KABANATA 8 - Kaibigan

320 19 15
                                    

WARNING: Unedited. Expect wrong grammars and spellings.

Habang lumalapit na ang winter season kumakapal na rin ang mga jacket at coats na ginagamit ko. Lalong bumababa ang temperature at nakakainis talaga. I have to always wear lip gloss dahil kung hindi magsusugat nanaman ang bibig ko.

Hanggang ngayon hindi pa alam nila mommy at daddy na nagpapractice akong mag-skating. Marami na rin akong natutunan especially the basics; somehow marami na rin sa mga ilang exhibitions. May mga gasgas na rin ako pero madali ko lang itago iyon dahil lagi akong nakajacket. Si Xavier lang ang nakakaalam lahat.

Regular na rin kaming magchat ni Allister; kung minsan tawag. Ang saya nga kasi kahit hindi kami nagtagal na nagsama, nagtatagal naman kami sa phone. Technology makes the world small talaga.

"Kumusta na rin sila mama? Napapadaan ka pa rin ba sa bahay?" tanong ko nang tumawag siya. Mag-aalas diyes na ng gabi sa kanila.

"Okay lang sila. Kaso ayun, medyo tumanda si Tita Flora." sagot niya. Huminga ako ng malalim. Sila ang uunahin kong bibisitahin kapag nakapagbakasyon ako sa kanila.

"Pakibantayan sila, Al, ha?" sabi ko.

"No problem. Binibisita ko rin naman sila. Ang saya kaya nila nung nalaman nilang nagkaroon ka pala ng kaibigan sa school noon." tawa niya.

Tumawa nalang ako kahit may konting sakit sa puso ko nang marinig ang sinabi niya. Kaibigan. Bakit ang sakit pakinggan? Ganon nalang kaya ang pagtingin ni Allister sa akin? Kaibigan? Parang ang hirap isipan na hindi kami mangyayari.

"Lyse?" Hay nako. Gusto ko nang marinig ang boses mo sa personal. Kung alam mo lang sana, Al.

"Kung alam mo lang ang nararamdaman ko para sa'yo." bulong ko na wala sa sarili.

"Para kanino?" tanong niya. Lumipad ang kamay ko sa bibig ko. Oh my gosh! Oh my gosh! Ano yung nasabi ko?

"Lyse?" Shocks! Anong sasabihin ko? Ang lakas na ng kalabog ng alaga ko sa dibdib; naninigas na rin ako.

"U-uhm... p-para kay Shane." mariin akong pumikit. Buisit! Allyse, ano yang sinasabi mo? ARGH! EPIC FAIL, ALLYSE! Halos tumigil ang mundo ko sa kahihintay sa sagot niya. Ang tagal. Wait, nagseselos kaya siya? Sinapok ko ang noo ko. Tanga, Allyse! Kaibigan nga lang daw diba? Bakit siya magseselos!

"Sino yun?" tanong niya. Now, I don't know what to say.

"U-uhm... Uh, k-kaibigan ko siya d-dito." Ugh! Allyse, pull yourself together. Huminga ako nang malalim.

"Kaibigan? Sabi mo kanina may nararamdaman ka para sa kanya." sabi niya. What am I going to do?

"O-oo. P-pero-" tumawa siya.

"Anong pero? Teka may Facebook ba siya? Gusto mo sabihin ko sa kanya?"

"NO!" Aww! Allister stop this! You're breaking my heart!

"Bakit naman?" tawa niya. Siguro nga kaibigan lang talaga ang turing niya sa akin. Ewan ko pero parang gustong lumabas ang mga luha ko.

"Ang pangit naman tignan kung b-babae ang aamin." pumikit ako habang sinasabi ko ito. Huwag kang pipiyok, Allyse!

"Hindi naman ikaw ang magsasabi. Ako naman e." humagikhik siya. Napangiwi ako at babagsak na ang luha kaya ako tumingala para mapigilan ko pa.

"N-no. Huwag. B-baka may girlfriend na rin yun eh." Hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang lakas ng loob kong huwag pumiyok.

"Well, let's just try-"

"Allister, tinatawag ako ng kapatid ko. Sige, bye." pinutol ko agad ang linya. Tuluyang kumawala ang mga nagbabadyang luha pero mabilis kong pinunasan iyon.

Always and Forever (Allyse Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon