KABANATA 33 - It's Too Late

219 14 31
                                    

Antok na antok pa sila mama at papa nang makabalik kami sa bahay kaya nagpasya silang matulog muna. Ako naman ay hindi na makatulog dahil sa nangyari kaninang umaga.

Nidial ko ang number ni Shane pero hindi pa niya sinasagot iyon. Kaya nicheck ko ang account niya sa Facebook. Wala siyang posts pero may mga naitag na videos at pictures.

Mga pictures nilang mga magpipinsan. Ang dami nila, grabe! Sabagay mga del Valle at Mondragon ang mga ito. Mga group picture ang karamihan pero parang si Shane lang ang nakikita ko sa bawat picture.

Hanggang ngayon ay nanghihinayang at mabigat ang loob ko dahil hindi ako nakapunta sa party ng ate niya. Nahihiya na nga rin ako dahil hindi na ako sumipot.

Tinawagan ko ulit siya pero walang sagot. Nagmessage na rin ako pero wala ring reply. Naisip ko nalang na baka puyat sa party kaya hinayaan ko lang. Pero bakit wala man lang siyang message kahit isa?

Para malibang ang sarili ay naghanap ako ng puwedeng lutuin na pananghalian. Marami... maraming de lata at mga processed food. Masama naman sa katawan kung palaging ganun ang kinakain namin. Ubos na rin pala ang mga gulay na puwedeng lutuin dahil nga sa pagbabakasyon namin sa Ilocos.

"Magluluto ako ng chapseuy!" sabi ko sa sarili ko.

Kaya naligo muna ako at nagbihis ng panglabas. Sa mall nalang ako kukuha ng mga ingredients, at least, doon malamig.

Pumara ako ng tricycle at tumungo na sa mall.

Pagpasok ko ay parang may event dahil madaming tao tapos may stage pa na naset sa gitna, malalaking speakers, at may mga staff ng kung ano ang nandoon. Hinayaan ko nalang. Hindi ko na pinansin; pumasok nalang ako sa supermarket at bumili ng mga sangkap ng chapseuy.

Naiinis ako kasi kahit sa loob ng supermarket naririnig ko ang ingay doon sa may event.

Nang nabili ko na ang mga kailangan ko ay hindi ko napigilang makialam doon. Marami nang tao talaga at nag-effort pa akong makipagsiksikan hanggang sa makarating sa may barricade sa harap. May isang babae sa stage na may ID na nakakuwentas sa kanya.

"Okay! Simmer down!" tawa niya at kahit papaano ay medyo nanahimik ang mga tao. "Thank you. Ang susunod naman ngayon ay isang contest!"

Napapikit ako nang mariin nang umingay nanaman. Ano ba yan! Ano bang ginagawa ko dito?

"Sshh! I said, simmer down kung gusto niyong matuloy ito. Sayang, kukuha pa naman ako ng apat na contestants sa audience." Kaya tuluyang nanahimik ang mga tao.

"Okay, thank you ulit. May singing contest ngayon. Ang mga gustong sumali ay magpalista lang sa tabi ng stage at yung makukuha ay kakanta dito sa harapan. Then... sa mga maibibigay sa inyong plastic na petal ng rose..." biglang may kumalabit sa akin at nagbigay ng isang petal ng rose. Kinuha ko naman iyon. "ibibigay niyo yan sa contestant na boto ninyo pagkatapos kumanta ang huling performer. Alright? May mga box dito sa harapan, box 1, 2, 3, and 4."

"Lame." bulong ko sa sarili ko. Maybe because masyadong akong carefree diyan. Manonood nalang ako.

"Yung mananalo, magkakaroon ng chance na kantahan ang kanyang special someone." humiyaw nanaman ang audience. "And... and... will have a chance to sing and record a song with Jack V!" lalong umingay ang paligid.

Jack V? Pfft. Hindi naman magaling kumanta yung singer na iyon! Marunong lang dumaing naging singer na? Lame! Kahit siya ang pinakasikat na singer dito sa Pilipinas at sa dahil sa hot siya, lame parin. Di nalang sana nagmodel iyon kaysa sa pagkanta.

"At mananalo ng 20 thousand pesos!" cheer niya.

20K? Kalkalin niyo nalang ang bank account ko. A dozen times of dozens of 20 thousand ang makukuha niyo doon baka higit pa nga eh.

Always and Forever (Allyse Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon