KABANATA 7 - Torn Between Them

401 18 9
                                    

Umuwi kami ng mga ala una ng madaling araw. Bigo akong pumasok sa kuwarto ko dahil hindi ko man lang nasagot ang tawag ni Allister. Sinalampak ko ang katawan ko sa kama at kinuha agad ang phone para makapagmessage sa kanya.

I'm sorry, Al. Hindi ko nasagot ang call. How are you?

Medyo kinilig ako pero naghahari parin ang disappointment sa aking katawan. Hindi ko nahintay ang reply niya dahil na rin sa pagod at puyat. Alas siete na nang nagising ako. Nang nakita ko ang reply niya ay di ko napigilang ngumiti ulit.

It's okay. Mukhang may party yata kayo kagabi.

Paano niya nalaman? Nagreply ulit ako.

How did you know?

Nagpost ang kapatid mo ng pictures niyo. Pumuti ka pa lalo at mas nadefine ang rosy cheeks mo. :)

Is this for real? Natunganga ako. Umagang-umaga kikiligin ako, huwag naman! Bumangon ako at pumasok sa banyo para mahimasmasan at makapaghilamos. Kinuha ko ang maliit na tuwalya at maingat na pinunasan ang aking mukha. Bumalik ako sa kama para magreply.

Miss mo lang ako! Haha!

Sent! Naninigas na ako sa kilig. Nako, magandang exercise ito kapag laging ganito si Allister sa akin. Nag-ting ang messenger ko.

I really do. :) Kumusta ka na?

Agad akong nagreply. Habang nagtatype ay nagbilang ako para malaman kung anong oras nila doon. Naku, naku talaga si Allister!

Aww! I miss you more, Al! Eto, hindi alam kung ano ang puwedeng gawin dito. It's almost midnight. Hindi ka pa ba matutulog? May pasok ka pa bukas.

Makakahanap ka rin ng gagawin diyan. You're still acclimating kahit na rin ang regular chores mo nakikibagay palang.

"Ate Allyse! Our cousins here!" sabi sabay katok ni Allicia.

"Okay, baby. Tell them I'll be downstairs in a minute!" sagot ko pabalik. Okay, I guess it is really a goodbye to Allister for now.

Thanks, Al. :) Sleep ka na. Bawal ang magpuyat. May lakad pa kami ngayon. Bye!

Bye, Lyse. I miss you. Ingat ka lagi diyan.

And gosh! Di ko nanaman mapigilan ang manigas sa kilig!

Thanks, Al! I miss you too. Ikaw din, ingat! Focus sa pag-aaral!

Hay nako. Someday, makakapagbakasyon din ako sa Pilipinas. I just need to earn enough money. But I have no job... no job, no money. No money, no vacation. No vacation, no Philippines. No Philippines, no Allister! OMG! Kailangan ko ng trabaho! That's what I'm going to do!


"Magendáng umæga."

Biglang tumawa nang malakas sila Xavier at Allicia nang nagsalita ng tagalog si Cameron. Napangiti na rin ako dahil first time kong marinig si Cameron na magtagalog. Pababa na ako sa hagdan.

"I really can't do it, man!" tawa ni Cameron sabay kamot sa batok.

"You almost got it. Say it again, Cam. A little bit harder. Ma-gan-dang u-ma-ga." sabi ko.

"Magendang umaga." ulit niya. Humagikhik naman ang dalawang kapatid ko. Sila Mindy at Leeuwarden na nakaschool uniform naman ay halatang nachachallenge din dahil nakatitig silang mabuti kay Cameron.

"One more time! You're getting it!" cheer ko sa kanya.

"Ugh! Screw this! Good morning!" tawa niya; binatukan ni Xavier.

Always and Forever (Allyse Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon