Chapter 37: I'M SORRY
Venus' POV
One week had past, at sobrang busy ko or namin ni Stephen rather. Halos puno ang mga schedule naming dalawa. Hindi na nga kami makapasok sa school eh. Pati yung Manager ko nandito na para ayusin yung schedule ko. Si Tita din, halos mabaliw na sa pag-aasikaso sa schedule ni Stephen. Napaka laki talaga ng naging epekto ng kasinungalingang ginawa namin. Somehow it's a good thing but for those who knew the truth, it brings guilt to me.
"Gwihan, wae gurae? Palli durowa!(Gwihan, what's wrong? Come in faster!)" Sigaw sakin ng Manager ko.
"Ah, nae(yeah)." Sabi ko naman at bumaba na sa van.
Nandito kami ngayon sa tapat ng isang building, may photoshoot kasi kami ni Stephen ngayon. Yeah, magcocover daw kami ng issue ng isang magazine. See? Lahat sila eh paniwalang-paniwala. Kinakabahan nga ako sa pwedeng mangyari kapag nalaman ng lahat yung totoo eh.
"Gwenchana? Neon pigonhan?(Are you okay? Are you tired?)" Tanong sakin ng Manager ko dahil napansin siguro nyang wala akong masyadong energy.
Umiling lang ako at nginitian siya.
Tumuloy na kami sa loob ng studio. Nandun na din pala sina Tita at Stephen.
"Annyeonghasaeyo." Bati ko kay Tita Carla at saka nakipagbeso na sa kanya.
Tumingin naman ako kay Stephen at niyakap lang sya.
"Oh, nandito na pala ang mag-lovers! Miss Gwihan, tara na po dito para sa make up. Sir Stephen, sama na din po kayo kay Ema para maayusan na din po kayo." Sabi nung stylist na magaayos sakin. Sumunod naman na ko sa kanya.
Umupo na ko sa pwesto ko at tinignan ang sarili ko sa salamin.
"Naku Miss Gwihan, super fan talaga ako ng loveteam nyo! Buti nalang kayong dalawa talaga ang nagkatuluyan. Boom talaga yun!!" The stylist said while doing my hair.
Nginitian ko lang sya gamit ang reflection ng salamin.
"Bagay na bagay talaga kayong dalawa. Stephen Buenafe plus Gwihan is equal to PERFECT!" Dagdag pa nya.
Ngumiti lang ulet ako at hindi na pinansin yung mga iba pa nyang compliment na sinabi about me and Stephen being together.
"Ayan, okay na. Mas lalo kang gumanda. Sige, maiwan muna kita. Titignan ko lang ang groom mo." Sabi nung stylist at lumabas na ng kwarto.
Yeah, wedding ang theme ng photoshoot na gagawin namin.
I heard a knock. Nakita ko sa reflection na bumukas ang pinto. It was Tita Carla."Woah!~ Neonun jongmal yeppeuda! Woah... Daebak!(You're really pretty! Amazing!)" Manghang sabi ni Tita.
I just made a smirk.
Lumapit sya sakin at hinawakan ako sa balikat. Nagtitinginan kami gamit yung malaking salamin sa harap ko.
"But you look tired." She added.
"Ani, nan gwenchanha.(No, I'm fine.)" I replied.
"Hindi yun ang nakikita ko." She insisted.
I make a deep sigh.
"Gusto mo bang sabihin na natin ang totoo? Just tell me when." Sabi naman ni Tita.
"No Tita. Pagod lang talaga ako, kakagaling ko lang kasi sa studio kanina." Sagot ko naman.
"You sure?" Paninigurado ni Tita.
Tumango lang ako."Fine. Just tell me kung nahihirapan ka na." Sabi nya at saka tinapik yung balikat ko.
"I chose this one, isa pa, trabaho ko toh. Trabaho namin ni Stephen ang nakasalalay dito." Sagot ko.
BINABASA MO ANG
I CHOOSE TO LOVE YOU
Fiksi RemajaIs it your destiny who choose to whom you will end up with or is you who choose to whom you will be in love with?