Chapter 4:MY SEATMATE IS A STAR
Venus' POV
It is now my third day here at DU.
Maaga akong pumasok, ayoko kasing sumabay sa madaming tao, and besides pupunta pa ko sa library, kahit wala naman talaga akong gagawin dun.
"Asan na ba yung phone ko?" I murmur while searching my bag.
"AW !!!" Ay grabe lang maka-aw si kuya! OA much!
"Mianhae(Sorry). I mean sorry." I said then nag bow ako as a sign of respect. Ganun na ba kataas yung araw? Makapagshades and cup lang kasi tong si kuya. Hahahaha...
"Next time watch your steps!" Sigaw sakin nung lalaking nabangga ko.
"Sorry na nga di ba! Didn't you hear me!?" Sigaw ko din sa kanya.
"Hayst, another stranger." He said then walk away.
"Pabuya(Stupid)!!" I shouted tapos tumuloy na sa paglalakad.
Stephen's POV
"Manager kailangan na ba talagang pumasok!!!!?" Nagaalboruto kong tanong.
"Yes Stephen, we need a good image kaya go na! Much better kung bababa ka na para konti palang ang tao at ng hindi ka pagkaguluhan." Sabi ni Manger.
Wala naman akong magagawa kundi sundin sya. Bumaba na ko ng sasakyan at sinimulan ng maglakad. Syempre full disguise ako, mahirap na, gwapo pa naman ako.
"AW!" I shouted. May bumangga kasi sakin.
"Mianhae. I mean sorry." then nag bow sya.
Naintindihan ko naman yung sinabi nya. Syempre minsan may mga world tour din ako kaya nalalaman ko yung mga language nila. Alam nyo na, ganun talaga ako kasikat eh.
"Next time watch your steps!" I shouted.
"Sorry na nga di ba! Didn't you here me?!" Aba! Sya pa ang may ganang magalit eh sya na nga ang bumangga sakin! Naku Stephen wag mo ng patulan! Ingatan ang image!
"Hayst, another stranger." Tapos naglakad na ko.
"Pabuya!!!" Narinig kong sigaw nya. At ako pa talaga ang nasabihan nya ng STUPID?!!!? Hindi nya ba ko kilala? Sabagay, nakadisguise nga pala ako, pero bakit yung iba kong fans kilala ako kahit ganun? Ah... malabo siguro mata nun! Tama, malabo nga yung mata nya.
Wait, she looks familiar. Tumingin ulet ako sa likod ko, pero wala na dun yung babae. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad.
"Hey sis!!! nandito na daw si Stephen? Nandyan yung Van nya sa entrance!! OMG!!!" Narinig kong sigaw nung babae.
Hi girls! nandito ako oh! Ang gwapo ko talaga.
Dumiretso na ko sa faculty para hanapin si Sir Mike ba yun?
"Good morning Ma'am, I'm Stephen Buenafe. Pwede po bang malaman kung sino si Sir Mike?" Tanong ko dun sa teacher. Ano ba yan? Pati pala mga oldies natutulala pa din sa kagwapuhan ko! Oh come on!
"A-ah yes! Ayun sya oh!" Then she pointed someone.
"Ah ok po sige salamat." Tatalikod na sana ko para puntahan si Sir Mike pero...
"Stephen wait, pwede magpa-autograph?" Sabi ko na nga ba eh.
"Sige po." Then I gave her a sweet smile. Tiis tiis lang Stephen.
After nun pumunta na ko kay Sir Mike. Sabi nya maghintay nalang daw ako dun sa Faculty at ihahatid nalang daw nya ko sa room ko pag nagbell at ng hindi daw ako pagkaguluhan. And I think, the best ang idea na yun. Habang naghihintay nagearphone muna ko.. Ang ganda talaga ng boses ko.
"Ready ka na ba?" Tanong sakin ni Sir Mike. Nandito na kami sa tapat ng room ko daw.
"Always Sir." I said then smile.
Sa totoo lang kinakabahan ako.
Venus' POV
Pagkalabas ko ng library, puro Stephen here and Stephen there and Stephen everywhere na ang naririnig ko.
"Okay, class... May good news ako sa inyo. Pero I want you to behave. Okay!?" It was Sir Mike.
"Depende nalang Sir kung Chicks yan!" Sabat naman ni Carlo.
"Ayokong sirain ang araw mo pero hindi eh. You may now come in!" Tapos sumenyas sya sa labas. And next thing I know puro tilian na ang narinig ko. Malamang si Stpehen to! Pustahan pa tayo ng kapatid oh! Hahaha, pero wala akong kapatid eh! Hehehe, si Joseph nalang gusto nyo?
"Good Morning eveyone, I'm Stephen. I'm going to be your classmate. So I'm looking forward to all of you guys!" Sa totoo lang wala akong nakikitang special sa kanya, just a typical artista lang. Fine, gwapo sya, but that's it. Ewan ko pero feeling ko hindi kami magkakasundo. Sya na ba yung sikat na SINGER-ACTOR? Tsss...
"Okay, let's see... San ka ba pwede." And mukang magiging seatmate ko pa sya.
"Ang swerte naman nya, makakatabi nya si Stephen!" Dinig kong sabi nung mga classmate ko. As if naman natutuwa ako. Umiiwas nga ako sa attention di ba! Inyong inyo na sya. Lumabas na si Sir Mike, and wala pa din si Ma'am.
Naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Tumingin ako sa kanya. Tumingin din sya sakin tapos nag smile. Tsss... kaplastikan. Tapos biglang kumunot yung noo nya. Hala? Problema nito?
"Ikaw?" Sigaw nya sakin with matching turo pa talaga!
Nanlaki yung mga mata ko. Teka, kilala nya ba ko? Ibinagsak ko yung bangs ko para matakpan ng konti yung muka ko.
"OMG, magkakilala sila?" Narinig kong sabi nung isa kong classmate. Halos nakatingin na samin ang lahat.
"Ikaw nga! Ang galing naman! Ba't ka nandito?" Tuwang-tuwang sabi ni Stephen.
"Excuse me. Can you please shut up? You're annoying." Then tumingin na ko sa board at nag patay malisya nalng, then I saw Nathan na nakatingin samin tapos nag-smile lang sya sakin. Bakit ganon? Parang nawala yung badtrip ko?
"Alam mo bang hindi ganyan makipag-usap sa isang star? Di mo ba ko nakilala?" Mahina nyang sabi, yung tipong maririnig ko naman.
"I don't care kung star ka. And yes tama ka, di nga kita kilala. So better shut up okay?!"
So irritating, halos kasi lahat ng girls nakatingin samin. Di toh maganda.
Di ko talaga gusto yung idea... that MY SEATMATE IS A STAR.
BINABASA MO ANG
I CHOOSE TO LOVE YOU
Teen FictionIs it your destiny who choose to whom you will end up with or is you who choose to whom you will be in love with?