KABANATA 32 - Nakilala Din Kita

239 13 67
                                    

Sabi ni Ate Mackie naka-formal attire ang mga dadalo. Umoo ako kahit alam kong wala akong ganung damit na dala.

Bahala na akong mamroblema. Sinamahan ako nila mama at papa na tumingin ng simpleng formal dress sa na-suggest ni Francine na boutique. Itinuro na rin niya sa akin ang pupuntahan doon sa mapa.

Mabilis kaming nakapunta sa boutique. Nang nakapili ako ng isang royal blue na formal dress ay binili ko na rin iyon. Pagkatapos ay naghanap kami ng magandang iregalo kay Ate Mackie sa mga iba't-ibang malls.

"Naku, namamahala iyon ng hotel, Allyse, dapat elegante ang ireregalo mo. Nakakahiya naman kung yung mga simple lang." tinatapik-tapik pa niya ang balikat ko. Nasa isang mall ulit kami.

"Okay lang ma. Hindi naman siguro mapili si Ate Mackie." Pero sa totoo lang, hindi ko alam ang ibibigay ko. 

Teka, sabi ni Shane sa akin noon, mahilig sila sa music at may banda pa silang magkakapatid, at may channel din si Ate Mackie sa YouTube.

"Anong ibibigay mo, anak?" tanong ni papa. Kinagat ko ang labi ko habang nag-iisip.

Namataan ko sa malayo ang Fretless Music. Jackpot! Ito ang isa sa mga tanyag na bilihan ng mga musical intstruments at may lessons din silang ino-offer. Tinuro ko ang shop na iyon.

"Iyon, ma, pa! Tayo na!" binilisan ko ang paglakad at sumunod din sila sa akin.

Ngingiti-ngiti pa akong pumasok dahil hindi makapaniwalang may branch sila dito. Dumeretso ako sa mga gitara. Dahil sa acoustic guitar, organs, at mga violins lang ang talagang familiar sa akin, doon ako pumili ng ireregalo ko.

Acoustic guitar ang nakursonadahan ko kaya iyon ang dinampot ko.

"Wow." iyon lang ang komento nila papa at mama.

Pagkatapos namin mamili ng regalo ay naglakad-lakad pa muna kami at binilihan sila mama ng kung anu-ano bago kami nagpasyang bumalik sa hotel.

►►►

Alas tres na at magsisimula na akong maghanda. Ayon kay Shane 6:30 daw magsisimula ang party. Naligo na ako at nagrobe pa muna bago ayusan ng sarili.

Sila mama at papa, sila na ang pumasyal sa mga lugar malapit lang dito sa Laoag, tulad sa Fort Ilocandia. Kakainggit nga eh!

Habang naglalagay ako ng foundation sa mukha ko ay nagring ang phone ko. Unknown number siya. Nagkibit-balikat lang ako at sinagot iyon.

"Hello." bati ko.

"Hi. Good afternoon. Si Allyse ba ito?" tanong niya. Boses lalaki pero hindi ko kilala iyon.

"Uhm. Opo. Bakit?" pinagpatuloy ko ang paga-apply ng foundation.

"Ah, okay. Si Nate ito. Look-"

"Excuse me, sinong Nate?" tanong ko at natigil sa ginagawa.

"Di mo ako kilala?" I rolled my eyes. Hindi ba halata? "Jonathan? Kuya ni Allister, Allyse." I let out a small laugh.

"I'm sorry, kuya. Walang pinapakilala si Allister na Jonathan sa akin." tawa ko.

"Because you never gave him a chance to let himself known to you."

What? Wow ha. Parang sampal iyon sa mukha ko ha! Huminga ako nang malalim.

"Anong kailangan mo?" pormal kong tanong. Now, I'm pissed!

"You should get back here tonight para sa fitting ng mga dresses at suits para sa kasal."

"Tonight? What the heck? I just got here! At isa pa, bakit ako kailangan sa fitting? Ha?" singhal ko.

Always and Forever (Allyse Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon