"I'm sorry." Marahan ko siyang tinulak palayo. "I'm sorry." Yumuko ako at napatingin sa kanyang mga kamay na nakapatong sa mga binti ko.
I shouldn't be doing this. Napatagal ako sa paghalik sa kanya at hindi dapat dahil mag-aasawa na siya.
Hinawakan niya ang baba ko at umangat ang tingin ko sa kanya. Malikot ang mata niya at parang may gustong sabihin pero walang lumabas sa kanya na salita.
"Sorry. I-I just want to thank you for saving my parents. Allister... s-salamat. Hindi ko alam kung paano ako makakab-"
Idinampi niya ang kanyang hinlalaki sa bibig ko kaya ako napatigil sa pagsasalita.
"That kiss is enough, Allyse. I couldn't ask for anything else. I couldn't ask for more." Namumula ang kanyang mata.
Masakit pa ring isipin na kahit magiging magkalaban ang magkasintahan ay wala pa ring hadlang sa kanilang magpakasal. He couldn't ask for more, yes, because the wedding is just weeks away.
Oh, come on, Allyse. Who are you kidding? Siyempre, matutuloy dahil nakahanda na ang lahat. There's no going back.
Pero magsasampa ako ng kaso bago ang kasal. Isipin man ni Michelle na gagawin ko iyon para makuha ko si Allister, nagkakamali siya. Tinatanggap ko nang mawawala si Allister sa buhay ko kahit na masakit dahil may pinagsamahan kami. Magsasampa ako bago ang kasal dahil gusto kong mabigyan agad ng hustisya si mama. Mabilis ang pagkawala ni mama; ganyan sila maglaro, puwes pangmabilisan din ang gagawin kong pambubulabog sa kanila. At ang pagsang-ayon ni Allister sa akin ay isa na nilang problema iyon.
•°•°•°•
May kumatok sa pinto at bumukas iyon. Nagulat yung nurse sa posisyon namin ni Allister tapos matamis ang ngiti sa amin.
Agad namang umatras si Allister at lumapit sa tabi ng upuan.
"Endorsement lang po, Miss Allyse." Aniya at may nakita akong dalawa pang nurse sa likuran niya. Tumango ako at nagtungo sila sa dextrose na nakaturok sa aking kamay.
Nagpakilala na rin ang dalawang nurse na kasama niya. Halos ngumiti ako nang mapansing tingin nang tingin sila kay Allister.
"Kaano-ano niyo po si sir, ma'am?" Tanong ng mas maliit na nurse.
"Uhm, kai-"
"Boyfriend niya ako." Casual na ngiti ni Allister.
"Aah, okay po." Tumango-tango yung dalawang nurse.
Ano kaya kung doblehin ko yung suntok ko sa mukha nitong si Allister? Kung anu-ano ang sinasabi!
Nang matapos sila ay lumabas na yung dalawang nurse pero nanatili pa ang isa sa kanilang tatlo.
"Ma'am, dadalhin na po si Mrs. Medrano sa isang funeral home. Isang bag pa po ang uubusin mong dextrose pagkatapos ay kung kaya na po ng katawan niyo irerelease na po namin kayo."
"Miss, pakirequest sa funeral home na cremation ang gawin nila kay mama, pakisuyo." Sabi ko.
Tumango agad ang nurse at makakarating daw.
"Ibibigay ko po mamaya ang mga details tungkol doon." Tumango ako bago siya umalis.
Gusto kong maayos ang pagkakatago kay mama. Kailangan ko ring ibalita ito sa mga kapatid at magulang niya.
Pinanood ko si Allister na naglakad papunta sa side table. Binuksan niya ang drawer, inilabas niya doon ang sling bag ko. Inabot niya sa akin iyon.
"Thanks." Kinuha ko iyon at tinignan lang. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwalang nasunugan kami ng bahay. Buti nalang nandito sa sling bag ko ang bubuhay pa sa akin at makaka-uwi pa ako sa States.
BINABASA MO ANG
Always and Forever (Allyse Sequel)
RomanceNagbago ang buhay ni Allyse nang malaman niya ang kanyang tunay na pagkatao. Her questions were answered at nagkaroon siya ng katahimikan. Only then she realized that there were things she needs to sacrifice - her former family and her only friend...