Chapter 6: A FRIEND
Venus' POV
The next day, I went to school as early as I could. I am now walking in the hallway, but the bulletin board caught my attention.
"The Music Battle?"I whispered. Parang ang saya naman nun. Kaso di din naman ako makakasali.
"Sasali ka?" Nagulat ako dun sa nagsalita.
"Aigoo... Hindi, hindi naman ako marunong kumanta eh." I said or I lied rather.
"Ah, ganun? Sayang naman. May kilala kasi akong artista na kamukha mo. Akala ko nga ikaw yun eh. Pero nevermind nalang. Ako nga pala si Ivy, ikaw anong name mo?" She said.
"I-I'm Venus. Nice meeting you. Anong block ka?" Tanong ko sa kanya.
"Ah 4-B. Di ba 4-A ka?" Sagot naman nya. Tapos naglakad na kami papuntang gym. May overall orientation kasi ngayon.
"Oo, pano mo naman nalaman?" I asked.
"Wala narinig ko lang dun sa mga tao. Katabi mo kasi si Stephen di ba? Ang swerte mo naman!!" She said.
"Tsss... Unfortunately nga eh. Atsaka anong swerte dun eh gumugulo yung mundo ko dahil sa kanya." - me
"Anong unfortunately? Star ang katabi mo tapos ganyan ang sasabihin mo? Are you in drugs?! O baka ayaw mo lang talaga ng chismis." - Ivy
"No thanks! At saka hindi sya star. Araw sya, ARAW!" - me
"Bakit dahil ba super hot nya kaya ARAW?" - Ivy
"Hindi noh! Eh kasi, pasikat na nga sya, ang sakit pa nya sa mata. So irritating." - me
After nun umupo na kami. Ngayon ko lang narealize, magaan ang loob ko kay Ivy. At sya ang first girl friend ko dito sa DU.
Tumingin ako sa paligid para hanapin si Nathan, nakita ko sya sa may stage may inaayos para sa program. Our eyes met, I wave my hands, nginitian nya ko as well as I.
"Ooooo... Si Nathan pala ha! Kaya siguro ayaw mo kay Stephen kasi may Nathan ka na! Much better!" Pang-aasar sakin ni Ivy.
"Guemanhae! I mean stop! Hindi ah. We're just friends." I insist.
"Asus, ganun din yun. Dun din naman yan matutuloy.Venus-Nathan love team for the win!!" She said then umarte sya na parang lilipad. Ang cute naman nitong babaeng to, parang bata. Hahaha .
"Teka, kilala mo si Nathan?" Tanong ko.
"Malamang. He's been my classmate nung First year college. Ngayon ko na nga lang ulet sya nakita eh after 3 years, buti bumalik ako dito sa DU." She explained.
"Ah, okay."
After nun medyo madami dami na din yung tao kaya nanahimik na kami. Eto namang si Ivy walang ginawa kundi ang magpicture ng magpicture habang ako naman eto, inililibot ang mata sa buong paligid. And my eyes met my Hero. Nakita kong nakatingin sya sakin kaya nginitian ko sya, but he ignores me. Naalala ko yung sinabi nya sakin sa rooftop kaya napasmirk nalang ako.
"Oh, ano nanamang meron?" Tanong ni Ivy habang busy pa din sa pagpi-picture.
"Wala, may naalala lang ako. Yung Hero ko." I said.
"Ashuu, Hero o Crush?" Then again she start teasing me.
"Hay ewan ko sayo. Ang kulet mo!" I said while trying to stop her. Napaisip ako bigla, Hero nga lang ba o crush na? Hindi ko din alam eh.
Maya-maya pa, nakarinig na ko ng tilian. Ano pustahan ulet kapatid? Hahahaha, joke lang po.
"OMG!!! nandyan na si Stephen!!" Excited na sabi ni Ivy. Obviously she's a fan.
"I don't care." I said sacrastictly
"Eto naman ang sama!" She said.
"Hindi naman sa masama, it's just that... it's irritating. Wala naman kasing special sa kanya pero bakit sya pinagkakaguluhan." - me
"Sabi mo eh. Wait ha, CR lang ako." Then tumayo na sya at nag start na mag-lakad.
"Ivy! CR lang ha!!" Pang-aasar ko sa kanya. She just raise her hand as a sign of yes.
"Can I seat here?" I heard a familiar voice. At naramdaman kong may umupo na sa tabi ko.
"I never say yes and besides may nakaupo na dyan. So better move." Cold kong sabi.
"Oh well, wala naman akong nakikita." Stephen said.
"Mag-hanap ka nalang ng ibang place." - me.
"Wala ng vacant eh." He insisted.
"Just go." I said calmly. Ayokong gumawa ng eskandalo dito kasi masyadong madaming tao ang makakakita samin. At isa pa, public figure din tong kasama ko.
"A.Y.A.W." Hayst, makaalis na nga lang. Tumayo na ko at kinuha ang gamit ko.
"San ka pupunta?" Tanong ni Stephen. Pero di ko sya sinagot, maglalakad na sana ko pero bigla nyang hinatak yung kamay ko. Oo kamay talaga at hindi braso.
"Get your hands off!" Napalakas ata yung sigaw ko kaya napatingin samin yung mga tao, and next thing I know, there are phones and cameras focused on us. I suddenly realize na nakahawak pa pala si Stepen sa kamay ko. And before ko pa matanggal yung kamay nya, hinatak nya na ko palabas ng Gym.
"San mo ba ko da-dalhin! Nasa-saktan ako. Bitawan mo nga ako!!" He stopped walking and slightly loosen his hold pero di padin nya binibitawan yung kamay ko.
"Pwede ba wag kang maingay!" Tapos hinatak nya ulet ako. Pero bago pa kami makaalis, may humatak din sa kabilang kamay ko kaya nabitawan ako ni Stephen.
"Ivy!" I said.
"Hindi porket sikat ka, pwede mo ng pasunudin ang lahat ng babae sayo." Ivy said. Buti nalang dumating si Ivy.
"Fine! Leave. Ikaw na nga tong nililigtas ii." Tapos hinatak na ko ni Ivy pabalik sa loob. Pag pasok ko sa loob nakita ko si Nathan na nakatingin sakin, samin rather.
"Thank you nga pala." I said.
"No problem, what are friends for!" She said.
Nakatingin lahat ng tao sakin na parang at any moment eh kakainin na nila ko.
"Wag kang mag-alala akong bahala sayo." Ivy whispered.
I'm lucky cause I met a girl like her. Para na tuloy akong may kapatid! Hahahaha, o ayan makakapag pustahan na tayo! Di ko na ibebet si Joseph! Hahahaha... joke!!
I'm lucky cause I met A FRIEND.
BINABASA MO ANG
I CHOOSE TO LOVE YOU
Teen FictionIs it your destiny who choose to whom you will end up with or is you who choose to whom you will be in love with?