KABANATA 19 - Space Needle

265 16 46
                                    

Tulog pa ang mga kasama ko sa bahay nang umalis ako. Nag-iwan nalang ako ng note sa mesa sa kusina na makikipagkita ako sa mga kaibigan ko.

Buti nalang walang ulan ngayon. Pero ang black kong boots ay nababasa parin dahil sa mga naipong tubig sa pathway ng bahay namin na papunta sa kalsada. Hinintay ko si Shane doon habang niyayakap ang sarili. Medyo makapal ang jacket at nakahood ako. Nakalugay ang medyo kulot kong buhok. Hindi ko rin nakalimutang maglip gloss at baka magkachopped lips nanaman ako ngayong bumaba pa nang husto ang temperatura.

Nagsimula nang lumamig na kahit sa bawat paghinga ko ay may fog na ring lumalabas sa hininga ko. Eksaktong 6:30 nang dumating si Shane.

"Good morning, sunshine! You really look pretty." aniya nang ibinaba niya ang bintana niya.

"Umagang-umaga, huwag kang bolero!" irap ko sa kanya kahit na naghuhuramentado na ako sa sinabi niya. Pumasok ako sa sasakyan.

Kinuwento ko kay Shane kagabi ang mga nangyari kahapon. He told me that I should tell my problem in the morning but I can't help myself to let those problems slip off my hands. And I'm very thankful for letting me. I badly needed someone to carry it for me. I needed a shock absorber. It was too much to take in.

"How are you feeling?" sumulyap siya sa akin sabay palit sa gear ng sasakyan.

"I'm better. Salamat talaga ha?" ngiti ko. Ngumiti siya at inilagay sa tresera ang sasakyan pagkatapos ay hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko. Ipinatong niya iyon sa shift knob pagkatapos ay tinakpan iyon ng kamay niya.

"You'll be alright, Lyse, habang nandito ako."

Napakagat ako sa labi ko dahil sa koryenteng dala ng init ng kamay ni Shane na nasa kamay ko. Sumulyap siya sa akin kaya binitawan ko ang bibig ko at agad na ngumiti sa kanya.

►►►

"Hindi ba puwedeng sumama sa taas? Bako kung anong gawin ni Dave sa'yo o baka naman ni Maven?" tanong niya.

"No, okay lang. Hindi naman ako sasabak sa giyera noh." ngiti ko. Imbes na suklian niya ng ngiti ay matama pa niya akong tinignan.

"Just call me kung may kailangan ka." aniya at tinanguan ko bago ako lumabas ng sasakyan.

Pagkalabas ko ay inayos ko ang aking damit at huminga nang malalim.

"Good morning, Miss Wilson." bati ng receptionist na nakaduty pagkapasok ko ng building.

"Good morning. I'm here to see Mr. Bradford."

"Sure, Miss Wilson. Kindly wait for a moment." Aniya habang kinokontak si boss.

Nang sinabi niyang na-inform na niya si Dave ay dumeretso ako sa elevator at pinindot ang pinakamataas na floor.

Ingungudngod ko ang demonitang iyon dahil sa ginawa niya sa kapatid ko. Hindi ako papayag na hindi man lang madungisan ang reputasyon ni Maven. Yung hitad na iyon! Huwag niya lang akong kukumbinsihing ihulog siya sa building at isasama ko pa si Dave!

Nang tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang palapag ako ay dumeretso ako sa double door ng office ni Dave. Binuksan ko kaagad iyon. Bumulaga sa akin ang maliit na baywang ni Maven na nakacorporate attire na black. Parang coloring book ang mukha dahil ang kapal ng make up.

Bigla akong napalunok. Okay, biro ko lang yung mga iniisip ko kaninang ihuhulog sila sa building.

"Allyse." acknowledging my presence. Ngumiti ako at nilagpasan lang siya.

"Dave!" Nag-echo ang boses ko sa loob ng office.

"Oh, Allyse, why are you here?" hawak hawak niya ang kanyang phone habang nakatayo sa likod ng swivel chair.

Always and Forever (Allyse Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon