Mabilis kong ibinaba ang tawag. What the freak was that? Inipon ko ang lakas kong huwag umiyak pero hindi ko napigilang ilabas ang sakit! Nanginginig kahit ang paghinga ko dahil sa paninikip ng dibdib ko.
Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko ngunit sa dami na ay kahit comforter ko ay pinagpunasan ko na. Ininom ko ang natitirang pulp juice, ibinalik ko sa fridge ang hindi ko nakain na grapes.
I have to stay strong! I shouldn't be wailing over something that's lost in a point of fact that I don't own it. Kailan ba ako magsasawang uulit-ulitin sa sarili ko iyan!? Let it go, Allyse! Stop dreaming of what's impossible!
Masukal akong huminga ng malalim. Nagbihis ako ng panlabas. Kinuha ko ang skating shoes ko at lumabas ng kuwarto. Nakita ako ni Xavier na nasa salas lang; nanonood ng football.
"Where are you going?" tanong niya habang sinusuri ako.
"To a friend." sabi ko na hindi man lang siya tinitignan.
"Be careful out there, okay?" aniya. Tumango ako.
Dumeretso ako sa labas ng bahay at doon na nagsuot ng skating shoes. Pagkatapos ay nag-skate na ako papunta sa kalsada. Mukhang late dumating ang winter kasi wala pang ulan.
Kahit alam kong mapapagod ako, pipilitin kong pumunta sa mga iba't ibang shops sa Burien para lang maiwala ko ang hinanakit ko. Pero mamaya ko na gawin iyon pag-uwi ko.
Ang malamig na ihip ng hangin na dinadala ng nalalapit na winter season ay malayang sinasalubong ng mukha ko; sapat na papulahin niya ang pingping ko.
Halos isang oras akong nag-skate papunta sa Three Tree Point Beach. Nang makarating ako doon ay bigla akong pinagpawisan na siyang nagpalamig sa buong katawan ko. Pero ayos lang naman sa akin dahil sa pagod ay nailabas ko ang ilan sa mga galit at inis ko.
Malamig sa dagat. Nasa kalsada palang ako nang tumigil ako para pagmasdan ang mga alon na masayang salubungin ang dalampasigan. Hindi ko na inabalang tanggalin ang skating shoes ko. Bumaba ako sa hagdan na papunta sa buhangin. Bumaon sa buhangin ang skating shoes ko. Umupo ako. Wala nang ibang makikita doon kundi ang mga ibon na lumilipad at mga barko na dumadaan.
Hindi ko maalis sa isip ko ang nanunuksong boses ng sumagot sa tawag. Sarkastiko akong tumawa sa sarili. Kung siya man talaga iyon, wala na akong magagawa. Siguro nga noong sinabi niya iyon may nangyari na sa kanila. Buisit! Bakit ang sakit isiping may nangyari sa kanila?
Paulit-ulit na nageecho iyon sa utak ko.
Hello? Oh, Allister, I found your pants over here, baby. I found your pants over here, baby. I found your pants over here, baby.
That pants and baby!
Tinanggal ko rin ang skating shoes ko. Tumayo ako at nagpulot ng flat na bato.
Allyse, stop caring! Please, have mercy to yourself! He doesn't deserve you. You don't deserve him!
Buong lakas kong ibinato ang hawak ako at nagbounce sa ibabaw ng tubig ng apat na beses.
Nagtagal pa ako doon kahit alam kong panaghalian na. Pero hindi ako umuwi kaya nilipasan na ako ng gutom. Wala rin naman akong mood kumain.
I'm so pathetic. I used to be a strong lady and no one can hurt me like Allister did. Noon, wala akong pakialam kung wala akong kaibigan. Sapat na sila mama at papa na kaibigan ko. Why did I become so vulnerable so suddenly? Hindi ako makapaniwalang si Allister ang kahinaan ko.
►►►
Nilalantakan ko ang inorder kong pagkain sa isang restaurant dito sa malapit din sa dagat. Ginutom akong tumambay kanina kaya naisipan kong kumain na.
BINABASA MO ANG
Always and Forever (Allyse Sequel)
RomanceNagbago ang buhay ni Allyse nang malaman niya ang kanyang tunay na pagkatao. Her questions were answered at nagkaroon siya ng katahimikan. Only then she realized that there were things she needs to sacrifice - her former family and her only friend...