Warning: So not edited.
Tanghali na nang makapagtouch down kami sa Ilocos Norte. Tinapik-tapik ko ang braso ni Allister para magising. Ang nasa tapat namin ay sila papa at si Xavier na gising na rin.
"May susundo sa atin, Xav?" tanong ko sa kapatid ko nang papalabas na kami sa airport. Tumango lang siya at sinundan lang namin siya. Inaalalayan ko si papa at si Allister naman ang tumutulak sa mga bagahe namin.
Siguro nagtataka na siya kung bakit hindi na ako nabubuisit sa pagiging masungit niya. What could be the reason for me to get annoyed? He thought I would run back to that del Valle, he thought I still love him. All those thoughts would never happen so I am dead-confident that Allister just making me like him more and more.. He has no idea what he's doing to me, though.
May tumigil na kulay abong Hiace sa tapat namin.
"Nandito na pala sila." anunsyo ni Xav. Mabilis na tumulong si Allister na kumarga sa mga gamit namin sa likod ng sasakyan.
Si Tito Arman ang bumaba at nang makita niya ako ay nanlaki ang mga mata niya at ngumiti. Kumaway ako.
"Allyse! Kailan ka pa dumating?" tawa niya at yumakap sa akin.
"Hi, Tito Arman! Matagal na tito. Halos mag-iisang buwan na ako dito." tumawa din ako.
"Ganun ba? Kailan ang balik mo doon?" tanong niya. Napatingin ako kay papa.
"Uhm, hindi ko nga pa po alam e. Ay, tito, si papa pala. Eric po ang pangalan niya. Papa, si Tito Arman, tito ko."
Nagkamayan sila. They even made known to each other. Sinabi na rin ni papa ang mga nangyari sa kanya kung bakit ganito ang itsura niya na parang kagagaling ng ospital. Sa buong pagkukuwento ni papa ay walang ginawa si Tito Arman kundi manlaki ang mga mata, kunot ang noo, at magtiim-bagang lang. Pasulyap-sulyap pa siya sa akin.
"I'm sorry, Allyse. I have no idea, basang." ani Tito Arman na may simpatia sa kanyang boses. Ngumiti ako.
"Ayos lang iyon, tito. Ang mahalaga ay natapos na. Sana lang po ay welcome si papa dito sa Ilocos." hinawakan ko ang likuran ni papa. Agad na tumango si Tito Arman.
"Oo, welcome na welcome ang papa mo. So sa Hanalei Heights kayo kukuha ng bahay niya?" tanong niya. Tumango ako.
"Tito, tara na." singit ni Xavier pagkatapos ay napatingin kay Allister na malayo ang tingin.
Sumang-ayon si tito kaya isa-isa kaming pumasok sa sasakyan niya. Wala pang isang oras ang biahe papunta sa mala-mansion nilang bahay. Minsan na akong nakapunta dito. Iyon ay noong nahanapan ako nila Xavier.
Kitang-kita ko sa balkonahe ng bahay nila ang nag-aantay na si Tita Mila. Still that same smiley face and elated eyes that never grow old.
"Hi, Tita Mila!" tumakbo ako papunta sa kanya at agad na niyakap.
"Nandito ka pala, bebe!" tumawa ako.
"Hanggang ngayon ba naman, tita? Bebe parin? Malapit na nga akong mag-21 e!" ngumuso ako.
"Hay nako! That doesn't mean I can't call you such endearment! At para sa akin, you're still a bebe to me kahit malaglag ka pa sa kalendaryo." halakhak niya.
"Ay, ganun? O sige na nga!" napatingin ako kila Tito Arman at Xavier na nagdidiskarga sa mga bagahe at nasulyapan si Allister na inaalalayan si papa na bumababa ng sasakyan.
"Tita, iyon si papa." turo ko kay papa na hinahawakan ni Allister.
"Bakit? Anong nangyari sa kanya?" tanong ni Tita Mila na may pag-aalala sa kanyag mukha.
BINABASA MO ANG
Always and Forever (Allyse Sequel)
RomanceNagbago ang buhay ni Allyse nang malaman niya ang kanyang tunay na pagkatao. Her questions were answered at nagkaroon siya ng katahimikan. Only then she realized that there were things she needs to sacrifice - her former family and her only friend...