"Bakit ka umaatungal diyan?" ngisi ni Xavier nang makalabas ako ng kuwarto. Sinamaan ko tuloy siya ng tingin. Itong taong 'to hindi na ako tinantanang asarin.
"Hindi porket maganda ang boses mo, Xav, lalait-laitin mo na'ko. Wala kang puso!" tinalikuran ko siya at naglakad na ako pababa ng hagdan. Sumunod na rin naman si Xavier na tumatawa.
"At least, maganda ang boses at guwapo." Wow, ang hangin! Tumigil ako at exaggerated akong lumingon sa kanya at sinamaan ng tingin.
"What?" Tawa niya sabay taas ng dalawang kamay.
"Ang lamig na nga sa labas, magpapakahangin ka pa. Maawa ka, please lang."
"Okay. But admit it that I can make girls drool over me. It can be every man's dream." Ngisi niya nang inakbayan ako.
"That can be a dream come true... but Xavier, there's a big difference between dreams and pipe dreams." Binelatan ko siya.
"Nah. I don't have to dream for it because it's happening." Tawa niya. Ang hangin kaya sinaksak ko siya ng matatalim na tingin.
"Yabang!"
Nang nakapasok na kami sa kusina ay nakita kong naka-upo na si daddy at si mommy naman ay ibinababa na ang isang malaking bowl ng kernel corn at iba-iba pang mga pagkain doon. Ningitian ko sila.
"Hey, honey." ani daddy sa akin.
"Hi, dad." ngiti ko bago lumapit para halikan ang pingping niya; pagkatapos ay umupo ako.
"I heard about the great news. Congratulations!" Natawa ako habang kumukuha ng kernel corn.
"Thank you, dad. I'm sure, I will love this job."
"Allicia, kain na." tawag ni mommy.
"Yes, mom!" tuwang-tuwa na sagot ni Allicia habang sini-sway niya ang unicorn na nabihisan ng uniform niya na palda. Nakashorts lang siyang patalon-talon papunta sa kusina.
"Ninety nine monkeys jumping on the bed. One fell off and bumped his head!" umupo na rin.
Masarap ang kain namin nang may nagding-dong.
"I'll get it." Sabi ko sabay tayo at tumakbo na sa pinto para buksan iyon. Napangiti ako.
"Hey."
"Cam, you're here. Come in. You're right on time." Iginiya ko siya sa kusina kung saan kumakain ang pamilya ko. Nalaglag ang panga niya.
"Hi, Cameron!" Bati nila.
"Grab a bite?" Ani Xav.
"Oh, I'm not staying long. I mean, I'm going back to California."
Natigilan kami sa sabi niya. Bakit naman agad? Eh wala pa siyang dalawang buwan dito.
"We thought..." hindi ko na naituloy at itinawa nalang.
"Stop joking, cousin. By the way, get ready for tonight. We're going to a concert in Downtown." Ani Xavier pero tumikhim si Cam.
"That's the reason why I'm here, Xavier, Aunt Grace, Uncle Ricky... Allyse, my flight's at 3."
"What?" Sabay naming tanong.
"Okay, not what. Cam, why? You supposed to spend two months here. Is there a problem?" Tanong ni mommy. Magsasalita na sana si Cameron pero itinikom siya ang kanyang bibig. Nagbuntong hininga siya bago ituloy ang kanyang sasabihin.
"There's no problem, Aunt Grace. It's just that, I needed to get home early."
At ganun nga ang nangyari. Inihatid namin siya sa airport. Ngayon ay kami lang nila Tito Jared, Xavier, si daddy, at ako ang sumama doon.
BINABASA MO ANG
Always and Forever (Allyse Sequel)
RomanceNagbago ang buhay ni Allyse nang malaman niya ang kanyang tunay na pagkatao. Her questions were answered at nagkaroon siya ng katahimikan. Only then she realized that there were things she needs to sacrifice - her former family and her only friend...