KABANATA 41 - Let's Fight Together

222 13 61
                                    

"Allyse, get back here!" tumaas ang boses ni Xavier. Nanlilisik ang mga mata kong lumingon sa kanya na siyang nanlambutan ng mukha niya.

"Ikaw. May lakas-loob ka pang pumarito para pahiyain ako sa harap ni Allister-" habang nagsasalita ako ay lumapit siya sa akin.

"Hindi kita pinahi-"

"Yes, you are! Noong umalis ka hindi ka na nagbalita sa amin... sa akin. Ikaw na tanging nakakaalam sa lahat ng nangyayari sa akin, hindi mo ako kinumusta! Sa oras na kinailangan kita, wala ka! Tapos ngayon..." ngumiwi ako, pinipigilan ang iyak. "...ito ang gagawin mo!?"

Bumusangot nang husto ang mukha niya at ginulo ang buhok. Inirapan niya ako.

"Oo, Allyse. Hindi ako nagparamdam, but I'm doing my part as your brother to protect my little sister! Kahit na may sarili akong problema na hindi ko maayos-ayos, hindi ka nawawala sa isip ko, Allyse! All I'm asking now is for you to understand the effort I'm doing for you and Allister."

"Understand? Hindi nga kami nagkakasundo, Xavier. Nasaan ang effort na sinasabi mo?" tanong ko. Kinuyom niya ang kanyang panga at namumula ang mga mata niya. Tsaka lang ako natauhan sa tanong ko. Bumagsak ang tingin ko sa baba at huminga nang malalim.

"I'm sorry. Mauna na'ko. May aasikasuhin ako." tinalikuran ko siya at hindi na pinakinggan pa ang tawag niya sa akin.

Mabilis akong nagpara ng taxi at nagpunta sa bahay nila Jeddah. 

I don't know what's my brother's objective for me and Allister to happen. Hindi ko maintindihan. Nagalit siya kay Allister noon dahil sa mga posts ni Michelle sa Facebook pagkatapos ngayon nagkakasundo sila.

Isa pa itong si Allister. Alam niya rin pala ang mga nangyayari sa akin. Ang galing naman niyang magpaikot. Kung alam niya ang lahat tungkol sa akin, bakit pa niya pakakasalan si Michelle? Kung talagang mahal ako ni Allister, wala sana siyang pakakasalan na Michelle.

I don't know what to think anymore. Bakit sa oras na may mga bagay na dapat mas matimbang ay doon naman pumapasok ang mga iba pang problema na magpapabigat pa sa mas matimbang na problema ko? Sabay-sabay nalang ang problema.

Nakita ko si Jeddah sa treehouse ng bahay nila at agad na ngumiti at bumaba nang makita ako.

"Hi, Ate Allyse!" yumakap siya sa balakang ko. Hinalikan ko naman ang ulo niya.

"Hi, Jeddah. I have something for you." ngumiti ako. Iniabot ko sa kanya ang plastic na may teddy bear. Nanlaki ang mata niya at tinanggap niya iyon. 

Nanlulumo ang puso ko na makitang ipapamigay ko lang ang teddy bear na bigay sa akin ni Shane. But it's hurting me every time I see that stuff toy so I need to give it away. It only reminds me the heartaches.

"Ang ganda ate! Salamat po!" niyakap niya ulit ako. Niyakap ko siya pabalik at suminghap; kinakalma ang sarili dahil may nagbabadyang mga luha nanaman sa mata ko.

"You're welcome." tumawa siya.

"Ate, uhm... tungkol sa sasabihin ko sana noon." kinagat niya ang pang-ibabang labi niya habang yakap ang teddy bear.

"Hmm, ano nga pala iyon?" tanong ko. Imbes na sagutin ako ay kinuha niya ang kamay ko at iginiya sa hagdan papunta sa treehouse. Umakyat kaming dalawa doon. Hinintay ko siyang magsalita.

"T-tungkol po sa nangyari kila Tito Eric at Tita Flora. Kung puwede ko sana pong banggitin." umawang ang bibig ko at umayos ng upo. Ngumiti ako at tumango.

"Go ahead." sagot ko. Huminga siya nang malalim. Kinabahan ako sa sasabihin niya pero kailangan kong makinig.

"Hinihintay ko po kayong dumating noon kaya umuupo po ako sa malapit sa bahay ninyo. Tapos may tumigil na puting kotse sa tapat niyo. Sila Tito Eric pala iyon pero may kasama silang lalaki rin. Medyo matagal din po yung lalaki sa loob. E dahil sa curious ako, sumilip-silip ako sa loob. Ate, nakita ko pang sinamahan ng lalaki sila Tito Eric at Tita Flora sa loob ng kuwarto nila. Tapos, tapos..."

Always and Forever (Allyse Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon