35 : Free

13 0 0
                                    

Chapter 35: FREE

Kyle's POV

"I'm home." Sabi ko kay Daddy saka isinalampak ang sarili ko sa sofa.

"Parang pagod na pagod ka ah. Naihatid mo ba si Venus?" Tanong nya.

"Opo." Sagot ko naman saka kinuha yung remote na nasa center table.

Kakauwi ko lang galing ng airport, sobrang traffic pa. Buti nga eh hindi nalate sa flight nya si Venus.

"Teen Star Stephen Buenafe, namataan sa bahay ng Korean Superstar na si Gwihan. Sinasabing sobrang close daw ng dalawang ito. Nagpapakita nga lang ba ito ng malapit na pagkakaibigan ng dalawa o higit pa sa pagkakaibigan nila. Bagong loveteam na kaya ito? Sinusubukan pa ng aming team na kunan ng pahayag ang magkabilang panig subalit kanina lang ay tumalak na papuntang Korea si Gwihan at hindi pa din namin nakakausap ang Manager ni Stephen. Abangan ang mga susunod na detalye sa issue na ito. Ako si Ce---" Napakawalabg kwentang balita.

Pinatay ko na yung TV at naupo nalang doon.

"Ang nga tao talaga, kung anu-ano nalang ang napapansin." Puna ni Daddy.

"Hayaan nyo na sila. Hindi naman kasi nila alam yung totoo." Komento ko naman.

"Yun na nga eh, hindi nila alam yung totoo. Paano kung mas pumabor sila sa kasinungalingan at magbulag-bulagan nalang sa katotohanan?" Paliwanag ni Dad.

"Naniniwala ako kina Venus at Stephen. Alam kong hindi na nila papalakihin ang issue na toh." Sagot ko naman.

Napailing nalang si Dad.

"Akyat na po muna ako. Gusto kong matulog." Sabi ko at tumayo na.

"Sige, aalis na din ako. Basta anak, mag-ingat ka." Sabi nya at tinapik ako sa balikat saka naglakad palabas ng pinto.

Umakyat na ko sa kwarto ko at inihiga ang sarili sa kama ko.
Bakit ba parang ang bigat ng pakiramdam ko ngayon.

"Aish!!" Sigaw ko at ginulo yung buhok ko.

Bakit ko ba kasi pinapansin yung balita eh alam ko namang ako yung mahal ni Venus. Wala lang magawa yung mga taong yun kaya gumagawa ng kung anu-anong kwento.

"Tama Kyle, wag mo nalang pansinin yun." Sabi ko sa sarili ko at tinakpan ng unan yung mukha ko.

AAARRRGGGHHHH!!!! This is not working!

Bumangon ako at kinuha ang susi ng kotse ko.

"Sir saan po tayo pupunta?" Tanong nung Driver.

"Nevermind." Sabi ko at pumasok na sa driver's seat.

Sa totoo lang ay hindi ko din alam kung saan ako pupunta.
Nagdi-drive na ako palabas ng subdivision ng makasalubong ko si Ivy na naglalakad.

Isang block lang ang layo ng bahay nya sa bahay namin.
At kung tinatanong nyo kung paano ko sya nakilala, sya lang naman ang babaeng nanloko sakin. Oo, sya yung babaeng nanggamit sa apelyido ko. Pero matagal na yun at napatawad ko na sya, isa pa ay masaya na ko kay Venus ngayon kaya wala ng dahilan para magalit pa ko sa kanya. Nagpapasalamat pa nga ako sa kanya dahil kung hindi nya ko iniwan ay baka wala sakin si Venus ngayon.

Inihinto ko yung kotse sa tapat nya kaya pati sya ay napahinto din. Ibinaba ko yung bintana ng kotse ko at tinignan sya.

"San ka? Hop in. I'll give you a ride." Tanong ko.

"M-me? Ah. Dun lang ako sa ... Sa park. Wag na. Maglalakad nalang ako." Sagot naman nya.

"Dun din ako pupunta. Sumakay ka na." Pagpupumilit ko.
Tatanggi pa sana sya pero hindi nya na nagawa dahil binuksan ko na yung pinto.

I CHOOSE  TO LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon