Chapter 12: FRUSTRATED
Janice's POV
"Janice, may representative na ba tayo?" Tanong ni Mike sakin.
"Wala pa nga eh. Wala pa ding nag a-audition, malapit na yung The Battle pero wala pa ding panlaban ang Third year." Sagot ko sa kanya.
Ako kasi ang head ng Third year kaya dapat na kong makahanap para makapag ensayo na sila.
"Napaka imposible naman nun! Nasa year natin ang isang sikat na singer tapos sasabihin mo saking wala tayong pambato!" sabi nya.
"Eh hindi naman sya nag a-audition at saka isa pa, hindi mo mapapasali sa isang school competition lang ang isang Stephen Buenafe noh, lalo na duet pa yun. Takot lang nyang masira carreer nya pag nagkataon." Sabi ko naman.
"Di ba sabi mo walang naga-audition? Akong bahala dyan, wala silang magagawa kundi ang mag audition." Sabi ni Mike at saka tumawa ng tumawa.
Ano kayang nasa isip ng siraulong yun? Napailing nalang ako. Sana lang kung ano man ang plano nya eh mag-work.
Venus' POV
Pumasok si Ma'am Janice kaya lahat kami ay tumahimik.
"Okay, listen carefully. Today, ika-cut ang klase ng mga piling third year. For what reason? Alam nyo namang 4 weeks nalang at The Music Battle na, at hangang ngayon eh wala parin tayong representative, so all the music teachers will be conducting a practicum. You can spare the whole morning sa pagpapractice ng inyong piece then, after lunch, magkikita-kita tayo sa AVR. Prepare for the consequence dun sa mga hindi papasa, at sa makakakuha ng pinaka mataas na grade ay ang sya magiging representative natin at exempted na sila sa midterm. At kung manalo sila sa The Battle, they are going to be exempted sa finals. Is that clear?" Halatang lahat natuwa dun sa exemption, pero mukang malabo ko ng makuha yun.
"If wala na kayong tanong, you may now choose a partner. It should be two in a team okay? It's up to you basta kailangan isa sa inyo marunong humawak ng instrument. That's all. See you all after lunch!" After nun lumabas na si Ma'am ng room.
"Partner tayo." I heard a familiar voice.
Tinignan ko lang sya at inirapan. Ayoko ngang makapartner tong Stephen na toh.
"Venus may partner ka na? Tayo nalang gusto mo?" Tanong ni Nathan.
Pero hindi pa ko nakakapagsalita eh may sumubat nanaman.
"Kami, partners na kami." Ngiting ngiting sabi ni Stephen.
"Did I say yes to you? Pabo(stupid)." Sacrastic kong tanong.
"Hindi, kasi hindi naman kita tinanong. Di ba, sabi ko lang partner tayo. In short I insisted." He said. Tinignan ko si Nathan.
"Okay sige, hahanap nalang ako ng iba." Tapos umalis na sya.
"Pabuya!" I said.
"What ever! Basta partner tayo." He really insist.
"Stephen partner tayo!" Yaya sa kanya nung mga fangirls nya na classmate namin.
"Sorry girls, may partner na ko eh!" Tapos tinaas nya yung kamay ko. Pero agad ko din naman hinatak.
Tumayo ako para lumabas, pero hinarang ako ni Carlo.
"Tignan natin ang galing mo mamaya." He said habang inaayos yung collar nung uniform ko, nakatupi kasi yung isa.
"Panalo ka ngayon kasi hindi ako marunong kumanta." Then hinampas ko yung kamay nya at tuluyan ng lumabas ng room.
BINABASA MO ANG
I CHOOSE TO LOVE YOU
Ficțiune adolescențiIs it your destiny who choose to whom you will end up with or is you who choose to whom you will be in love with?