10 : Secret Revealed

20 0 0
                                    

Chapter 10: SECRET REVEALED

Venus' POV

Maaga nanaman akong pumasok today, may usapan kasi kami ni Ivy na maguusap kami. Wala lang, friend bonding daw. Alam nyo bang ex pala ni Ivy si Nathan? Naging sila daw nung first year. Kaso naghiwalay daw sila nung lumipat siya sa London, nadistino daw kasi dun yung Daddy nya kaya kinailangan nyang lumipat. Pero hindi na daw big deal sa kanya si Nathan ngayon kasi may iba na daw syang mahal. Tinanong ko sya kung sino pero di na ko sinasagot. Malalaman ko din daw yun pagdating ng panahon. Mabait na tao si Ivy, at nararamdaman ko yun.

I saw Ivy seating on the bench. Nilapitan ko siya at umupo sa tabi nya.

"Hi there!" I said.

"Oh hi!" She plainly said.

"Nagbreakfast ka na? Ako hindi pa eh, wanna grab some?" I said.

"Oh sure! Tara libre kita!" She said. Tumayo na kami at naglakad.

"Venus, be honest to me, bat ka ba talaga umuwi dito sa Philippines?" Out of nowhere nyang tanong.

"H-ha? Wala ah! Wala namang matinding rason, it's just that I wanna study here." I explained. Does she know something?

"Ah ganun ba? Okay." She said.

"B-bakit?" Tanong ko, pero before pa sya makasagot may humarang samin.

"Hi Venus, halika sama ka samin. May ipapakita kami sayo." It was Bernard.

"I don't want." I insist.

"May ipapakita lang kami sayo." That was Carlo.

"Ivy, I think you need to go." Tumango lang si Ivy at umalis na sya. Feeling ko kasi natatakot sya kay Carlo.

"What's your problem?" Irita kong tanong, pero imbis na sagutin ako eh hinatak nya ko.

"A-aw! Carlo ano ba nasasaktan ako!" I said, nakarating kami sa likod ng Bussiness Building. Binitawan nya ko or hinagis nya ko rather.

"Anong ginagawa ko dito?! Ano bang kailngan mo sakin!? Bakit tayo nandito!!" Sa totoo lang kinakabahan ako. Walang nakakakita samin dito kaya walang magtatanggol sakin kung magkataon dahil alam kong may gagawin nanaman siya sakin.

Tinulak nya ko sa pader, tumama yung ulo ko dun sa bukas na bintana kaya nasugatan ako sa may pisngi, pero maliit lang naman yun.

Carlo move closer to me.

"Ano? Ang lakas lakas ng loob mong banggain ako pag nandun tayo sa school ground kasi alam mong may kakampi ka. Tignan natin, ngayon mo ilabas yang tapang mo." He said.

"Pabuya(Stupid)!!!!" Sigaw ko sa kanya pero tinawanan nya lang ako.

"Tss... yan lang ba kaya mong sabihin?! Grabe natatakot ako!" He said tapos nag-appear sila ni Bernard.

"Ang bakla bakla bakla mo talaga!" Alam kong pikon sya pag tinatawag ko syang bakla, sorry wala na talaga akong maisip eh. Kinakabahan kasi ako.

"At sinong tinatawag mong bakla?" Inis nyang tanong.

"Ikaw!! Kabaklaan na tong ginagawa mo! Pumapatol ka sa babae! Bakla ka! Bakla ka! Bakla ka!" I shout to his face.

"Aba talagang..." Napapikit ako at hinihntay kong may lumapat na kamay sa mukha ko. Pero wala, dahan dahan kong iminulat ang mata ko.

"Hero?" "Kyle?" Sabay naming sabi ni Carlo.

I was shock when I saw Hero. Bakit sya nandito?

"K-kyle, pare, anong ginagawa mo dito?" Halatang kinakabahan si Carlo.

I CHOOSE  TO LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon