Chapter 18: BECAUSE OF YOU
Venus' POV
Mukang umuwi na si Stephen. Uuwi nalang din siguro ako. Pinunasan ko yung luha sa mata ko.
"Lagi nalang ba kong nasa dulo ng priority mo?"
"Stephen!!" Napaharap ako sa likod ko.
"Sana di ka nalang pumunta." He plainly said.
"Sorry Stephen. Hindi ko napansin yung oras. Kasama ko kasi kanina si Kyle." Paliwanag ko.
"Tsss. Si Kyle. Dapat pala nag salita nalang din ako kanina. Alam mo ba kung bakit hindi ako umangal na mag kapartner tayo? Kasi alam ko na dito lang kita malalapitan. Pero mukhang nagkamali ako. Dapat pala una palang umayaw na ko." He said habang inaayos yung buhok nya.
"Mag mumukha lang pala akong tanga." Then humarap sya sakin.
"I'm sorry." Yan lang yung nasabi ko.
"Mag practice na tayo ng matapos na toh. Nakakasawa na kasi eh." Sabi nya then pumunta sa kotse nya. Kinuha nya yung gitara dun.
"Dun nalang tayo sa may bench." Sabi nya at nauna ng mag lakad.
Stephen's POV
Halos isang oras akong naghintay, tapos malalaman ko lang na magkasama sila ni Kyle! Akala ko magiging masaya ang gabi na toh. Hindi pa din pala. Bumili pa man din ako ng gitara.
"Akin na yung gitara." Sabi ni Venus.
Inabot ko naman sa kanya yun.
Nakaramdam ako ng malamig na tubig sa braso ko.
"Hala, ba't naman ngayon pa umulan!" Sabi ni Venus.
"Dali sa kotse!" Sigaw ko naman at sabay kaming tumakbo papuntang kotse.
"Pano tayo makakapag practice nito? San tayo pupunta?" Sabi nya nung makasakay kami sa kotse.
"May alam akong malapit. Wear your seatbelt. Teka, di ka pa pala umuuwi noh?" Tanong ko.
Tumango lang sya.
"Aish..." And with that, pinaandar ko na yung sasakyan.
"Stephen, san tayo pupunta?" Tanong ni Venus.
"Basta." Sagot ko naman.
"Ah sige tatawagan ko nalang muna si Tita, baka kasi hanapin ako ii."
"Nagawa ko na yan. Ihatid nalang daw kita mamaya." Sabi ko naman.
A few minutes later...
"Wow! Kaninong bahay toh?" Amazed na tanong ni Venus nung makarating kami sa bahay ko.
Opo, sariling bahay ko to. Yan ang katas ng paghihirap ko.
"Pumasok na tayo." Sabi ko at bumaba na ng kotse.
"Teka. Nandyan ba parents mo?" Tanong nya ulet bago kami pumasok sa main door.
"Wala. Nasa abroad sila dun sila nakatira. Kami lang dalawa ni kuya guard dito. Minsan kasama din yung Driver ko. No maids. Akin ang bahay na to. May tanong ka pa?" Sabi ko at tuluyan ng pumasok.
"Dun tayo." Sabi ko sabay turo dun sa isang pinto.
"Kukuha lang ako ng pagkain. Pumasok ka na." Sabi ko at nag punta na ng kusina.
Venus' POV
Nakaka amazed naman yung bahay ng lalaking yun! Buti pa sya may sarili ng bahay!

BINABASA MO ANG
I CHOOSE TO LOVE YOU
Teen FictionIs it your destiny who choose to whom you will end up with or is you who choose to whom you will be in love with?