Chapter 17: I'M LATE
Venus' POV
Pagbalik ko kahapon sa room naging normal na ulet ang lahat. Hinahanap ko si Stephen para humingi ng sorry pero hindi na sya pumasok.
Naglalakad na ko sa hallway ngayon nang makasalubong ko si Ivy. Umakto ako na hindi ko sya nakita at binangga ko sya. Pero syempre mahina lang.
"Oh Ivy! Ikaw pala. Sorry hindi kita nakita." Sabi ko.
"Ah okay lang ako. Nabalitaan ko nga pala yung nangyari sayo kahapon. Okay ka lang ba? Hindi ka na ba nila ginugulo?" Painosente nyang sabi.
As if naman hindi nya kasalanan un di ba! Kung hindi nya ikinalat yung mga picture na yun, edi sana tahimik ang buhay ko!
"Ah okay lang ako ano ka ba! Ewan ko ba sa mga tao dito. Masyadong insecure feeling naman nila aagawin ko yung Stephen nila. Tsss. Ganun na ba sila kababa?" Sabi ko naman.
"Oo nga ii. Sige ha, una na ko. May gagawin pa kasi ako. Seeya when I see ya!" Sabi nya at nag-madali ng umalis sa harapan ko.
Buti nalang talaga, dahil mamaya sumagi nanaman yung pagka bitch ko.
Pumasok na ko ng room. Nakita ko si Stephen na nakatingin lang sa bintana. Gusto ko talagang mag-sorry sa kanya. Feeling ko kasi nasaktan ko sya.
"Ang lalim ng iniisip mo ah?" Sabi ko nung makalapit ako sa kanya.
Tinignan nya lang ako at umayos ng upo.
"Sorry nga pala ha." And again I've got no responsed.
Ganito pala yung pakiramdam nya pag hindi ko sinasagot yung mga tanong nya. Para kang nakikipagusap sa hangin.
"Maybe your still mad. How I wish na sana wala na ulet mangyaring ganun." Sabi ko at umayos na din ng upo.
Naging maayos ang half day ng araw ko. Wala ng masyadong nangyari.
"Pinapatawag kayo ni Ma'am sa faculty. Pumunta nalang daw kayo dun pag may free time kayo." Sabi ni Nathan samin ni Stephen.
Para saan nanaman kaya toh?
Umalis na din si Nathan pagkatapos nyang sabihin yun.
"Ahmmm..." I don't know where to start.
"Mamaya nalang uwian." Plain na sabi ni Stephen at tumayo sa upuan nya.
Pinag masdan ko lang sya na lumabas ng room.
Did I really hurt his pride so bad? At ngayong handa na kong baguhin ang pakikitungo ko sa kanya, ngayon naman sya naging cold sakin.
Now, nararamdaman ko na yung mga nararamdaman nya nung sya yung nasa posisyon na toh. Ang hirap pala talaga.
Lumabas ako ng room at nag punta ng canteen mag-isa. Pero naglalakad palang ako sa hallway, natanaw kong umalis yung van ni Stephen.
"San kaya yun pupunta?" I murmured.
"Pupunta ka ng canteen? Gusto mong sumabay samin?" It was Joseph na nakasalubong ko.
"Oh sure. Kung okay lang ba?" Sabi ko. May mga kasama kasi sya. Classmates nya siguro.
"Oo naman. By the way guys. Pinsan ko ng pala." Pakilala nya sakin.
"Ah, I'm Venus. Nice to meet you." Sabi ko at nag bow.
" Alam mo kamukha mo si ano... Si ... Ano nga bang pangalan nun!! Yung artista sa Korea. Napapanood ko yun ii." Sabi nung isang babae.
BINABASA MO ANG
I CHOOSE TO LOVE YOU
Genç KurguIs it your destiny who choose to whom you will end up with or is you who choose to whom you will be in love with?