38 : Wasted Time

9 0 0
                                    

Chapter 38: WASTED TIME

Venus' POV

It's been a week since then. Nilibang ko ang sarili ko sa trabaho at sinubukang alisin sa isip ko si Kyle. I know I can make it somehow. But still, it haunts me. Magsisinungaling nanaman ako kung sasabihin kong hindi ko naisip na balikan sya, but thanks to my Tita Carla, she won't let me. At alam kong iyon din ang tama.

I'm no longer good for Kyle and he deserves to be happy. At makukuha nya lang yun kung wala sya sa tabi ko. Alam kong may mas nararapat para kay Kyle. Hindi sa hindi ko sya mahal, but more than anything else, I want him to be happy.

"Pinsan!!! Maligayang bati! Maligayang bati! Maligaya! Maligaya! Maligayang bati!" Pagkanta ni Joseph.

Niyakap ko lang sya bilang pasasalamat.

"Trending ka ngayon!" Balita naman ni Tita sakin.

"Jincha?" React ko naman.

"Papasok ka ba? Kung oo, kumain ka na dito at aalis na tayo." Paalala naman ni Joseph.
Tumango lang ako at nagsimula ng kumain.

Marami ng nag-aabang na estudyante sa labas ng school, yung iba nga eh taga ibang school pa.

Binaba ko yung bintana nung kotse at sinagot ang mga kaway nila. Nginitian at kinawayan ko lang din sila.

"Ang dami mo talagang fans!" Puna ni Joseph.

"Tss..." Yan lang ang nasagot ko.

Halos hindi na makagalaw yung sasakyan na sinasakyan namin kaya bumaba na kami ni Joseph.

May mga nagaabot ng bulaklak at mga regalo nila. Nagpapasalamat naman ako dahil sa mga yun.

Tinulungan na din kami ni Manong Guard para makapasok na kami sa loob at syempre, hindi pa din ako nakaligtas sa nga schoolmates ko.

"HAPPY BIRTHDAY GWIHAN!! WE LOVE YOU!!" Sabay-sabay nilang sigaw.

"Thank you." Nakangiti kong sabi sa kanila.

At buti nalang dahil nandun sila Carlo para alalayan ako, pano iniwan ba naman ako ni Joseph! Ang bait nyang pinsan noh!

Pagkadating ko sa room namin ay may mga gift na nakalagay dun sa table namin ni Stephen.
Buti nalang at hindi sya makakapasok kaya may paglalagyan muna ako ng mga gamit ko.

"Happy birthday Venus!" Bati sakin nung mga classmates ko.

"Sayang wala ngayon si Stephen! Sayang naman, di mo sya kasama mag celebrate ng birthday mo!" Sabi nung isa kong classmate.

Nginitian ko lang sya at inayos na yung mga nakatambak na regalo sa desk ko.

Naging maayos naman ang half day ko, and unfortunately or fortunately ay kailangan kong magcut ng class dahil nandun sa baba ang Manager ko.

"Grabeh Idol! Ang dami talagang nagmamahal sayo, tignan mo oh, ang dami mong regalo!" Hindi ko alam kung umaangal ba sya o hindi.

"Ano ka ba Thomas, wag ka ng magsalita at magbuhat ka nalang!" Sabat naman sa kanya ni Bernard.

Oo, nag insist kasi sila na tulungan akong magbuhat nung mga regalo, and since mukhang hindi ko kakayaning dalhin ang lahat ng mga yun ay pumayag na din ako sa alok nilang pagtulong.

"Salamat sa tulong nyo ha!" Sabi ko sa kanila nung maisakay na nila sa Van yung lahat ng regalo.

"Wala yun. Pakamusta nalang din kami kay Stephen." Sabi naman ni Carlo.

Tumango lang ako at nginitian lang sila.

They bid their goodbyes at bumalik na sa loob ng school. Sumakay na din ako sa Van para makapunta na kami sa Station, may interview kasi ako ngayon.

I CHOOSE  TO LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon