Ngumiti si Xavier sa akin and with open arms he walked towards me. Naisip ko agad kung paano niya ako nahanap nito but then nahanapan nga niya ako sa dagat noon kahit di pa kami magkakilala, ngayon pa kaya.
Niyakap niya ako at tinapik-tapik ang likod ko nang malakas.
"A-aray!" Angal ko. Humalakhak siya.
"Ano na? Kumusta na, sister?" Tawa niya. Huminga ako nang malalim at lumayo nang konti.
"Ito... bibisita sana sa burol ni mama at bibisitahin si papa sa ospital..." naglakad ako papunta sa sofa sumunod din naman siya. "...tapos mamayang hapon maghaharap kami ng may kinalaman-"
"Whoa, whoa… Wait, wait... wait." Hindi na maipinta ang mukha niya dahil sa pagkakagulat sa balita ko. Obviously, hindi niya alam.
"Ano sinasabi mo? A-anong burol ni m-mama mo, papa mo nasa ospital, a-anong maghaharap ng may kinalaman?" Sunod sunod niyang tanong. Naiintindihan ko naman siya. Ikaw ba naman ang walang alam sa nangyayari at akala mo okay lang yung tao pero ang totoo, kung anu-anong problema ang pinagdadaanan niya.
Kaya para maliwanagan si Xavier ay nagpaliwanag ako. Hindi ko pa rin mapigilang umiyak habang kinukuwento ko sa kanya ang pagkamatay ni mama. Pero hindi ko maitatanggi na gumagaan ang pakiramdam ko ngayong may pinagsabihan ako ng problema ko sa kapamilya ko.
"Si Allister ba kamo ang naglabas sa kanila?" Tinaasan niya ako ng kilay habang nakakunot ang noo. Tumango ako.
"Kumusta na siya?" Tanong niya. Nagkibit-balikat ako.
"Ayos naman, so far. May mga konting gapos siya but he's doing fine." Muntik na nga kaming gumawa ng milagro kahapon e. Masyado siyang fine. Tumango siya at pinaglalaruan ang labi habang mag-iisip nang malalim.
"Kumusta na kayo?" Tipid niyang tanong habang tulala sa kawalan.
"O-okay lang. Ikakasal na rin pala sila-"
"I'm asking about you... the both of you." Matalim ang mata niyang lumingon sa akin pero bumalik din sa pagtitig niya sa kawalan.
"Hindi kami, Xav. We didn't happen." Bumalik ang tingin niya sa akin na parang tinatanong ng kanyang mga mata na 'ano?'.
"Hindi naging kayo?" Tanong niya na bahagyang namilog ang mata. Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa, nagtataka sa galaw niya.
"Hindi. Sabi ko nga na ikakasal na siya-"
"Kanino?"
"Michelle Carsola. Yung alam kong may salarin sa nangyari sa amin." Kumunot nang husto ang noo niya at nakitang kinuyom niya ang panga niya.
Ilang sandali pa kaming walang imik kaya nagpasya akong kunan siya ng bottled water na stock ko at ibinigay sa kanya. Tinanggap niya iyon at ininom agad. Umupo ulit ako sa tabi niya.
"Kailan ang paghaharap ninyo?"
"Mamayang hapon." Tumango tango siya.
"Tara, kain tayo sa labas. I bet you haven't eaten your breakfast yet." Hinigit niya ako sa pinto. Natigil ulit kami dahil nakita namin si Allister na nakataas ang kamay at parang kakatok sana pero mas naunang bumukas ang pinto.
Napatingin siya kay Xavier at lumipat sa akin at lumipat sa kapatid ko. Huli kong naalala ay galit si Xavier kay Allister kaya agad akong nagsalita.
"Uhm, Allister. My brother, Xavier. Xavier, si Allister." I was dumbstruck when I saw Xavier and Allister made a manhug na para bang ang tagal na nilang magkakilala.
"Ikaw pala, bro." Ngisi ni Allister. Humalakhak naman si Xavier.
Nagmukha akong tanga sa pagi-introduce sa dalawa. Awang ang bibig kong nanonood sa kanila. Nakakainis lang. Ang sarap pag-untogin!
BINABASA MO ANG
Always and Forever (Allyse Sequel)
RomanceNagbago ang buhay ni Allyse nang malaman niya ang kanyang tunay na pagkatao. Her questions were answered at nagkaroon siya ng katahimikan. Only then she realized that there were things she needs to sacrifice - her former family and her only friend...