"Ma, Pa." umakyat ako sa kama nila at pumagitna sa kanilang dalawa. Naka-pjs ako at hawak-hawak ang teddy bear na natagpuan ko. Akala ko tatanungin nila ako tungkol sa teddy bear pero hindi.
"Kumuha ka pa ng teddy bear mo ha." tawa ni mama. Hindi ako sumagot. Ngumingiti lang ako at tinataas-baba ko ang kilay ko sa kanila. Nagkatinginan ang mag-asawa.
"What's up?" tanong ni mama.
"Niyakap ako ng CEO kanina." nakangisi akong nagsalita. Suminghap si mama at nanlaki ang mata ni papa.
"Kailan? Paano?" tanong ni mama.
"Kaninang umaga. She wanted to meet his brother's girlfriend and she invited us on her graduation party. Take note." itinaas ko ang index finger ko. "Us! Kaya pupunta tayong tatlo. Sa susunod na gabi po iyon." Ngisi ko.
"Ano? Wow! Pero ikaw nalang anak." tumango-tango si mama. Bigla akong bumusangot.
"Pa!" angal ko at tumingin sa kaniya, hihingi ng tulong na sana sasama silang dalawa. Tumawa si papa.
"Tama si mama mo. Ikaw nalang. Nahihiya kami at ikaw naman ang kinausap." aniya. Sinamaan ko sila ng tingin.
"Ano ba yan!? Gusto niya kayong makilala! Ano ba yan! Panira!" Nakanguso akong ngumuso at tumayo sa gilid ng kama nila.
"I'm sorry, Allyse. Nahihiya talaga kami. Isa pa, mas maganda kung yung talagang parents mo ang makilala niya." paliwanag ni papa.
"E kayo nga ang sinasabi eh!" nagkamot ang ng ulo. "O sige, papuntahin ko siya sa States!" sarkastiko akong nagsalita. "Good night!" singhal ko bago pumanhik sa pinto.
I tilted my head nang makalabas ako; wondering why they didn't restrain me from going to my boyfriend's sister's graduation party. Boto sila kay Allister, I can sense it, but they allowed me to go to the party. Have they changed their mind?
Kinabukasan ay sabay-sabay kami nila papa at mama na kumain ng breakfast sa restaurant sa baba. Katabi iyon ng malaking swimming pool. Nakita ko ring maraming naliligo. Siyempre dahil nagsimula na ang summer vacation.
Hindi ko nakita si Ate Mackie. Ani Francine ay nasa school daw siya ngayon at naghahanda na para sa graduation nila bukas. Mamayang hapon na ang dating nila Shane sa Manila. Iniisip na baka gabihin sila ng dating kaya siguro bukas ko nalang siya makikita.
Natulala ako sa iniisip ko. Pero nagkibit-balikat nalang ako na walang magagawa kung ganun nga. May bahid man ng panghihinayang ay masaya pa rin ako kasi andito ako sa hotel ng mga del Valle. At saan ka pa, niyakap ako ng CEO!
"Ano ningingiti-ngiti mo diyan?" nakakunot ang noo ni papa na nagtanong sa akin. Napalingon na rin si mama.
Andito kami ngayon sa mga upuan katabi lang ng swimming pool.
"Wala. Masaya lang ako kasi darating na si Shane mamayang hapon o baka bukas." nagkibit-balikat nanaman ako sabay inom ng orange juice.
Tumango-tango naman sila papa. Pinakiramdaman ko sila pero wala silang angal kapag pinag-uusapan namin si Shane. Napansin ko pang hindi sila bumubukas ng topiko tungkol kay Allister. Naninibago ako.
Naging busy ako sa pagpipicture sa swimming pool area at kahit na rin sa pagseselfie namin nila papa at mama. Nagpasuyo rin ako kay mama na kunan ako ng picture sa kung saan-saan at ganun din sila.
Pagkatapos ay pumili ako ng mga magagandang shots at in-upload sa Facebook at inilagay ang ang location namin: del Valle Hotel, Laoag City, Ilocos Norte at naglagay ng caption:
It's more fun in Ilocos Norte!
"Ma, ligo tayo! Magpapalit lang ako." hindi ko na siya hinintay na sumagot at umalis na.
BINABASA MO ANG
Always and Forever (Allyse Sequel)
RomanceNagbago ang buhay ni Allyse nang malaman niya ang kanyang tunay na pagkatao. Her questions were answered at nagkaroon siya ng katahimikan. Only then she realized that there were things she needs to sacrifice - her former family and her only friend...