let's pretend na hindi natin kilala ang isa't isa? Pwede ba yon?" He said.

"Ha? Bakit naman?" But instead na sagutin nya ko eh nginitian nya lang ako.

"Arraseo. Bye bye my Hero!" I wave my hand at tuluyan ng bumaba at umuwi.

Maybe not just today, but he will be MY HERO.

I CHOOSE  TO LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon