13 : Reason

29 0 0
                                    

Chapter 13: REASON

Stephen's POV

Halos 2 hours akong naghintay kay Venus at hangang ngayon wala pa din sya. Hindi pa din sya bumabalik dito sa court.

"Asan ka na ba?" I whispered.

Tinignan ko yung oras. Malapit na yung time.

Nakarinig ako ng drible ng bola. Hinanap ko kung san nang-gagaling, at nakita ko si Kyle. Hinagis nya sakin yung bola. Buti nalang nasalo ko kung hindi tatamaan ang napaka gwapo kong mukha.

"Sa rooftop." He said.

Ano nanamang sinasabi nito?

Tinignan ko lang sya.

"Kung hinahanap mo si Venus nasa rooftop sya Tanga!" Tapos iniwan nya na ko dun!

"KALA MO KUNG SINO KANG MAKASABI NG TANGA! ABA! LINAWIN MO SA SUSUNOD!!" Pero syempre sinigaw ko yun nung wala na sya! Sabay hagis ng bola.

Tumakbo na ko papuntang rooftop, pero nung makarating ako sa hagdanan napahinto ako.

Kabaklaan mang matatawag pero natatakot ako, hindi dahil kay Venus, pero kasi mataas yung rooftop di ba! Opo takot ako sa matataas!!

Biglang nagflashback sa utak ko yung mukha ni Venus kanina nung umiyak sya.

"Aishh!!! Bahala na!!" Sabay tumakbo ako paakyat ng nakapikit. Hindi ko din alam kung pano pero nakarating ako sa pinto ng rooftop. Nanginginig akong binuksan yung pintuan.

Nakapikit kong tinahak ang daan papuntang railings. Halos bumigay yung tuhod ko nung binuksan ko yung mga mata ko.

Nakarinig ako ng hikbi. Hinanap ko kung saan nanggagaling hanggang sa makita ko si Venus. Lumapit ako sa kanya.

"Venus." Nag-aalala kong tawag sa kanya.

Di nya ko sinagot ni tinignan man lang. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Tumingin ako sa malayo, at muntikan na kong masuka. Nahihilo talaga ko sa mataas.

Kapit lang Stephen, wag ka nalang tumingin sa malayo, yumuko ka nalang o kaya ipikit mo yung mata mo para di ka mahilo!!

"Okay ka lang?" Umupo ako sa tabi nya.

"What are you doin' here!?" Galit nyang sabi. Nanginginig din yung boses nya.

"Bigla ka nalang umiyak at tumakbo kanina. Ano bang nangyayari sayo?" Mahinahon kong tanong sa kanya.

"Umalis kana!" Sabay hawi nya sa kamay ko kasi pupunasan ko sana yung luha nya.

"Sabihin mo sakin ano bang problema, may nasabi o nagawa ba ako na nakasakit sayo?" Nag-aalala kong tanong.

"Just go! I don't wan't to see you! Jebal kka(Please go)!!!" Halatang nasasaktan sya, pero bakit?

"Venus! Sabihin mo naman kasi sakin kung anong problema mo!" I said.

"Eh ano bang pakielam mo?!" She replied. Basag na yung boses nya dahil sa pag-iyak nya.

"May pakielam ako kasi alam kong involve ako! Kaya sige na please, sabihin mo na sakin kung anong problema mo sakin." Pinipilit kong huminahon.

"Just stay away from me." Plain nyang sagot at tamayo na.

"Bakit ba palagi ka nalang ganyan!" Napataas na yung boses ko. Napahinto din sya sa paglalakad.

"Sa tuwing tatanungin kita palagi mo kong pinapaalis o kung hindi man palagi mo kong tinatakbuhan, Venus naman! Ano ba kasing problema mo? Pano ko maayos yung pakikitungo ko sayo kung hindi ko naman alam kung ano yung mali sakin! Sabihin mo naman kung anong problema mo sakin!" Dugtong ko.

I CHOOSE  TO LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon