Chapter 19: SINO KA BA TALAGA
Stephen's POV
Hindi na din kami nakapag practice kagabi. Nagkwentuhan nalang kami. Hindi rin yun nag tagal at hinatid ko na sya pauwi. Medyo gabi na din kasi nun.
Andito ako ngayon sa hallway at hinihintay sya.
"Hi Stephen!" Bati sakin nung mga babae na nadadaan ako.
Ang gwapo ko talaga! Hahaha.
Nginingitian ko lang sila, at ayun, mga kilig na kilig.
Ang tagal naman ni Venus!!
*bzzztt bzzztt*
Kinuha ko yung phone ko para tignan kung sino yungnagtext.
~Hey, di ako makakapasok ng one week pupunta ko ng Korea ngayon. Pakisabi nalang kila Ma'am.~
Tignan mo nga naman! At naghihintay pala ko sa wala.
Pumasok na ko ng room, ewan pero bigla akong nawalan ng gana.
"OMG!! TOTOO BA YAN??!!" Excited na sigaw nung classmate ko dun sa kausap nya sa phone.
Nakakagulat naman yun! Masyadong OA!
"Oo sige bibili ako agad ng ticket mamaya!!" Sabi nya sabay baba ng phone at nagtatatakbo dun sa mga circle of friends nya.
"Girls!! Girls!! Listen carefully okay??!!! May concert dito ang 5St★r!!! Finally their making their comeback!!" Sabay nagtilian na silang lahat.
5st★r? Teka, parang narinig ko na yun. Ah... Korean girl group ata yun? Sus! As if naman mas magaling sakin yung mga yun noh!
"Talaga?! Yahoo, makikita ko na si Min Ha!!" Girl no. 1.
"Ako excited na kay Ye Nah Idol!! OMG! Bibili talaga ako ng ticket!" Girl no. 2.
"Ehem!! Eh sino pa bang tatalo sa Gwihan ng lahat!" Girl no. 3.
Sa totoo lang, wala akong kilala sa mga pinagsasasabi nila. Hayst... Bakit ba kasi ang dami pa nilang hinahanap, nandito naman ako!
"True!! Gwihan for the win. Pero alam nyo ba girls, parang nakita ko na somewhere si Gwihan eh!!" Girl no. 4.
"Sus, eh nung nakaraang buwan sabi mo nakita mo si Park Shin Hye kabuhok lang naman pala! Nung nakaraang linggo sabi mo nakasalubong mo si Lee Min Ho kalokalike lang pala!! Naku Claire tigilan mo nga kami!" Girl no. 1.
"Hindi promise talaga!" Girl no. 4.
"Pero guys may sasabihin ako sa inyo. Di nyo ba napapansin na medyo... Medyo lang naman ah. Medyo hawig ni Gwihan si flirt di ba!!!" Girl no. 2.
"Hmmm. Medyo." Girl no. 3.
"Oo nga! Sya nga ata yung sinsabi ko na nakita ko. Ano ba yan epic nanaman!!" Girl no. 4.
Tsss. Napakawalang kwenta naman ng pinag uusapan nila!!
Hay, bat pa kasi umalis tong si Venus, wala tuloy akong makausap.
Natapos ang half day ko ng walang nangyari.
"Hinihintay mo si Venus?" Tanong ko kay Kyle na nakaupo sa bench.
"Ah sya?" Sabi naman nya.
"Wala sya pumunta ng Korea." Sabi ko sabay tumabi sa kanya.
"Alam ko. Kakahatid ko nga lang sa kanya sa airport kanina eh." - him
"What? Hinatid mo sya sa airport?! Bat' di nyo ko sinama!!!?" Medyo napalakas yung boses ko.
"May klase ka at alam kong hindi ka pwedeng umabsent. Isa pa, tanga ka ba talaga? Artista ka di ba? Pag may nakakita sayo na may inihahatid ka na babae sa airport baka anong pang sasabihin ng mga tao? At ito pa, alam mo naman na nagkaissue na kayo dati ni Venus. Wag mo ng palalain." Sabi nya sabay tapik sa balikat ko.
BINABASA MO ANG
I CHOOSE TO LOVE YOU
Подростковая литератураIs it your destiny who choose to whom you will end up with or is you who choose to whom you will be in love with?