Chapter 32: FANBOY
Venus' POV
A week had past, and guess what, hindi ko na makausap ng matino si Stephen. Wala syang ibang mukhang bibig kundi si Athena. Palagi nya saking kinukwento kung gaano sya kasayang bumalik na si Athena. Hahahaha... Kahit paulit-ulit na sya ay hinahayaan ko nalang dahil mukhang masaya naman sya.
"Stephen, pinapapunta ka pala ni Tita sa bahay. Don't ask me why cause I don't know." Sabi ko at tumayo na para lumabas ng kwarto. Konti nalang kasi ang tao kaya makakauwi na ko.
"Sige, sabihin mo na pupunta ako. Mga gabi? Di ko lang sure. Pupunta kasi ako kay Athena ngayon." See? Halos araw-araw silang magkasama!
"Fine. Ingat nalang sa paparazi." Sabi ko at naglakad na palayo.
"Anong meron Tita? Bakit ang daming pagkain?" Tanong ko.
"Wala lang. I just wanted to give you a party for your new album. Best seller daw sabi sakin ng manager mo! And next week na yung promotion. Wag mong kalimutan kaya magpaalam ka na." Sagot naman nya.
"Ano ka ba naman Tita, you don't have to do this. But thank you!" Sabi ko at niyakap sya.
Oo, okay na kami. Naiisip ko lang din kasi na wala din namang magbabago kung magagalit ako kay Tita. And besides wala naman syang ginawang masama sakin.
Umakyat muna ako sa taas para magpalit ng damit.
Tinext ko din si Kyle na pumunta dito sa bahay, at wala pang kalahating oras ay nandito na sya.
"Congratulations." Bati nya at hinalikan ako sa noo.
"Thank you." Sagot ko naman sa kanya.
"Is Stephen coming?" Tanong naman nya.
"Sabi nya pupunta daw sya. Ewan ko lang. Nandun kasi sya sa ex-girlfriend nya na soon-to-be girlfriend nya na ulet. I guess." Sabi ko naman.
"Who?" Tanong nya.
"Yung Athena. Basta, ex nya yun. Kababata nya. Pinaghiwalay sila nung company ni Stephen nung nagsisimula palang sya. Tapos ayun, bumalik na ngayon." Paliwanag ko naman.
"Ang hirap pala talaga ng trabaho nyo noh? Biruin mo yun, company nyo pa din an nag-dedesisyon kung sino ang pwede nyong makarelasyon." He said.
Itinali ko ng maayos yung buhok ko. Ako si Gwihan tonight. Hehehehe...
"Yeah, that's why we always ended up to be in a secret relationship." Sabi ko at tumingin sa kanya.
"You look perfect." Kyle said.
Nakaupo lang sya sa kama ko.
Tinignan ko sya mula sa salamin na nasa harap ko at nginitian sya.Sabay kaming bumaba ni Kyle at nakita namin doon si Joseph na busy kalikutin yung phone nya.
"Hey cousin!" Tawag ko sa kanay.
"Oh?" Hindi nakatingin naman nyang sabi.
"Ano ba yang ginagawa mo?" Panggugulo ko.
"Ano ba! Ibalik mo nga yan sakin! Naglalaro ako ii!" Sabi nya at inagaw sakin yung phone nya.
"Eto naman. Titignan lang ii!" Sabi ko at lumabas na. Kasunod ko lang si Kyle.
After an hour, may humintong kotse sa harap ng bahay namin.
"Nandyan na ata si Stephen." Sabi naman ni Kyle.
Tinignan ko lang yung gate at mukhang tama nga sya, si Stephen nga yun.
"Teka, yun ba yung sinasabi mong ex nya?" Tanong ni Kyle.
Tumango lang ako. Yes, Stephen is with Athena."Tara na sa loob, medyo malamig na dito sa labas." Sabi ko at tumayo na, nakaupo lang kasi kami sa may damuhan sa garden.
BINABASA MO ANG
I CHOOSE TO LOVE YOU
Teen FictionIs it your destiny who choose to whom you will end up with or is you who choose to whom you will be in love with?