Pagkatapos naming kumain ay ipinuwesto ni papa ang mga gamit ko sa kuwarto ko. Ako na ang nagpumilit kay mama na ako ang maghuhugas ng pinagkainan pero pinagalitan pa ako.
"Magpahinga ka nalang, Allyse. Alam ko, hindi pa sanay ang katawan mo sa oras dito." Nang sinabi niya iyon ay humikab ako. Tama. Itutulog ko nalang muna.
Nakatulog ako at nagising nalang ng bandang alas kuwatro ng hapon. Hindi mahaba ang tulog ko pero kaya ito. I need to adjust.
Lumabas ako ng kuwarto at nakita ko sila mama at papa na nagtatawanan habang nagtitimpla ng Swiss Miss. Tahimik akong bumalik sa kuwarto ko para magpalit ng pambahay at kinuha ang phone ko.
Bumalik ako para makita silang umiinom na. Malihim ko silang kinunan ng picture. Pagkatapos ay nagpakita na ako sa kanila.
"Hi, anak. Ito o, pinagtimpla ka ni papa mo." sabay lahad sa akin ang isang mug ng hot chocolate. Ngumiti ako at itinaas ang index finger ko.
"Teka." Bumalik ako sa kuwarto para halungkatin ang marshmallow sa backpack ko.
"Mas masarap kung may marshmallows." ngiti ko at nilagyan ang kani-kanilang mugs at sa mug ko.
"Hmm. Thank you." tawa ni mama.
"Ahy. Ma, pa, pinapakumustahan kayo nila mommy at daddy."
"Pakisabi, kumusta rin sila." tawa ni papa.
"Selfie nga tayo!" masigla kong sabi.
Pumuwesto kaming tatlo at pinagitnaan nila ako bago ko kami kinunan ng picture.
"Perfect!" sabi ko.
Ieedit ko na sana nang may tumatawag ulit sa messenger ko. Tumawa ako.
"Lagot." sabi ko. It was Jessa. Hindi kasi ako nagpaalam. Sinagot ko iyon.
"Hello?" maingat kong bati pero walang sumagod ako.
"J-jessa?" sabi ko.
"I hate you." panimula niya kaya ako humalakhak.
"It's not funny, Wilson." seryoso niyang sabi. Pero hindi ko mapigilang ngumiti.
"Look, Jess. I'm sorry. I'm so sorry I didn't tell you about this." Nakita kong pinagmamasdan ako nila papa at mama. Ngumiti lang naman ako.
"I should've come with you, you selfish..." hindi niya maituloy. Ang lawak ng ngiti ko.
"Selfish what?" tanong ko bago uminom ng hot chocolate na may marshmallows. Iish! Biglang pumasok sa isip ko ang mga labi ni Shane!
"Ugh! Whatever! How long will you be there?" malungkot niyang tanong.
"Three months, Jessa." I heard her grunt.
"What?" tawa ko.
"I'm going to hang you up-side-down when you get back here!"
"If you dare! Look, three months is a short period of time. Okay? I'll be back on June and I promise I will buy you stuff." sabi ko.
"You promised-"
"I promised. A'ryt?" tanong ko.
"Alright! You're dead, Allyse!" she wickedly laughed. "Okay, I gotta go. I will meet with Crista today and I think she wants everything between us back."
"What do you mean?"
"She wants everything okay again. I'm kinda excited though."
"Well, should we celebrate?" tawa ko.
"Sure! Later!"
Nang ibinaba ko ang phone ay huminga ako nang malalim at tumawa.
"Sorry. Best friends problem." kinagat ko ang labi ko.
BINABASA MO ANG
Always and Forever (Allyse Sequel)
RomantikNagbago ang buhay ni Allyse nang malaman niya ang kanyang tunay na pagkatao. Her questions were answered at nagkaroon siya ng katahimikan. Only then she realized that there were things she needs to sacrifice - her former family and her only friend...