14 : Change

22 0 0
                                    

Chapter 14: CHANGE

Venus' POV

After nung picture thingy na un, pinahatid na ko ni Nathan kay Joseph kaya hindi na ako nakapag practicum. Bahala na sa Monday.

Saturday ngayon, ako lang mag-isa sa house, nilayasan kasi ako ni Joseph! Nabibingi daw sya da bunganga ko. Nyahahahaha, ano po bang masama sa pagkanta? Opo, yung mga taong close ko lang ang nakakarinig ng pagkanta ko simula nung nawala sakin si Mommy. Ewan ko ba, madsyado akong naging sensitive. Si Tita naman ayun, nasa school. Ngayon kasi yung first shooting nung alaga nya kaya magpapaka supportive na Manager daw muna sya.

Nandito ako ngayon sa kitchen, suot ang favorite kong apron. Nagrequest kasi si Joseph na ipagbake ko daw sya ng cookies. At eto naman, dahil sa mabait ako at love na love ko si Joseph, nagpauto naman ako.

Narinig kong tumunog yung timer ng oven. Excited kong binuksan yun.

"Ang bango!!" Kinikilig kong sabi, ang galing ko talaga magluto!

"Pwede ka na talagang mag-asawa!"

"Yaya naman eh!" Sabi ko sabay inilabas na yung cookies, si yaya, ayun mamimili daw muna kasama nung isa pang katulong. Kaya ngayon, ako nalang talaga ang mag isa dito.

Sinet aside ko muna yung cookies para palamigin. Gumawa muna ako cream na pwedeng ilagay sa ibabaw nung cookies.

*oh flower, you are so sweet sweet sweet sweet oh flower, you are so deep deep deep deep shiganeun hulodo jigeu---♪*

Sinagot ko yung phone ko na ang cute ng ringtone. Gusto nyo pakinggan ng buo? Flower by Yong Junhyung ng BEAST of course! My oppas!

"Wae?" sagot ko kay Joseph.

(May regalo ako sayo!)

"Jinja? Mwoe(What is it)?" tanong ko.

(Aishh... alam kong sa Korea ka lumaki pero nasa Pilipinas ka ngayon kaya mag tagalog ka pwede ba! Hindi kita maintindihan!) Halatang inis na sabi nya sa kabilanh linya.

"Sorry naman, nasanay lang. Pero ano nga yung gift mo?" I said.

(Wala hindi ko na sasabihin, hintayin mo nalang akong makarating dyan, on the way naman na ko eh. Sige ibababa ko na to.) Then he ended the call.

"Arghhh... sino ba kasi may sabi sayong huwag kang tumira sa Korea! Tapos ako sisisihin mo pag hindi mo ko maintindihan! Korean ka din naman ah!" Sabi ko habang dinudutdot yung picture nya dun sa phone ko.

Si Tita kasi eh, ba't pa kasi binalak nyang dito sa Pilipinas lumaki, ayan tuloy, ako yung inaaway ng anak nya!

Tinuloy ko na yung ginagawa ko. Naexcite naman ako bigla dun sa gift ni Joseph sakin.

After five minutes natapos ko na yung cream. Nakarinig din ako ng sasakyan, baka si Joseph na yun.

Agad akong tumakbo para buksan yung pinto pero nagulat ako sa nakita ko.

"Anong ginagawa mo dito?!" Sabay naming tanong sa isa't isa.

Isasara ko na ulet sana yung pinto pero hinarang nya yung kamay nya.

"Maid ka ba dito?" Nagtatakang tanong nya.

Tinignan ko yung sarili ko, may apron pa nga pala ako at agad ko ding inalis.

"Maidin mo mukha mo. Pano mo nalaman kung saan ako nakatira? Stalker ba kita? Di mo ba talaga ko titigilan!? Umalis ka na bago ka pa nila maabutan!!" Sabay tulak ko sa kanya pero tuloy tuloy lang sya sa pag pasok!!

I CHOOSE  TO LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon