KABANATA 43 - Huwag Sa Ilocos Norte

179 12 41
                                    

"Mr. Laguyo, nasaan kayo ni Miss Carsola noong ibinigay niya ang pera sa iyo?" Tanong ng abogado ng kalaban namin sa korte.

Ang sarap sanang pakinggan ang mga sagot nila pero talagang inaantok ako. Natapos na rin naman akong matanong kanina at kampante ako sa lahat ng sinabi ko.

Pinagpatong ko ang mga braso ko sa ibabaw ng mesa at yumuko, nakadikit ang noo sa braso ko.

Puyat na puyat ako dahil nagbantay ako sa ospital kagabi. May mahigit isang linggo na at hindi pa gising si papa. Sabi naman ng doktor na stable na ang kalagayan niya at hinihintay na rin siyang magising. Si mama naman ay ikicremate na bukas. Nakakapagod talaga dahil kung wala ako sa lamay, nasa ospital ako. Nakikipagpalitan din naman si Allister sa pagbabantay sa ospital. Si Xavier, ewan ko doon. Kapag pumupunta kami ni Allister sa suite niya, palagi siyang wala.

Humikab ako. Naramdaman ko ang haplos sa likod ko. Alam kong si Allister iyon dahil siya ang katabi ko.

Bago rin kami nakarating sa korte ay kinausap na rin ng abogado namin si Jeddah at ikinuwento niya lahat ng nakita niya.

"Sinabi mong ayaw mong gawin iyon. Pero bakit mo parin ginawa?" Tanong ulit ng abogado kay Oscar.

Tuluyang bumagsak ang mga mata ko at hindi na namalayan ang mga nangyayari sa paligid.

•°•°•°•

Tog!

"No!!!" Napatalon ako sa pagsigaw ng isang babae. Agad na kinuha ni Allister ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya at kitang-kita sa kanya ang ngisi ng isang determinadong lumaban. Tumingin ako sa kabila.

Humahagulgol si Michelle at mangiyak-iyak si Oscar nang pinoposasan siya ng isang pulis. Kumaripas ng takbo si Michelle nang aakmang poposasan siya ng isa pang pulis.

Nakita ko ang mommy niya na tinakpan ang mukha ng panyo at nanginginig ang mga balikat. Ang daddy naman niya ang sumunggab sa kaniya.

"Dad! How could you?! Hindi ako ang may gawa!" Sigaw niya. Nagpupumiglas hanggang sa nahuli na rin ng dalawang pulis.

Ngayon lang naproseso sa utak ko ang nangyayari. Tapos na ang hearing and...

"We won, Lyse." Ani Allister sa tenga ko. Napatingin ako sa kanya.

"P-papaano?" Tanong ko.

"Ignorance is bliss, Allyse." Bulong naman ni Xavier na nasa likod ko lang.

Napatayo ako at pinanood ang dalawa na inilalabas sa korte.

"Allister!!! Bakit!?" Sigaw ni Michelle. "Minahal kita, traidor ka! Gago! Go to hell with Allyse! Isama niyo yung Jeddah na iyon! Pare-parehas kayo!" Sigaw siya nang sigaw.

Niyakap ako ng kapatid ko na ang laki ng ngisi. Nakipagkamayan naman si Allister sa abogado namin na si Atty. Acacio.

Lumapit sa amin ang mag-asawang Carsola. Humahagulgol ang mommy ni Michelle. Nagulat ako nang mahigpit niya akong niyakap.

"We're sorry, Allyse. We didn't intend to kill your parents, believe me. Michelle have gotten too far. She was jealous over you and Allister kaya niya nagawa iyon." Hinawakan niya nang mahigpit ang magkabilang braso ko. Naiiyak na rin ako pero pinigilan ko. Mapait akong ngumiti sa kanya.

"I'm sorry, Mrs. Carsola, but I think it's too difficult for me to forgive you or Michelle. Hinayaan niyo na sana si Allister sa gusto niyang mangyari. He's a human, madam. He has it's own freedom of choice. You intended to torture me until you make Allister indulge in your whims. I guess you won in torturing me because of my mama's death and to what happened to my papa and to their belongings. But you will never win over Allister. Not his heart. I feel sorry for Michelle, for you, and for Oscar... for your pathetic way of thinking. I'm sorry Mr. and Mrs. Carsola but you really acted like a 3-year old kid."

Always and Forever (Allyse Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon