40 : I Just Wanna Love Her

7 0 0
                                    

Chapter 40: I JUST WANNA LOVE HER

Stephen's POV

Huh? Bakit kaya tumatawag si Kyle? Agad kong sinagot yung phone ko na nagriring.

"Hello? Kyle?"

(Pwede ba tayong magkita?)

"O-oo! Sige. Itext mo nalang kung saan kita pwedeng puntahan."

(Sige.)

Pagkatapos nun ay binaba nya na yung phone. Lumingon naman ako sa likod para tignan si Venus na papasok sa bahay nila. May kinalaman kaya toh sa kanya?

Napailing nalang ako dahil hindi ko alam ang sagot sa tanong na yun.

"Ah Kuya, dito po tayo sa address na toh." Sabi ko sa Driver ko habang pinapakita sa kanya yung address na tinext ni Kyle. Tumango lang yung Driver at hindi din nagtagal ay nakarating na nga kami.

So eto pala ang bahay ng mga Dominguez.

Agad naman akong sinalubong ni Kyle.

"Tara dun tayo sa taas." Walang emosyon nyang sabi.

Nadaan din namin si Mr. Dominguez na mukhang naghahanda dahil may lakad.

"Oh Stephen, di ko inaasahan na makikita kita dito." Bati nya sakin.

"Ah. Magandang hapon po." Bati ko naman sa kanya.

"Mukhang hindi ka pa nakakauwi sa inyo ah." Nakauniform pa kasi ako.

"Ah opo. Kakahatid ko lang po kay Venus tapos bigla pong tumawag si Kyle kaya dumiretso na muna ako dito." Sagot ko naman sa kanya.

"Ah ganun ba? Oh sya sige na. Mauna na ko. Masaya akong nakita kita ngayon dito." Sabi nya sabay tinapik ako sa balikat.

"Ingatan mo si Venus ah. Mabait syang bata kaya huwag mo syang sasaktan." Sabi nya at walang anu-ano ay umalis na sa harap ko.

"Stephen." Napatingin ako kay Kyle.

"Oo eto na." Sabi ko at sumunod na sa kanya sa taas.

Pumasok kami sa isang kwarto dun na sa tingin ko ay kwarto nya.

"Anong pag-uusapan natin?" Tanong ko.

"Alam kong alam mo na nakipaghiwalay na sakin si Venus, nung nakaraang Linggo pa." Sabi nya habang nakatingin lang sa labas ng bintana nya.

Samantalang ako ay manghang mangha sa nakikita ko.

Ang ganda ng kwarto nya! Meron pa syang brickwall kung saan nakadisplay yung mga gitara nya. Oo! Meron syang limang gitara! Yung dalawa acoustic guitar, yung dalawa electric, at yung isa bass guitar! And take note, wala pa dito yung pinahiram nya samin dati ni Venus. Ang lupet! Kaya siguro nainlove sa kanya si Venus kasi marunong sya mag-gitara. Gustong-gusto pa naman ni Venus yung mga lalaking marunong mag-gitara. At oo, nag-aaral ako mag-gitara para sa kanya.

"Alam mo ba kung anong dahilan nun?" Tanong nya.

"Hindi." Plain kong sagot at saka lumapit sa side table nya. Ang astig kasi nung lampshade nya.

Grabe talaga, hindi ko alam na nasa kwarto ako ni Kyle. Ibang iba to sa ineexpect kong itsura ng kwarto nya. I mean, hindi ko ineexpect na may taste din pala tong si Kyle pagdating sa pagpili ng gamit.

"Do you love her?" Napatingin ako sa kanya at parang nawala ang lahat ng nasa paligid ko.

"N-nagpapatawa ka ba?" Tanong ko sabay tumawa.

"Yes or no?" Tanong nya ng hindi pa din nakatingin sakin.

"B-bakit mo ba tinatanong ang bagay na yan? Alam mo namang palabas lang yun di ba? Ikaw ang talagang mahal ni Venus." Sagot ko.

I CHOOSE  TO LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon