Chapter 11: SANA
Stephen's POV
Maaga akong pumasok, ayoko kasing pagkaguluhan. Sa totoo lang, may isa pang dahilan, Si Venus. Palagi ko syang nakikita kapag maaga akong pumapasok, I mean yung walang istorbo, kahit palagi syang galit sakin. Di ko nga alam kung bakit eh.
Pagdating ko sa room nakita ko agad si Venus, pero may kasama sya. Alam kong hindi si Nathan yun kaya kahit papaano natuwa ako. But still there's a part of me na nainis. Tumayo muna ako dun sa may pintuan at pinagmasdan silang dalawa, nakatalikod yung lalaki kaya hindi ko makita yung itsura nya.
I saw Venus laugh, yes she just laughed. Bakit parang pag sa iba ang dali nyang tumawa pero sakin... I never saw even her little smile. I was hurt, really.
Tuluyan na kong pumasok sa loob.
"Ahem..." As I cleared my throat.
"Oh idol! Ikaw pala! Nakita din kita." Sabi nung lalaki, I finally saw his face.
"Kyle right?" I said. Nakita ko na kasi sya dati na kasama ni Mr. Dominguez, madalas kasing si Mr. Dominguez ang producer ng mga album ko kaya nga dito ako nag aral sa University niya eh.
"You know me." Mahina nyang sabi.
Ibinaba ko na yung bag ko, tumungin ako kay Venus nakatingin din sya sakin pero yung tingin na gusto kang paalisin o feeling ko lang yun?
"Sige, labas muna ko. Baka nakakaistorbo ako sa inyo." I said.
"Good" I heard her whisper.
"Ano ka ba okay lang. Join ka na samin. Dito ka nalang." Sabi naman ni Kyle.
"Tss... mukang ayaw naman sakin ng kasama mo eh." I said.
Tinignan nya si Venus tapos nginitian nya.
"Sa tingin ko hindi naman. Right Venus?" Kyle said.
Tinignan ko si Venus.
"Fine. Just stay." She said without even looking at me.
Umupo ako dun sa upuan ko. Nagkwentuhan lang kami, or sila rather. Di din nagtagal eh umalis na si Kyle.
"Pano mo sya nakilala?" I asked.
But she didn't responds.
"I'm asking you." I said.
But still no responds.
"Ano ba Venus?! Hindi ka ba talaga magsasalita?" Medyo napataas na yung boses ko. Tinignan nya lang ako.
"Tama na Stephen." I heard a familiar voice.
"Back off dude!" I said.
"Hi Nathan!" Nakangiting bati sa kanya ni Venus.
"Nang-aasar ka ba talaga?!" Sabi ko tapos hinampas ko yung lamesa.
Tinapik ni Nathan yung braso ko at sinenyasan nya akong lumabas. Wala na kong nagawa kundi sumunod.
Nakarating kami sa likod ng building.
"Ano nanamang problema mo ha!?" Agad kong bungad sa kanya.
"Di ba sinabi ko sayo na layuan mo si Venus." Mahinahon nyang sagot.
"Tsss... at bakit ko naman sya lalayuan?" - me
"Nahihirapan na sya hindi mo ba nakikita yun?" - him
"Para saan pa? Eh lagi ka naman nandyan para pagaanin yung loob nya di ba! Umepal ka nalang ulet! Dun ka naman magaling eh!" - me
"Ano ba Stephen! Umayos ka nga! Hindi na toh yung issue natin dati. Si Venus na tong pinaguusapan natin!" - him
"Pasesnsya na Dude ha! Ang hirap kalimutan eh!" - me
"Lumayo ka nalang kay Venus." Huminahon ulet yung boses nya.
Eto lang ang gusto ko kay Nathan eh, kaya nyang pigilan yung galit nya. Kaya nga naging magkasundo kami nito eh.
"Eh bakit ba gusto mo kong palayuin sa kanya?! Ah! Wag mo sabihing may gusto ka sa kanya?" - me
Hinihintay kong magsalita si Nathan pero wala.
"Ah kaya pala, kaya mo ba ko pinapalayo kasi alam mong kayang-kaya ko syang agawin sayo ganun ba? Tss... Kawawa ka naman. Hanggang ngayon hindi ka pa rin makakuha ng sarili mo!" I said while patting his shoulder.
"Hindi pa tayo tapos!" He said tapos iniwan na ko dun sa kinatatayuan namin kanina.
Bumalik na din ako ng room. Medyo madami ng tao kaya umupo nalang ako dun sa upuan ko at nanahimik. Si Venus? Tinatanong nyo ba kung anong ginagawa nya? Ayun oh, nakikipag-usap kay Nathan. Ang galing di ba! Ibang klase.
Nag-vibrate yung phone ko kaya nilabas ko at tinignan kung sino yung nagtext.
~My CRAZY Manager~
"Hoy Stephen, bumaba ka dito sa entrance now na. Pinaalam na kita sa head. Bilisan mo, pipirma ka ng contract para sa bago mong movie!"
Pagkabasa ko nung text kinuha ko na agad ng gamit ko.
"San ka pupunta Idol?" Tanong ni Carlo.
"May gagawin lang ako." I said tapos tuluyan na kong lumabas.
Pagkadating ko sa entrance nandun na nga yung van ko. Sumakay agad ako dahil baka may mga reporters na nakakalat alam nyo naman gwapo ang inyong lingkod di ba!
"Anong movie yun?" Agad kong tanong kay Manager.
"Nakalimutan ko yung Title pero nabasa ko naman na yung plot, at mukhang okay naman sya. Isa pa, dito gaganapin yung shoot sa school nyo. Somewhat high school love story!" She answered.
"Love story? Teka, don't tell me may kissing scene?" - me.
"Oo naman syempre! Pero isa lang at alam ko namang kayang kaya mong pekein yun! Ikaw pa ba eh expert ka ata dun." She said while pinching my nose.
Bakit ba nila ko binigyan ng baliw na manager! Pati tuloy ako nababaliw na!
"Sino leading lady ko?" I asked.
"Ewan ko, dun palang natin makikilala mayaya sa signing eh." She said.
"Manager, favor naman oh." I said.
"Ano yun?" Nakataas yung kilay nya.
"Patanggal nung... nung kissing scene! Please!!" Sabay hatak ko dun sa manggas nung jacket na suot nya.
"Ano ka ba namang bata ka! Para yun lang! Eh kaya mo namang pekein ulet yun ah! Magtigil ka nga dyan! Kita mong yun nga lang yung hinahanap ng mga fans mo eh!" Sabay batok sakin kaya nanahimik nalang ako.
Ayoko kasi talaga ng ganong scene. I never had my first kiss. Gusto ko kasi na ang first kiss ko eh nasa harap ako ng Diyos, gets nyo ba? Alam kong ang bakla ng ganun, pero yun yung gusto ko. Don't get me wrong, I'm not gay. Kaya every scene na ganon, either pinepeke ko or pinapaedit ko nalang. Tarantado ako pero matino akong magmahal, tanong nyo pa dito sa Manager kong baliw!
"So how's school?" Tanong ni Manager.
"Manager, alam mo bang nakita ko na yung inspiration ko, pero di na nya ata ako kilala." I said.
"Oh really? The girl in the park? Pano mo sya nakita?" - Manager.
"Classmate ko sya pero ayaw nya sakin. Di nya ko kilala!!" Sabay hampas dun sa upuan.
"Eh kasi naman ang tagal na nung huli mo syang makita. Almost 5 years na kaya yun kung hindi ako nagkakamali. Atleast nakita mo na sya. Ano nga ulet pangalan nun?" - Manager.
"Ve---"
"Nandito na pala tayo. Baba na dali." Hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi pinagtulakan nya na ko pababa.
Sana lang talaga makilala na ko ng inspiration ko. Sana magkabati na kami ni Venus. Sana okay lang yung magiging leading lady ko. Arghhhh... Puro nalang ba SANA?
BINABASA MO ANG
I CHOOSE TO LOVE YOU
Fiksi RemajaIs it your destiny who choose to whom you will end up with or is you who choose to whom you will be in love with?