Chapter 15: BETRAYED
Venus' POV
Monday na ngayon, maaga akong pumasok, magkikita kasi kami ni Ivy, ang tagal ko na kasing hindi nakakausap yung babae na yun eh!
"OMG, Nandito na pala ang flirt!"
"Oo nga eh. Ang kapal ng mukha!"
"Ang sarap nya talagang sabunutan!!"
Yan yung mga naririnig ko habang papasok. I'm not that stupid para hindi malamang para sa akin yung mga yun.
Nakita ko si Ivy na nakaupo dun sa lagi nyang tinatambayan.
"Ivy!" As I wave my hand.
Kinawayan nya din ako saka ako tuluyang lumapit sa kanya.
"Kanina ka pa?" Tanong ko.
"Ah, hindi naman. Kakarating ko lang din. Lagot ka sa mga fangirls ni Stephen! Kalat na kalat yung picture nyo eh! Ikaw ha! Hindi mo sinasabi sakin na may something sa inyo!! Ayiiieee..." She said.
"Shut up! Pati ba naman ikaw, akala ko kakampi kita!!" I said.
Nagkwentuhan lang kami ng kung anu-ano. Tawa lang kami ng tawa.
Kung anu-ano kasi yung pinagsasasabi nya.
Napatingin sya sa wrist watch nya.
"Malapit ng mag-time. Una na ko." Paalam nya saka tumayo at tuluyan ng umalis.
Tumingin muna ko sa paligid ang dami ng tao. Tumayo na ko ng bigla kong napansin sa may camera sa tabi ko.
"Hala, naiwan ni Ivy yung camera nya." I whispered. Hinanap ko si Ivy kung nandito pa sya pero nabigo ako. Nilagay ko sa bulsa ko yung camera at tuluyan na ding umalis. Mamaya ko nalang ibibigay sa kanya.
"Gaano kayo kaclose?" Nagulat ako nung makita kong nasa tabi ko na si Nathan at sinasabayan akong maglakad.
"Nino? Ni Ivy?" Tanong ko. Tumango lang sya bilang sagot.
"Kapatid na ang turing ko kay Ivy. Ewan ko lang kung ano ako sa kanya." I said.
"Ah ganun ba? Natanong ko lang. Nakita ko kasi kayong magkasama kanina." He said.
"Ah bakit may problema ba?" Tanong ko.
"Wala naman, basta tandaan mo toh. Hindi lahat ng nakikita mo totoo." Tapos ngumiti sya.
"Sige una na ko, dadaan pa kong faculty eh." Di pa man ako nakakasalita eh nawala na sya sa paningin ko.
"Ano bang sinasabi nya?" Nagtataka kong bulong sa sarili ko at tumuloy ng mag-lakad papasok ng room.
Umupo agad ako sa upuan ko at saka sinalpak sa tenga ko yung earphone ko. Napangiti nalang ako dun sa kanta na nagpi-play. Eto yung ginawa kong kanta para kay Mommy, birthday gift ko sa kanya nung nabubuhay pa sya.
Ayokong umiyak ngayon dahil masaya ang simula ng araw ko kaya tinanggal ko na din yung earphone.
Tumingin ako sa katabi ko. Natutulog si Stephen, siguro pagod sya sa shooting. Nakita kong nalaglag sa tenga nya yung isang earphone. Ilalagay ko sana sa ibabaw ng mesa nya kaya lang nacuriuos ako kung anong pinapakinggan nya kaya nilagay ko sa tenga ko.
Nanlaki yung mga mata ko nung marinig ko yung tugtog.
*♪Give me the light light light
You are my my my sunrise
Neo eomneun nam amugeotdo anya
Neon nae majimak you're my last...♪" (Playing: Shadow by BEAST)
BINABASA MO ANG
I CHOOSE TO LOVE YOU
Подростковая литератураIs it your destiny who choose to whom you will end up with or is you who choose to whom you will be in love with?