KABANATA 23 - In The Car

229 15 25
                                    

Pinasadahan ko ng tingin ang paligid ko bago humikab. Patay na ang mga ilaw sa mga ibang parte ng office namin. Sa banda ko nalang ang maliwanag. Tinignan ko ang natulugan kong trabaho at napakamot nalang ng ulo. Ang hapdi ng mata ko.

Kumunot ang noo ko nang may narinig akong munting urok. Nag-inat pa muna ako bago dahan-dahang tumayo para hanapin yung taong umuurok. When I peeked over the cubicle in front of me, nakita ko si Ciara na tulog at may hawak pang lapis. Nag-over time din pala itong isang ito.

Umupo ako at tumunganga sa ginagawa ko. Napatingin ako sa tabi ng monitor ko. Isang styrofoam iyon at may dinaganan na note doon. Ayoko mang gumalaw pero kinuha ko ang note at binasa.

Eat well. Huwag masyadong magpagod. :)

-S.d.V.

Umangat ang gilid ng labi ko at napatingin sa styrofoam. Kinuha ko iyon at binuksan. Hay! Ang matagal ko nang hindi nakakain. Rice, adobong manok, at may gulay. Ano kaya ito? May talong, ampalaya, okra, sitaw, sigarilyas, at may sahog na karne. Siguro lutong Ilokano ito. Pinagluto kaya ako ni Shane?

Tinignan ko ang oras at nagtanggal nalang ng muta. It's already 1:30 am. Ginalaw ko ang mouse ng computer ko at nakitang may email si Mr. Bradford sa akin. Binuksan ko iyon at binasa.

Allyse, your boyfriend gave you your dinner. I put it on your table. Eat up and go home early. It'll be a bad weather after midnight.

Unang pumasok sa isip ko ang cellphone ko kaya ko tinignan iyon. May nakita akong ilang mga missed calls mula kila Shane, mommy, at daddy. May ilang messages din mula sa kanila at tinatanong kung asaan ako.

Agad kong tinagawan si daddy...

"Dad!"

"Ano ba naman, Allyse!" galit na sagot ni daddy.

"Dad, I'm sorry. Nag-over time ako at nakatulog. Ngayon palang ako nagising." Biglang may sumilip sa kabilang cubicle. Ngumiti ako kay Ciara at kumaway siya.

"Bakit di mo sinabing mag-oovertime ka anak? Alam mo bang may bagyo?" tanong ni daddy. Tumayo ako para tignan ang situwasyon sa labas. Puno ng snow ang kalsada at natatabunan na rin ng snow ang mga nakapark na sasakyan sa labas.

"Hindi po, dad. Don't worry, I'm okay. Uuwi nalang ako mamayang umaga." sabi ko at bumalik sa upuan ko.

Pagkatapos ng tawag kong iyon kay daddy ay sinunod kong tawagan si Shane. Pero nagriring lang. Dinoble kong nidial ang line niya pero nagriring parin. Kaya naisip ko baka tulog na iyon. Nag-iwan nalang ako ng message sa kanya at nagpasalamat sa pagkain. Sinimulan ko nang lantakan ang pagkain ko.

"Ciara?" tawag ko pero walang sumagot. Kaya sinilip ko siya at yun, tulog nanaman. Nagkibit-balikat nalang ako at kumain.

∞∞∞

Naging masaya ang pagsasama namin ni Shane. May mga tampuhan din pero hindi rin nagtatagal. Ipinagkatiwala na nga ako nila mommy at daddy sa kaniya. They even told us to live in one roof pero dahil sa laking Pinas kami at hindi ganun ang nakasanayan namin ay hindi kami pumayag.

"Bakit? May mga Pilipino rin naman na naglilive in, right?" tanong ni mommy. Pero umiling ako.

"No, mom. Hindi naman sa takot kami but, mas disenteng tignan kung magsasama lang kami kapag kasal na kami."

Nirespeto nila mommy at daddy ang desisyon namin.

∞∞∞

Patuloy parin na nagfrefriend request si Allister sa akin pero hindi ko parin inaaccept. Alam ko rin naman ang nangyayari sa kanya dahil nakikita ko sa Facebook ni mama. Madalas silang nagsasama.

Always and Forever (Allyse Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon