KABANATA 16 - Please, Tell Me

254 16 14
                                    

Nagising nalang akong nakahiga na ng maayos sa aking kama at ang phone ko ay nasa side table na. Inimulat ko ang mga mata ko at pinakiramdaman ang paligid. Ganito ba ako natulog kagabi?

Ipinikit ko ulit ang aking mga mata nang maalala ang nangyari kahapon - the most painful day of my life in Seattle. I'm so freaking tempted to accept Allister's friend request. Pero para akong mapapaso kapag nitouch ko ang accept button.

Pero naalala ko ang talagang layunin kong tumawag sana - para ipagbigay-alam kila mama na magpapadala ako ng pera at para macontact ko na rin sila, ipapadala ko na rin ang phone ko. Bibili nalang ako ng iba.

So I don't have a choice but to accept Allister's friend request. Kinuha ko ang phone ko at sinilip ang oras. Alas sais na kaya siguro mga hapon nila sa Pilipinas. Iniisip ko palang na busy siya kay Michelle ay nasasaktan ako.

Humikab ako at nag-inat bago tumayo para pumunta sa bathroom at gawin ang morning routine ko sa loob. Lumabas ako ng bathroom at kinuha ang aking phone.

Don't be bothered, Allyse. Tatawag ka lang. Puwede mo namang iunfriend ulit kapag natanggap na nila mama ang pera at ang ipapadala mong phone.

I accepted the request and immediately pressed the telephone icon. Nakailang ring pa bago sinagot ang tawag. Nagtiim bagang ako nang ang unang marinig ko ay tawa ng babae pero boses lalaki ang sumagot. I knew it was Allister.

"Hello, Allyse!" tumikhim siya. Lumunok muna ako bago sumagot.

"Hi, Allister." namamaos pa ang boses kong sumagot.

"Kagigising mo? Bakit mo pala ako inunfriend?" tanong niya. I don't have time to talk about your crap, Allister.

"Puwede kang pumunta kila mama? Pakisuyo." sabi ko.

"Ah. Eh. Oo naman. Bakit?"

"Uhm, pakisabi may ipapadala akong pera sa kanila. Isesend ko sa'yo ang control number mamaya at pakisabi na rin na may ipapadala ako one of these days sa kanila or baka mamaya nalang."

"Oh. U-uhm. O-okay, Allyse." Suminghap siya. "S-sabihin ko." pagkatapos ay nagmura siya nang mahina at may narinig akong dumaing na babae. Ay buisit.

"I guess I'm disturbing you. Tawag nalang ako some other time."

"What? Wai-" pinatay ko agad ang tawag. Gusto kong humikbi pero pinigilan ko. No, Allyse. Hindi siya ang makakapagpatibag sa matatag mong pagkatao. Prove to yourself that he is not your weakness.

Ano man ang ginagawa nila ay wala na akong pakialam. Pero nakikitang bastos nga talaga yung babaeng iyon. Alam niyang may kausap yung tao, nang-iistorbo. Kung ganun man ang ginagawa niya. Pinilig ko ang ulo ko. Hindi ko dapat iniisip yan.

Lumabas ako ng kuwarto. Sila mommy at daddy lang ang nandoon. Siguro tulog pa yung dalawa. Bumaba ako at binati sila at hinalikan sa pisngi.

"Dad, mom. Nagkasuweldo ako noong Biyernes at medyo mataas din naman. So I've decided to send money to the Philippines. Balak ko na ring padalahan sila ng box." sabi ko sa kanila at agad silang tumango.

"Do whatever you please, honey. It's your money, anyway." ani mommy.

"Pero magtabi ka naman ng para sa iyo, anak. Remember, kaya ka nagtatrabaho dahil para na rin sa sarili mo iyan." pangaral ni daddy. Ngumiti ako at tumango.

"Yes, dad. I know. And one last thing..." tumaas ang mga kilay nila. "I'm giving my phone to mama and papa." ngumiti ako. Nagtinginan silang dalawa.

"Are you sure about that? That's your first phone here, anak." sabi ni mommy.

"Opo, mom. I'm sure. Makakakuha pa naman ako ng isa and I need communication with them so... yeah." tumango ako. Pumayag naman sila.

Always and Forever (Allyse Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon