Binalot niya ako ng yakap na nasa likuran ko siya. Pinagsalikop niya ang aming mga kamay habang nakasandal ang mga siko ko sa barandilya. Kahit papaano, naglakbay ang init ng katawan ni Shane sa katawan ko kaya hindi ko na gaano naramdaman ang lamig.
"You like that, sugar lips?" bulong ni Shane sa tainga ko. Hindi ko mapigilang ngumiti at tumango ako. Hinalikan niya ang ulo ko at suminghap sa buhok ko.
"I'm so happy, baby." aniya. Bumungisngis ako sa tawag niya sa akin. It's just so corny in a sweet way. Okay, did it make any sense?
"What? Aren't you?" tanong niya.
"I am... babe." Humalakhak siya sa hindi tiyak na itawag sa kanya. Ako naman pilit na tinatago ang pamumula ng mukha. "This is just so fast. I didn't expect this. Hindi mo nga ako tinanong eh." tawa ko.
"Pero sinagot mo ako." aniya. "Now, I know that you feel something for me even before this day." kinagat ko ang labi ko. "Am I right?" tuloy niya.
"Y-yeah." Kulang nalang sumuka ako ng rainbow sa koryenteng nararamdaman ko.
"I knew it." halakhak niya sa tainga ko. My goodness! That was sexy!
Nanatili pa kami doon hanggang sa medyo dumilim ang langit at naramdaman ko na ang ambon. Napakibot ang bibig ko at napatingin kay Shane. Marahan siyang tumingin sa akin.
"I think we should go." malungkot niyang wika. Nabasa ko agad ang nasa isip niya kaya bumungisngis ako.
"I know that face." tawa ko. Bumusangot siya at mabilis na nagpermi ang kanyang kamay sa baywang ko.
"Tara. Lunch tayo." sabi niya. "Our first date, baby." tuloy niya at ngumisi ulit. Napakagat ako sa labi ko at ngumiti pabalik.
Sayang! Maasar ko na e!
《《《♡》》》
Magkahawak ang mga kamay naming pumasok sa The Georgian, a sumptuous restaurant in Downtown. Agad na may bumati sa amin sa entrance. May lumapit na isang waiter at iginiya kami sa isang bakanteng table. Nagpakilala ang waiter; may ibinigay siyang menu sa amin at naghihintay ng orders.
"We'll have Classic Olympic Caesar's Salad for the appetizer, please." ani Shane. Mabilis akong tumingin sa kanya. This meal shouldn't have to be expensive. Pero naalala kong first date pala namin. Kaya hindi na ako nagreklamo.
"Seared Scallops, Crisp Pork Belly." sabi ko naman para sa main course. "Oh, and Cherry Rose, please... and water." ngumiti ako sa waiter at tumingin kay Shane. Tumango naman siya.
Nang umalis na ang waiter ay nagkaroon kami ng panahon na mag-usap ng kung ano-ano hanggang sa nakarating kami sa kanyang naiwang kapatid sa Pilipinas.
"By March, uuwi kami ng Pilipinas para sa graduation ni Mackie." Kinuha niya ang kamay ako at pinaglalaruan ang mga daliri ko. Ngumuso ako habang ginagawa niya iyon.
"Good for you. Para makita mo na rin ang ate mo." ngumiti ako.
"I really want you to meet her, baby. At gusto kong ulitin ang pag-iintroduce ko sa'yo sa pamilya ko." sabi niya.
"You don't have to. Puwede mo namang sabihin nalang na tayo na."
Bago pa siya makasagot ay inilagay na ng waiter ang appetizer namin at nagsimula na kaming kumain.
"Letting them know that we were friends is one thing, Allyse. But letting them know that you are now my property is another thing." deretso niya akong tinignan bago sumubo. Ngumiti ako at itinuon ang pansin sa salad ko.
I never thought of Shane being dead-possessive! I have no problem with that.
Ipapakilala ko na rin si Shane sa pamilya ko kung ganon. I think it would be a protection for me kung sasabihin ko nang may boyfriend ako. At least, hindi na ako itutukso sa mga kung sino-sino lang diyan.
![](https://img.wattpad.com/cover/32143362-288-k562696.jpg)
BINABASA MO ANG
Always and Forever (Allyse Sequel)
RomansaNagbago ang buhay ni Allyse nang malaman niya ang kanyang tunay na pagkatao. Her questions were answered at nagkaroon siya ng katahimikan. Only then she realized that there were things she needs to sacrifice - her former family and her only friend...