KABANATA 22 - Ang Panira

228 17 37
                                    

"Ito pa. Binibiro ko si Mackie dito noon." tawang tawa na sabi ni Shane habang pinapanood namin ang mga covers nila ng ate niya sa laptop ko.

Nasa YouTube kami. Niclick niya ang isang thumbnail na talagang nagbibiruan sila dahil nasapak si Shane doon. Pumuwesto kami sa salas habang kumakain ng cheesy pasta at may hot chocolate with marshmallow toppings sa center table.

Nang nakapagbuffer na ang video ay nagplay na. Napakasimple ng ate niya. Walang makikitang bahid ng make up at maayos ang pagkakatali ng buhok niya. Si Shane naman ay medyo mas payat siya sa video at mas maitim lang ng konti. Pero ang buhok niya ay ganun parin ka-spiky.

Nasa harap ng piano si Ate Mackie at si Shane naman ay nakahawak ng gitara.

"Hi guys! Mackenzie here and my little brother Shane." kumaway si Shane. "And we're here to show you another cover of one of my favorite songs in a movie called The American Mall of Nina Dobrev and Rob Mayes-"

"Pardon her, guys. She's bitter today." panimulang asar ni Shane. Nakangisi si Shane na nanonood sa video ako naman ay humagikhik.

"Stop it, bro." ngiti niya pero iniirapan si Shane. Tumikhim siya at ngumiti ulit sa camera.

"Okay, as I said, we're going to play one of the movie's song called Sorry's Not Enough and... I hope you like it!" ngumiti siya at nagsimula na siyang magtipa sa mga keys ng piano at kumanta.

I'm sorry can't save a heart
When it breaks and scattered in the wind

Sumunod si Shane.

How can two words cover the hurt
The others been living in

Tapos si Ate Mackie ang sumunod.

Oh I never believed I'd ever need

Sumingit si Shane.

Any more than I did before

Shane's guitar totally broke the silence at nagduet na sila at nagsesecond voice si Shane.

When sorry's not enough
There's nowhere left to turn
Too much to forgive
Tell me where is the answer
How do you find the strength
The strength to let it go
We need to just to leave
When sorry's not enough

Napalunok ako nang mapagtanto ang mga lyrics niya. Naiinis ako sa sarili ko dahil bakit kahit sa anong paraan ay pumapasok si Allister sa utak ko.

Love can fall hard (fall hard)
Leaving the scar that remembers
How bad it burns
We won't pretend where next time begins
'Cause it makes us (makes us live and learn) live and learn

Pinagmasdan ko si Ate Mackie habang kumakanta. She was so sincere and sings soulfully. She must be in a struggle of something. Kitang-kita ko sa mga galaw at sa pagbibitiw niya ng kanyang mga salita sa kanta, it was too emotional and really from the heart. I can sense pain and weariness. Mga babae nga naman, oo.

Nang matapos ay nagngitian ang magkapatid. Naunang humalakhak si Shane.

"Are you always like that?" tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin.

"Is that bad?" tanong naman niya.

"Oh.my.God." tumawa si Shane na nasa video. "She's crying!" tawa niya. Doon siya nasapak ni Ate Mackie.

"Ang sama mo Shane!" palo ko sa braso niya habang pinapanood ang video.

"I'm sorry guys! I got carried away! Okay. I hope you liked it and enjoy! Oh... don't forget to check our other covers. Just click the link below and don't forget to hit the thumb up and please, subscribe! Thanks! Have a good day!"

Always and Forever (Allyse Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon