Chapter 36: WE ARE DATING
Stephen's POV
Nakakainis!! Bwisit na mga reporter yan! Kung anu-ano nalang ang mga pinagsasasabi! Nagalit pa tuloy sakin si Athena! Kung kailan gusto ko ng ayusin ang sa aming dalawa tsaka naman may lumabas na ganitong balita! Isa pa, si Kyle.Hindi naman siguro mamimisinterpret ni Kyle yung balita kahapon. Sana lang ay hindi sya magalit.
Parang ayoko tuloy pumasok ngayon!!! ARRGGHHH! Siguradong hot topic toh!
"Hoy Stephen ano? Tatanga ka nalang dyan?" Sigaw sakin ni Manager.
"Manager!!~" Pagmamakaawa ko sa kanya.
"Eh sinong tanga ang hindi nag-ingat? Ewan ko ba sa inyong dalawa, para kayong mga hindi artista kung kumilos! Kung noon ay nalusutan pa natin, ewan ko nalang ngayon. Basta, wag ka munang mag sasalita, hihintayin pa nating bumalik dito si Venus bago nyo linisin ang pangalan nyo okay? Manahimik ka ha!" Sabi nya saka ako pinagtulakan palabas ng van.
"Fighting!" Sabi nya at saka isinara yung pinto at iniwan na ko sa tapat ng gate.
At eto na ang mga reporters! Tignan mo yung Manager ko! Iniwan lang ako!! Aish!! Bwisit talaga!
"Stephen totoo ba yung kumakalat na balita ngayon?" - Reporter no. 1
"Gaano na katagal ang relasyon nyo?" - Reporter no. 2
"Pabor ba ang agency ni Gwihan sa relation nyo?" - Reporter no. 3
"May balak ba kayong ipublic ang relationship nyo pag nagkataon?" - Reporter no. 3
At isang nakangiting mukha lang ang isinasagot ko sa kanila.
"Excuse me lang po, pero kailangan na po nyang pumasok." Harang sa kanila nung guard. Buti nalang medyo close ko na tong guard dito sa gate.
"Salamat po Kuya ah, akala ko hindi na ko makakapasok!" Sabi ko sa kanya nung makapasok na kami sa loob.
"Ano ka ba, wala yun. Trabaho ko naman yun. Ewan ko lang kung makaligtas ka sa mga toh." Sabi nya sabay tumuro kung saan.
"Holly crap!! Kuya anong gagawin ko?!" Naiiyak na sabi ko!
Ang daming estudyante!!! Halos parang natipon na ang lahat dito sa may entrance! May mga dala pa talaga silang banners!
Stephen-Gwihan Loveteam? StepHan for the win? S♥G Forever? Ano ba tong mga nababasa ko?
"Hindi na kita matutulungan sa bagay na yan Stephen." Sabi nya sabay pumunta na sa pwesto nya.
"Stephen!" Napalingon ako sa tumawag sakin.
"Sir Mike!!!!" Laking pasasalamat ko at dumating si Sir.
"Nandito na ang savior mo. Tara, sumunod ka na sakin." Sabi nya saka hinatak ang necktie ko.
At halos mabasag ang eardrums ko ng tumili ang isang batalyon ng mga kababaihan sa kadahilanang nakita nila ako.
"KKYYYYAAAA!!!~ STEPHEN-GWIHAN WE LOVE YOU!!!" Sabay-sabay na sigaw nila.
Iniyuko ko lang yung ulo ko. Pakiramdam ko kasi eh isa akong manloloko. Kailangan ko lang naman hintayin na bumalik si Venus at maayos na din ang lahat.
"Grabeh ka! Grabeh kayo! Hindi ko naman alam na may relasyon pala kayo! Sana sinabi nyo naman sakin at ng nagawan ko agad ng paraan ng hindi umabot sa ganito! Alam mo bang ang daming reporter sa labas? Pati yung mga estudyante, hindi na mapigilan dahil sa pagchi-cheer sa inyong dalawa!" Komento ni Sir Mike nung makarating na kami sa faculty. Mas safe daw kasi ako kung sa faculty muna ako.
BINABASA MO ANG
I CHOOSE TO LOVE YOU
Novela JuvenilIs it your destiny who choose to whom you will end up with or is you who choose to whom you will be in love with?