"Allyse, don't forget. Get yourself ready for tomorrow. Same time, same place... I'm glad you didn't hit yourself today." Ani Carlisle nang nagtatanggal na kami ng mga sapatos. Ngumiti ako.
"Let's go to K Mart and freshen up. I'm starving." Imbita naman ni Crista.
"Oh, yes! That would be cool!" Masayang sagot ni Jessa.
"Is it far?" Tanong ko. Umiling siya.
"Just a few blocks away."
Sumama sila Carlisle at Shane sa aming tatlo sa K Mart. Bumili sila ng mga pagkain tulad ng nachos, pizza, at popcorn, may binili rin silang soda. Ayokong kumain dahil alam kong maraming handa sila mommy para sa dinner mamaya kila Tito Jared. Siguradong mapaparami ako ng kain.
Dahil kami lang ang nagkakaintindihan ni Shane, kami nalang lagi ang magkasama sa buong oras na nasa K Mart kami. Iniwan namin yung tatlo at naglakad lakad kami.
"Hindi ka ba nahirapan mag-adjust sa mga first weeks mo dito?" Tanong ni Shane.
"Nahirapan din. Hanggang ngayon nga nahihirapan pa ako. I'm dwelling with people of my kind pero pakiramdam ko, ibang iba pa rin ako sa kanila." Sabi ko. Bahagya siyang natawa.
"What's more to me... Nagcollege ka?" Tanong niya at tumango ako.
"Graduating na pero dahil sa pangyayari, hindi ko na natapos." Tumango-tango siya.
"Ano ang course mo?"
"Civil Engineering." Ngiti ko.
"Wow. Sayang naman dahil hindi ka nakapagtapos." Tumawa ako at inilingan ko nalang.
"Ikaw? Anong course mo noon?"
"I tried Accounting pero hindi talaga ako nagkainteres doon." Tawa niya.
"Ikaw talaga." Sinapak ko ang braso niya.
"So, sa Cebu ka lumaki?" tanong niya sa akin at tumango ako.
"Umalis nalang kayo bigla noon? Paano na yung mga kaibigan mo, alam ba nila na aalis ka?" Bumagal ang paglakad ko kasabay ang pagbagal ng tibok ng puso ko.
Ang sakit lang kasi iisa na nga lang ang kaibigan ko noon hindi pa ako nakapagpaalam. I wonder kung kumusta na siya ngayon. Sa sandali naming pagsasama natutunan kong pahalagahan ang friendship namin kaya hanggang ngayon hindi ko parin matanggap ang ginawa kong hindi pagpapaalam sa kanya.
"Allyse? Earth to Allyse!" Ngiti niya habang winawagayway ang kamay sa harapan ko. Napakurap-kurap ako at tumingin sa kanya. Naging concern ang mukha.
"Okay ka lang?" Tanong niya. Dinilaan ko ang bibig at nagsalita.
"O-okay lang." Kinagat ko ang labi ko at yumuko nalang nang pinagpatuloy namin ang paglalakad.
Nakatingin ako sa mga bilihan ng mga toys. Hindi ko alam kung paano kami nakarating dito dahil masyadong okupado ang utak ko. Hindi ko makalimutan si Allister ngayon.
Naagaw ang atensyon ko sa isang rack na maraming nakadisplay na unicorns. Bigla kong naalala ang kapatid ko. Oo nga pala, magdodrawing pa pala daw ako ng unicorn niya pagdating ni Cameron. Bilhan ko nga ang kapatid ko. Kaso ang taas niya.
"You want that?" Napatingin ako kay Shane na nakatingala rin sa unicorn.
"Yep. I wanna buy it for my little sister." Ngiti ko. I tried to jump para maabot iyon pero wala talaga. Narinig ko ang tawa ni Shane.
"Mataas yan. Let's see kung maaabot ko." Tumabi ako para makapunta si Shane sa puwesto ko. He tried to jump. Then jumped again. Nasagi niya ang unicorn pero hindi niya madampot dahil sasamang mahuhulog ang mga ibang katabi niya.
BINABASA MO ANG
Always and Forever (Allyse Sequel)
RomanceNagbago ang buhay ni Allyse nang malaman niya ang kanyang tunay na pagkatao. Her questions were answered at nagkaroon siya ng katahimikan. Only then she realized that there were things she needs to sacrifice - her former family and her only friend...