"Opo, ma. Ako nagluto niyan. Kumain na po kayo. Mamaya na po ako."
"Matikman nga nang maibigan!" kumuha ng ulam si papa at inilagay sa kanyang pinggan. Tumawa si mama.
"Ang sabihin mo, mahal, tignan natin kung puwede na bang mag-asawa itong si Allyse!" bungisngis nilang dalawa.
Ngumisi lang ako at iginulong ang mga mata. Ooh! Nahilo ako doon ah!
"Hmm! Puwede na, mahal!" tinikman na pala ni papa. Ngumisi naman ng husto si mama. Nakapangalumbaba naman akong pinapanood sila. Tinaasan ko pa nga ng kilay si papa sa sinabi niya; kung anu-ano ang dinadada.
"Dream on, papa!" tumikhim ako. Naalala ko nanaman yung nangyari kanina. Huminga ako nang malalim. "Ayusin ko lang po yung mga gamit ko. Hindi pa ako nakapagdiskarga e." tumayo ako at pumasok sa kuwarto ko.
Binuksan ko ang backpack at maleta ko at nagsimula nang mag-ayos sa mga gamit ko at ilagay sa cabinet. Natigil lang ako nang makita ko ang mga undies na naihanda sa akin sa hotel. Nakakatawa nga pero hindi ko man lang maramdaman na masaya ako dahil ang nagbigay sa akin nito ay hindi pa ako tinatawagan o tintext man lang.
Hapon na pero hindi parin siya nagpaparamdam. Yung nangyari kanina, ayoko munang isipin iyon. Pero laging sumasagi sa utak ko.
Namilog ang mata ko. Ngayon ko lang napagtanto!
"Oh my gosh! He went public! Paano na kung may mga taong nakakaalam na ikakasal na siya!" napamura ako nang bigla kong naalala yung mga nagbulong-bulongan kanina.
May narinig akong busina sa labas ng bahay. Tumakbo ako sa bintana at sinilip iyon.
"You're such a persistent jerk." pabulong kong sabi habang nakatingin sa Allister na iyon na bumababa sa kanyang Hilux.
Kumulo ang dugo ko sa pagkakakita sa kanyang naka aviators pa, naka long sleeve pero nakatupi ang mga manggas hanggang sa kanyang siko at nakajeans. Iba yung suot niya kanina sa mall. Naiinis ako dahil kahit ilang ulit na lumayo ako sa kanya, nagkakaroon parin siya ng epekto sa akin.
"Allyse! Gusto kang kausapin ni Allister, anak." kalmadong sabi ni mama pagkatapos kumatok.
Hindi ba galit si Allister sa ginawa kong pambibitin sa kanya kanina? Baka naman awayin ako ng taong iyon, masasapak ko siya sa pispis!
"Bakit daw, ma?" tanong ko.
"Hindi ko alam, anak. Please, mag-usap naman kayo." pagsusumamo ni mama. Huminga ako nang malalim at tinapik tapik ang noo ko.
Ngayon ko lang naramdaman yung hiya ko sa ginawa ko. Crap naman, Allyse! How can I be able to face him now?
"Allyse?" mahinang tanong ni mama.
"I'm coming, ma." sagot ko. Nanatili pa muna ako sa kama ko bago nagpasyang lumabas nalang.
Namataan ko si Allister na nakatukod ang mga siko sa kanyang tuhod sa aming sofa. Umangat ang tingin niya sa akin at casual lang siyang ngumiti. Seryoso lang ang mukha kong umupo sa kabilang dulo ng sofa. Teka, bakit dito ako umupo?
Mabilis akong tumayo at umupo sa kabilang sofa. Humalukipkip ako at ipinatong ang isa kong binti sa kabila kong binti.
Hindi ako magsasalita. Hindi ako magsasalita.
"Thank you pala." aniya. Hindi ko siya direktang tinitignan pero nakikita ko pa rin na nakatingin siya sa akin na ganun parin naman ang posisyon.
At saan siya nagtethank you? Sa pambibitin ko sa kanya. Gusto ko mang tanungin pero hindi ako sumagot.
"Thank you dahil at least, nasigurado ko nang hindi tayo mangyayari." napalunok ako sa sinabi niya.
"Yung pag-iwan mo sa akin kanina..." tumikhim siya at nagbuntong-hininga. "I don't blame you. Inaasahan ko naman iyon pero hindi ko akalaing masakit din pala."
BINABASA MO ANG
Always and Forever (Allyse Sequel)
RomanceNagbago ang buhay ni Allyse nang malaman niya ang kanyang tunay na pagkatao. Her questions were answered at nagkaroon siya ng katahimikan. Only then she realized that there were things she needs to sacrifice - her former family and her only friend...