33 : I Feel Bad

27 0 0
                                    

Chapter 33: I FEEL BAD

Venus' POV

Sinalubong ako nila Tita sa airport kahapon nung umuwi ako galing Korea.

"Your so great! Napanood kita nung Thursday! Kailan ang next broadcast nyo?" Tanong ni Tita habang kumakain kami.

"Hmm... Sa Friday, babalik ako ng Korea para sa show sa Saturday. Pero makakabalik na din naman ako dito ng Linggo." Sagot ko naman.

"Grabeh ka! Ginagawa mong kapitbahay yung Korea!" Sabat naman ni Joseph.

"Kailangan ko yun noh. Isa pa nag-aaral din ako dito." Sagot ko naman.

"Ewan ko sayo! Pinapagod mo lang sarili mo." Pagtatapos nya sa usapan.

"Oh sya! Bilisan nyo ng kumain at baka malate pa kayo. Lunes na lunes pa man dun." Paalala naman ni Tita.

Tumayo na ko at kinuha na yung gamit ko tutal tapos naman na kong kumain.

Hinintay ko nalang si Joseph sa kotse.

Nagulat ako nung makakita ako ng mga reporter sa tapat ng school.

"Teka, maghintay ka muna dito. Kakausapin ko lang yung guard." Sabi naman ni Joseph.

Tumango lang ako as a response.
Nakita kong kinausap nya yung guard na nagbabantay sa gate, and next thing binuksan na nung guard yung gate para sa mga sasakyan.

"Kuya, ipasok mo na sa loob. Dun na kami baba." Sabi ni Joseph nung makasakay na sya ulet.

Akala ko pa man din tahimik na kong makakapasok, nakalusot nga ko sa mga reporters, pero mukhang hindi dito sa mga schoolmates ko.

Halos pinalibutan na ng mga estudyante yung sasakyan namin ni Joseph.

"Mukhang malelate pa ko ah!" Walang ganang sabi ni Joseph.

"Sorry." Sabi ko nalang at mahinhing tumawa.

"Eh ano pa nga ba? Hintayin mo ko, wag kang bababa." Sabi nya.
Bubuksan nya na sana yung pinto ng may kumatok sa tapat ng bintana ko. Napatingin kaming pareho.

It was Kyle. Sinenyasan na kami na bumaba na.

Unang bumaba si Joseph at sumunod naman na din ako.
Pinagitnaan ako nung dalawa para hindi ako maipit ng mga eatudyante.

"Kyaaah!!!~~~"

"Gwihan ang galing mo!!~~~"

"Pa-authograph naman Gwihan!~~~"

"We love you Gwihan!!!~~~"

At kung anu-ano pang papuri ang narinig ko. Nginingitian ko lang sila bilang sukli.

"Grabe, ang sikat talaga ng girlfriend ko." Bulong ni Kyle sakin.

Hinampas ko sya, pero yung mahina lang.

"Pag may makarinig sayo!" Saway ko. Mahinhin lang syang tumawa.

"Venus!" Napatingin ako dun sa tumawag sakin.

Hala sya! Ngiting ngiti si Kuya! If I know gandang ganda lang yan sakin! Hahahaha... Joke.

Lumapit kami kay Stephen.

"Bakit ngayon ka lang? Alam mo bang halos hindi kami makalabas ng kotse kanina." Sabi ko naman.

Nagpaalam na si Joseph na pupunta na sa klase nya kaya kaming tatlo nalang nila Kyle ang nandito.

"Aba malay ko! Mukha namang wala kang gasgas eh!" Sabi nya at saka ako chineck.

"Tama na yan." Sabi naman ni Kyle at tinanggal yung kamay ni Stephen na nakahawak sa balikat ko.

I CHOOSE  TO LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon