KABANATA 39 - It's All Coming Together

187 14 32
                                    

Milyong boltahe ang naramdaman ko nang bigla akong siniil ng halik ni Allister. Ang kamay niya ay dumausdos sa likod ko at unti-unting inaangat ang blouse ko.

"Al..." tawag ko sa kanyang sa kalagitnaan ng halik pero lalo lang niyang idiniin ang katawan niya sa akin. Napapikit ako dahil sa pakiramdam kong sabik.

Naalarma lang ako nang naramdaman ko ang pagluwag ng aking bra kaya mabilis kong tinulak si Allister at isiniksik ko ang sarili sa headboard.  Nakita ko ang gulat na ekspresyon ni Allister sa pag-udlot ko sa sandaling iyon. Uminit ang pisngi ko nang makitang wala na pala akong pang-itaas kundi ang bra ko lang na malapit na ring matanggal. Napamura ako sa isipan ko. Kinuha ko ang isang unan at hinarangan ang katawan ko sa mata ni Allister kahit alam kong sa mata ko siya nakatingin. Pinagdikit ko na rin ang mga binti ko.

"We shouldn't be doing this..." iling ko. Umawang ang bibig niya at umiwas ng tingin. Ginulo pa niya lalo ang magulo niyang buhok.

Umayos siya ng upo kaya nakaside view siya. Parang pinipiga ang puso ko nang agad na pumasok sa isip ko ang mga posts nila ni Michelle noon na silang dalawa lang. I can't still forget the day I called Allister but  it was Michelle who answered it; the day I called Allister and I heard him stuttering and I heard a moan. I admit it that those kinds of intimate moments are just for them only and not sharing them with me.

Inisip ko rin na ito na ang chance ko para masaktan din nang husto si Michelle pero who am I kidding? I'm a freaking virgin! At sino ang talo? Ako. Tapos ang malamang kay Allister ko isusuko ang lahat, siya na ikakasal, hindi! At bahala na ang korte na hahatul sa kanya.

"Not because we're allies, doesn't mean you are not getting married to Michelle, Allister. Itutuloy mo yan. Tapusin mo kung ano ang sinimulan mo. Hindi puwede ito." wika ko. Kinuyom niya ang kanyang panga atsaka yumuko.

"I'm sorry." ngumiwi siya. "I should go." bulong niya at tumayo na. Kinuya niya ang pera bago lumabas.

May tumulong luha sa mata ko. Bakit parang nanghihinayang akong itinigil iyon? Come on, Allyse. Be reasonable! Ayokong matawag na kabit! Napahawak ako sa bibig ko at pakiramdam ko magkadikit parin ang mga labi namin.

Nilock ko ulit ang bra ko at isinuot ulit ang kusot kong damit. Gosh! Muntik na iyon. Narinig kong nagvibrate ang phone ko kaya ko tinignan iyon. Nakita kong tumatawag sila mommy.

"Hi, mom." bati ko.

"Allyse? How are you? Nabalitaan namin ang nangyari! Are you okay?" nag-aalalang tanong ni mommy. Magsasalita na sana ako nang may marinig akong munting boses ng isang bata. Agad na may bumara sa lalamunan ko.

"Hi, Allicia." nanginig ang boses ko.

"Ate Allyse, I'm staying strong for you! Please, do the same." masigla niyang sabi. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi nila marinig ang hagulgol ko.

"I love and miss you so much, ate. I miss your hugs and kisses." para siyang kumakanta dahil may kompas pa ang pagkakasabi niya. Suminglot ako.

"Allicia..." nanginig ang boses ko. "You're the sweetest thing on earth I keep on longing for. I love and miss you more, baby." iyak ko.

"Wait... I'm going to the bathroom and bring you a tissue. You're ugly when you cry!" narinig ko ang tawa ni mommy kaya kahit ako ay natawa rin. Pinunasan ko ang luha ko.

"Anak? Alam ba nila Shane iyan?" tanong ni mommy. Tumikhim ako at huminga nang malalim.

"Mom, the-they don't know anything. Please, don't tell him." Tumayo ako at nagpunta sa bathroom. Hindi ko alam kung bakit ako nagpunta dito kaya lumabas din agad.

"Bakit? Dapat alam niya, anak... Wait... Are you in-"

"Nagsampa nga pala ako ng kaso laban sa may kinalaman sa pagkamatay ni mama." putol ko. Hoping that she would bite the changing of the topic. Bumalik ako sa kama para mahiga.

Always and Forever (Allyse Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon